PROLOGUE

24.3K 397 6
                                    

"Kinakabahan ako." Hinawakan ni Heaven ang kamay ko dahil kanina pa siya hindi mapakali at naramdaman kong sobrang basa na ang kamay niya. "Sana ayos lang sila." Hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa magkahalong kaba at saya ngayong ipapanganak na ang aming mga anak.

"Kabahan ka talaga. Kapag lumaki pa 'yang mga bata nang gaya mo, nako! Hindi ko na alam." Sermon ko dito na alam kong makakadagdag pa lalo sa iniisip niya. Hindi ko naman kasi alam kung anong ginawa niyang kababalaghan nung ginagawa palang nila 'yung mga bata at kung bakit naging apat 'yun.

"Hans naman. Sinabi ko naman sa 'yo na walang ibang nangyari. Hanggang ngayon ba pinag-iisipan mo pa rin ako nang masama?" Ngayon ko lang nakita si Heaven na sobrang kinakabahan. Sinabi kasi sa amin ng doktor na mahihirapang ilabas ang mga bata dahil quadruplets nga sila at may posibilidad na mamatay ang isa, dalawa, tatlo o kaya apat sa kanila. Sino ba namang ama ang hindi kakabahan dahil doon?

"Eh paano nga kasing naging apat 'yun? Apat na rounds? Apat na shoot? Hindi ko kasi maintindihan paano naging apat." Sagot ko rito. Iniisip ko pa lang na ganoon nga ang nangyari habang ginagawa nila ang bata ay sobrang naiinis na ako. Alam kong hindi ito ang tamang oras upang sitahin siya doon ngunit minsan talaga'y bigla-bigla na lang akong nagiging ganito kamoody pagdating sa kanya.

"Hindi ko talaga alam. Besides, I can only have four rounds with you so don't ever think na mag-eenjoy ako na gawin 'yun kasama ang iba." Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon. Aaminin ko, kinilig ako sa sinabi niya ngunit nakaramdam din ako ng hiya.

Maya-maya pa ay nagring bigla ang cellphone ko at agad ko namang sinagot ang tawag nang makitang si Fire iyon. Binitawan ko muna ang kamay ni Heaven pansamantala at tumayo para mas maayos na makausap si Fire.

"Hello? Napatawag ka?" Bungad ko rito. Rinig ko ang malalim niyang paghinga kaya hindi ko maiwasang mag-isip na baka may kung ano nang nangyari lalo na't buntis si Ice.

"Kailangan ko lang ng kausap. Mababaliw na yata ako sa kakahintay dito sa labas ng delivery room. Naglabor na kasi si Ice, eh." Nagulat ako sa sinabi niya. Ang tagal na naming hindi nakakapag-usap dahil bawal tumayo si Ice sa kanyang higaan kaya't wala akong balita kung kailan siya eksaktong manganganak. Hindi ko naman inasahan na parehas pa ng araw kung kailan ipapanganak ang mga anak namin ang paglabas din ng anak nila.

"Kumalma ka lang, Fire. Magiging ayos 'yan." Pilit kong pagpapakalma rito. "Nasa hospital din kami ngayon dahil naglabor na si Jema." Kwento ko dito upang ipaalam na ngayon din lalabas ang mga anak namin. 

"Anak ng meant to be!"  Halatang nagulat din ito sa sinabi ko. "Sige na. Regards mo na lang ako kay Heaven. Tapos na yatang manganak si Ice." Pagkasabi niya noon ay ibinaba na kaagad niya ang tawag. Itinago ko na ang cellphone ko sa bulsa at lumingon na kay Heaven upang sabihin sanang ngayon din ang labas ng anak nila Ice ngunit nakita ko siyang nakasilip na sa delivery room.

"Halika na. Tapos na yata siyang manganak." Patakbo akong lumapit kay Heaven dahil sa sinabi nito at pagkasilip ko ay nakita kong inaasikaso na ngayon ang aming mga baby. Natuwa ako dahil nakita ko silang lahat na gumagalaw. Ganito pala talaga ang pakiramdam ng maging isang magulang. Ngayon pa lang, gusto ko na silang kargahin at yakapin ngunit alam kong hindi pa pwede kaya't si Heaven na lang muna ang niyakap ko na alam kong sobrang saya rin ngayon.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now