Chapter 59

938 29 0
                                    

"Mamayang gabi na flight niyo?" Tanong ni Hoven habang nagluluto ng adobo.

"Yes. Tapos training tomorrow nang hapon so hindi na ako makakasama sa pagsundo sa inyo bukas." Hindi ko rin naman kasi maintindihan bakit hiwalay pa ang flight namin sa kanila. Pwede namang sama-samang dumating doon para sabay-sabay na ang training.

"Okay lang. We'll just see you in the hotel after your training." Pagkasabi niya noon ay binitawan niya muna ang sandok na hawak niya at saka umupo sa harap ko. "Basta habang wala kami, nandoon naman si River para may makausap ka. And that Aldrin guy. Mukhang close naman na kayo kaya good thing din na nandoon na siya."

"Luh? Jowa ka na ba? Kung makabilin ka akala mo naman jowa mo na." Pang-aasar ng kakapasok lang sa kusina na si Hero.

"Shut up, Hero. Go back to your room." Natawa ako dahil sa asaran ng magkapatid.

"Makikikain ako. Ang selfish naman nito." Lalo akong natawa dahil sa sinabi ni Hero. Nang makita nitong nakabukas pa ang kalan ay napanguso na lang ito.

"Tatawagin na lang kita mamaya. Hayaan mo muna kaming magmoment dito, okay?" Pagtaboy ni Hoven dito.

"Fine, lover boy! Isusumbong kita kay daddy. Sabihin ko malandi ka." Habol nitong pang-aasar bago tuluyang lumabas ng kusina.

"Weird mo!" Nagtawanan kaming dalawa matapos ang pag-aasaran nilang magkapatid.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya matapos 'yon kaya tahimik lang ako. Maya-maya lang ay nagsalita na siya gaya ng inaasahan.

"I can't believe this is real." Nagtaka ako kung anong tinutukoy niya. 'Yung asaran ba nila ni Hero? Pero sanay naman na ako doon kaya hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.

"Alin?" Tanong ko.

"I am looking at the most special person in my life right now." Hindi ko alam kung paano magrereact dahil sa sinabi niyang iyon. "Ang cheesy pero totoong masaya ako kasi kahit hindi ka pa akin, pakiramdam ko akin ka na."

"We'll get there, Hoven. Mabait ka naman. Strict sometimes pero balanse. And trust me, these past few days, nararamdaman ko namang totoo ka sa nararamdaman mo sa akin." Pag-amin ko sa kanya. His efforts of making me feel special, sobrang commendable. Lagi niya akong pinagluluto kahit sa bahay pa namin. Gigising ako sa umaga with his good morning messages, constantly will check if kumain na ba ako o kung ayos lang ako, and I always end my night with his good night messages. Sobrang ideal lover ni Hoven kung tutuusin kaya hindi ako nagsisising binigyan ko siya ng chance na suyuin ako.

"I'll never get tired of making you feel my love. You are that worth it, Ivan. I love you." Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang sinseridad niya sa sinabi niyang iyon.

"Thank you, Hoven."

Nang matapos siyang magluto ay hinain niya na agad ang pagkain. Hindi pa man tinatawag ay bumalik na kaagad sa kusina si Hero.

"Si Habs?" Tanong ni Hoven.

"Sa labas na lang daw siya kakain."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora