Chapter 38

1.3K 46 2
                                    

Nagsabi ako kay coach at kila Henz na hindi ako makakaattend ng training ngayon dahil nagyaya si Ninong Hans na magbonding kaming dalawa. Sa Wednesday pa naman ang game namin kaya't pwede pang hindi muna ako magtraining ngayon.

"Kumusta ka?" Tanong ni Ninong Hans pagkakita sa akin. Sinundo ako ng driver nila at kakarating ko lang sa mall ngayon.

"Okay naman na po after the sprain. Nakapaglaro na po ulit ako kahapon." Kwento ko rito.

"Napanood ko nga ang match niyo kahapon. And speaking of your match, are my sons okay? Bakit parang nag-aaway sila?" Napalunok ako ng laway dahil ganoon agad ang topic na binuksan ni ninong.

"Si Hoven po kasi, wala sa mood kahapon." Pinag-iisipan ko ngayon kung aamin ba ako na sinabi ni Hoven kahapon o papanindigan ko lang ang sinabi nya kagabi?

"I doubt na ganoon lang ang rason. Hoven is not that petty para lang idamay ang mga kapatid niya kapag naiinis siya." Napahinga ako nang malalim dahil alam kong this time, kailangan ko nang sabihin ang katotohanan. "What is the real reason, Ivan?"

"Nagselos po kasi si Hoven kay Henz." Tipid kong sagot.

"Ivan, I won't tell them if you speak up. Alam kong may ayaw kang sabihin sa akin." Muli ay napabuga na lang ako ng hangin.

"Kasi lagi po kaming magkasama ni Henz sa training kaya mas naging close po kami. In my defense naman po, tinuruan kasi ako ni Henz kung paanong magblock so noong nakablock ako kahapon, kay Henz po ako unang lumapit imbis na kay Hoven na mas malapit sa akin. Kaya ayon po. Nagselos po si Hoven." Kwento ko. Ang tagal akong tinitigan ni Ninong Hans pagkatapos noon.

"Are my boys into you?" Hindi ko alam kung paano sasagutin iyon dahil nahihiya talaga ako kay ninong. Baka isipin niyang pinapatos ko mga anak niya when in fact, hindi naman ako ang nag-initiate to begin with. "Ivan, I'm not against it pero nasasaktan lang ako kasi ang daming pwedeng magustuhan tapos mag-aaway sila nang dahil sa 'yo."

"Ninong, si Hoven pa lang naman po ang umaamin." Nahihiya pa rin ako sa kanya. May point siya. Ang daming pwedeng magustuhan para mag-away sila nang dahil lang sa akin kaya sana, hindi ganoon. "And si Harvey." Dagdag ko nang maalala ko ang usapan namin kagabi.

"Harvey? Not Hero? Not Henz?" Halatang nagulat din siya dahil sa sinabi ko. Sino ba namang mag-aakala na all this time, gusto pala ako ni Harvey. "You are such a caring person, Ivan. Good heart, genuine personality. Hindi naman kataka-takang magustuhan ka pero sigurado kang si Harvey?"

"Nagulat din po ako kagabi, ninong. Umamin po siya pero lasing siya, eh." Paliwanag ko. "Remember when you told me that it was Harvey and not Hero? Ninong, tama po pala kayo kasi 'yan din ang sinabi niya sa akin kagabi."

"I told you. I should know. Alam ko kung gaano ka kamahal ni Harvey noon dahil hindi nga 'yan sumasama kapag umaalis kami para lang puntahan ka sa bahay niyo kaya hindi ko talaga inasahang hindi na kayo magpapansinan paglaki niyo." Nagtutugma ang sinasabi ni ninong at ni Harvey kaya alam kong totoo iyon. "Until one day, my sweet child was gone. Sobrang nagbago si Harvey and even I don't know the answer. Sinabi niya ba sa 'yo kung bakit?"

"Hindi po, eh. Akala niya, nananaginip lang siya kagabi kaya siguro nasabi niyang lahat 'yon."

"Ivan, please talk to my son. I want to understand him even more."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt