Chapter 80

1.2K 34 0
                                    

Mabuti na lang talaga at may tv dito sa kwarto. Kung hindi, paniguradong mabuburyo ako dahil wala akong magawa. Pinabili ko si Aldrin ng makakain namin dahil ayaw ko talagang kainin ang pagkain na dinadala dito sa akin. Sa sobrang health conscious ng pagkain, wala talagang lasa kaya hindi nakakatuwang kainin.

Habang kinakain ko ang orange na kasama ng mga pagkaing dinala ng nurse ay narinig kong may kumatok sa pinto.

"Pasok!" Sigaw ko. Marahil ay ka-team namin sa volleyball 'yan na dadalaw sa akin dahil imposibleng sina Snow 'yan dahil may oras sila nang pagpunta dito.

Nagulat ako nang si Harvey ang pumasok. Bakas sa kanyang nilakasan niya lang ang loob niya upang kausapin ako kaya't bahagya akong ngumiti upang gumaan naman ang loob niya.

"Bakit? Kakagaling ko lang sa inyo, ah. Sana kinausap mo na ako doon." Bungad ko rito.

"I just want to say that I am really sorry for everything." Umupo ito sa upuan sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko. Nang idikit niya iyon sa kanyang mukha ay naramdaman kong basa na agad ito ng luha. "This is all my fault. Nadamay pa kayong lahat dahil sa ginawa ko. Sana ako na lang 'yung nasa sitwasyon niyo."

"Sshh." Pigil ko sa sinabi nito. "Walang dapat na nandito ngayon - kahit ikaw."

"I am not explaining to get your sympathy pero kasi alam kong tinatanong mo na sa sarili mo kung bakit humantong sa ganito." Bahagya niyang inangat ang ulo niya at tinignan ako sa mata. "You were injured because of him. Iisipin ko na sanang part of the game pero narinig ko silang nag-uusap ng kaibigan niyang sinadya niya 'yon para hindi ka maging threat sa kanya. Nandilim 'yung paningin ko, Ivan. I wanted to get even kaya gumawa ako ng paraan para makaganti." Nagulat ako dahil sa sinabi niyang iyon. All this time, isa rin pala ako sa mga rason kung bakit nangyari 'to. "Hindi ko naman inasahang he has the mean to get even."

"Hindi mo kinailangang gawin 'yon, Harvey." Wala akong ibang masabi. Imbis na magalit dahil nadamay ako sa ginawa niya ay mas lalo akong nalungkot kasi ginawa na naman niya iyon dahil sa akin.

"I will do everything for you. Alam mo 'yan." Gusto ko siyang patigilin sa pag-iyak ngunit hindi ko magawa dahil ayaw kong umasa siyang babalik kami sa dati dahil lang sa sinabi niya. "But I respect your decision. Alam kong si Hoven na talaga and I just want you to know na hindi ako hahadlang sa inyo. Starting from now, I can only love you from afar. Hindi ko alam kung kailan titigil 'to pero I can assure you na hindi ko hahayaang maging malungkot ka pa ulit dahil sa akin."

Kung kanina'y pinipigilan ko pa ang sarili ko, ngayon ay hindi ko na naiwasang yakapin siya. It took him courage to admit what he did but he is even more courageous to accept defeat. Sobrang gaan sa loob dahil kahit nasasaktan siya ay hinayaan niya na lang kaming dalawa.

"We may not hold each other's hands like lovers do pero sana, alam mong I am still willing to hold your hand as a friend. This time, I promise to hold you tighter."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now