Chapter 70

893 28 1
                                    

Balik na naman sa dati ang buhay ko pagkauwi ko ng Pilipinas. Pagkagising ko ay dumiretso ako sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Nang matapos kong ayusin ang hitsura ko ay bumaba na ako sa kusina upang magalmusal at nadatnan ko doon ang aking mga magulang na kumakain.

"Good morning, Ivan." Bati ni daddy nang mapansin ako.

"Good morning po." Bati ko pabalik.

"Napanood namin ng mommy mo ang laro mo sa Seagames." Kwento nito na ikinagulat ko. Kailan pa sila naging interesadong manood sa laban ko? Ni hindi nga nila sinabi sa aking nanood sila ni isang beses ng laban ko dito sa Pinas. "Hindi mo naman sinabi sa akin na ganoon mo kamahal ang volleyball. Sana, inenroll ka na namin sa volleyball class noong bata ka pa lang." Dagdag nito na mas ikinagulat ko.

"Suportado niyo po ako?" Pagkukumpirma ko.

"Why not? Nakita namin kung paano mo binuhos 'yung puso mo lalo na kahapon. At sinong magulang ba ang hindi susuporta sa anak na best opposite spiker and finals mvp ng Southeast Asia? You made us proud, Ivan." Maluha-luha akong tumayo at nilapitan si daddy upang yakapin siya. Ang sarap marinig na siya mismo ang nagsabi noon.

"One more thing, Ivan. You need to know something." Si mommy naman ang nagsalita ngayon.

"Ano po 'yon?" Tanong ko at bumalik na sa upuan ko.

"You will be Kuya Ivan soon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon.

"Buntis ka po?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. Sino bang mag-aakala na magkakaroon pa ako ng kapatid after 16 years of existence?

"Hindi ka na maaasar ni Hero na Baby Ivan." Biro sa akin nito kaya't muli akong napatayo para yakapin naman siya.

Ang tagal ko nang gustong magkaroon ng kapatid. Inggit na inggit ako kila Hero dahil may kapatid silang nakakausap kapag may problema sila pero ako, wala.

"We have to celebrate for these victories. Invite your friends this weekend sa resto na madalas nating kinakainan." Utos ni daddy.

"Sige po. Nasa Redskull naman po ako bukas since may training na po ulit kami." Sagot ko rito.

"Kailan pala laban nyo? We will watch live para naman makapagcheer kami for you." Dagdag pa ni daddy kaya mas natuwa ako.

"Sa Saturday po, game one na ng battle for thirds. Then sa Sunday po, game two na." Sagot ko rito. Mabuti na lang talaga at kinaya nila Henz na makapasok sa final four kahit na nalaglag sa finals.

"Sakto pala sa gathering natin, eh. Ipapacancel ko lahat ng appointment namin just to be there. Make sure to invite your whole team even your coaches." Sobrang saya ko dahil sa naririnig ko ngayon. Hindi ko inakalang aabot sa ganitong punto na susuportahan nila ako sa gusto kong gawin.

"Sana lang manalo kami sa Sunday para worth it naman 'yung celebration." Biro ko dito pero kahit ano pa ang maging resulta ng laban namin, masaya na ako dahil alam ko na ngayong masaya sila para sa akin.

"We will make sure that you will hear our cheers. Hindi kami papayag na matalo kayo."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Onde histórias criam vida. Descubra agora