Chapter 39

1.3K 46 4
                                    

Nagulat ako nang imbis na driver nila ay si Harvey ang sumundo sa akin.

"Go, Ivan. You need to talk." Bumeso kami sa isa't isa bago ako sumakay sa harapan ng sasakyan.

"Sorry, Harvey. Naabala ka pa." Paumanhin ko rito habang nagsusuot ng seat belt.

"Ivan, yesterday night... nag-usap ba tayo?" Nabigla ako nang ungkatin niya agad iyon.

"Ikaw ba? Do you want me to act like nothing happened?" Pagbabalik ko ng tanong dito ngunit parang kinumpirma ko na ring nag-usap kami.

"So, I'm really not dreaming, huh? Stupid Harvey." Bakas sa mukha nya ang kahihiyan dahil sa ginawa niya at sa totoo lang, hindi ko alam ang dapat gawin ngayon. "Sorry, Ivan. Namura pa kita."

"Feeling ko, ako dapat 'yung magsorry sa 'yo. I felt like your pain was on me. Hindi ko nga alam paano nangyari 'yon but Harvey, naniniwala ako sa 'yo." Pakiramdam ko'y sobrang sama kong tao for hurting and changing him.

"Hero has been a good best friend, 'no?" Pag-iiba niya ng topic.

"He is. Makulit at mapang-asar nga lang pero sobrang solid niyang kaibigan." Sagot ko rito.

"That should be me. Ano kayang setup ngayon kung ako pa rin best friend mo?" Sa totoo lang, hindi ko rin alam.

Maybe better? Hindi ko masabi.

"If you were my best friend, bakit mo hinayaang mapunta ako kay Hero?" Hindi ko napigilang itanong.

"Your eyes are sparkling everytime you look for Hero. Kapag yayayain kitang kumain noong high school, you would instantly say no pero sa akin mo rin hahanapin si Hero kasi mas gusto mo siyang kasama. Naramdaman kong ayaw mo na sa presence ko. But then, I realized, it was me you're looking for. It was me... your hero." His voice was so fragile kaya mas lalo akong nakonsensya sa nangyari sa amin.

"Bakit hindi ka nagsalita?" It breaks me that I am hurting him.

"Kasi masaya ka sa kanya. I don't want to take your happiness away from you kaya ako na lang ang lumayo. I want to accept na hindi na ako 'yung gusto mong makasama kaya ako na mismo ang gumawa ng rason para hindi mo na ako gustong kausapin pa." Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang gawin iyon. "I was that broken kaya gumawa na lang ako ng paraan para masanay na wala ka. Mas maganda nang galit ka sa akin para kahit papaano naman, alam ko kung bakit ka umiiwas. Kasi kung tatanggapin ko na lang na hindi mo na gusto ng presensiya ko dahil lang akala mong si Hero ako? Nakakadurog, Ivan." His voice cracked kaya alam kong kinakain na siya ng emosyon ngayon.

"Harvey, hindi naman kinailangang umiwas nang ganoon. You don't need to make yourself the antagonist just because you're not seen as the best friend anymore? Hindi ko maintindihan, Harvey." Tumulo na ang luha ko dahil maliban sa hindi ko na nga maintindihan kung bakit, sinisisi ko pa ang sarili ko sa isang bagay na hindi ko naman sinasadya.

"Mukhang mababaw, 'no? But Ivan, it's drowning me. Na araw-araw, I'm craving for your presence pero bawat oras na sinusubukan ko, you're always rejecting and pushing me away. I needed a valid reason kung bakit ko nararanasan 'yon, Ivan. And if that reason would make you push me away even further, ayos lang. Akala ko, through that, I will detach myself from you. Pero hindi talaga, eh. I kept on craving you." Pumatak na ang luha nya habang nagkukwento at sobrang naaawa ako sa kanya dahil kinaya niya iyon mag-isa. "I can't tell it to anyone. Ang hirap aminin at ang hirap ipangalandakan sa kahit kaninong sapiosexual ako. Or am I? Sa 'yo lang naman ako. Kahit sinubukan ko sa iba, hindi pa rin nila kayang punan ang lungkot na nararamdaman ko. Ganoon na ako kalunod, Ivan. I-ahon mo naman ako, oh." Tinignan niya ako diretso sa mata. Hindi ko napigilang yakapin siya dahil alam kong ganoon kabigat ang nararamdaman niya. He doesn't deserve it. Hindi ko deserve na maging dahilan kung bakit nalulunod ang isang tao.

"Tulungan mo akong i-ahon ka, Harvey."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now