Chapter 68

780 30 0
                                    

Hindi ako makapaniwalang umabot kami sa semifinals nang isa lang ang talo. Noong una'y halos walang Pilipino na nanonood para sa amin ngunit ngayo'y madami silang nagsisigawan habang hinihintay kung sino ang mga awardees.

"And for our best opposite spiker, we have Ivan Diaz from the Philippines!" Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko nang tawagin ang pangalan ko. Hindi ako makapaniwala. Parang huminto ang oras at wala akong ibang maramdaman kundi ang pagbuhat sa akin ni Aldrin.

"Sabi ko na nga ba!" Sigaw ni Aldrin habang tumatalon at buhat ako. "Sobrang deserve mo, Ivan!" Dagdag pa nitong sigaw.

"Huy! Papuntahin mo na 'yan sa stage. Baka biglang magbago isip ng awarding committee." Biro ni Gerald at tinulak na ako papunta sa gitna.

Sobrang laki ng ngiti ko nang isuot sa akin ang medalya at iabot sa akin ang stuff toy na remembrance ng seagames.

Nang makaakyat sa platform kasama ng ibang mga awardees, hindi ko napigilang tumingin sa audience at hanapin sila. Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko kung gaano sila kasaya sa nakuha kong award.

'Congrats! I'm proud of you!' Basa ko sa sinabi ni Hoven. 'I love you!'

Sobrang swerte ko dahil nakasama ko sila sa byahe kong ito. Siguro, hindi ko rin makukuha 'to kung hindi kami natalo sa unang laban namin at hindi sila nagtiwalang makakabawi pa ako.

"Our best setter award once again goes to Philippines!" Nadagdagan ang saya ko dahil sa narinig kong iyon. Bakas din sa mukha ngayon ni Aldrin na hindi siya makapaniwalang nakuha niya ang award na iyon. "May we call on Aldrin Cervantes to receive this award."

Nang makuha ni Aldrin ang medalya niya ay patalon-talon ko siyang sinalubong at niyakap.

"Congrats!" Bati ko rito. Napakamot ito sa ulo niya dahil hindi niya rin alam kung anong gagawin sa stage. Sino ba namang aasa na aabot kami sa ganitong punto? Huling beses na lumaban ang Pilipinas ay hindi man lang nakatuntong sa platform kaya ang laking bagay na sa amin ang makapasok sa finals. Nadagdagan pa ng mga awards na hindi naman namin inasahan talaga.

"Ang awkward pala sa pakiramdam." Bulong nito sa akin.

"Sobra. Buti nga magkasama tayo dito para at least may kasama naman ako sa gitna." Sagot ko rito.

Maya-maya pa ay pinagkumpol kami sa gitna para magpicture. Dahil kasama ko naman si Aldrin ay tumabi na lang ako sa kanya upang hindi ako mailang sa iba pa naming mga kasama.

Nagulat ako dahil nang sabihing "wacky" ay niyakap ako ni Aldrin. Muli ay parang huminto ang mundo ko dahil maraming tao ang nakatingin sa amin ngayon ngunit parang wala siyang pakialam sa paligid namin. Paniguradong halata sa picture na nailang ako kaya naman nakisakay na lang ako't kunwari'y hahampasin siya ng stuffed toy.

Matapos ang awarding ceremony ay nagpunta na kami backstage upang maghanda na sa laban mamaya. Mauuna muna ngayon ang battle for third kaya naman makakapagpahinga pa kami.

Pagkarating namin doon ay bumungad sa akin sina Hero, Hoven at River.

"Sunod ka na lang sa amin doon." Paalam ni Aldrin at tuluyan na akong iniwan. Pagkaalis ni Aldrin ay nanggigigil na niyakap ako ni Hero at binuhat gaya ng ginawa ni Aldrin kanina.

"Napakagaling ng best friend ko!" Sigaw nito na paniguradong narinig ng mga tao.

"Huy! Ibaba mo ako." Saway ko rito. Nakinig naman ito ngunit may pahabol pang lamas sa pisngi ko pagkababa nya sa akin.

"'Yang Aldrin na 'yan, mukhang aagawin ka pa sa akin, ah." Pinitik ko siya sa noo dahil sa iniisip niyang 'yon.

"Luh? Selos?" Asar ni Hoven dito.

"Sino kayang bumubulong kaninang 'yakap na yakap, ah'?" Balik nito ng pang-aasar kay Hoven.

"Kulit niyo!" Saway ko sa kanilang dalawa dahil mag-aasaran na naman sila hangga't hindi sinasaway.

"Pero seryoso, sobrang proud ako sa 'yo." Sinagi ni Hoven si Hero upang yakapin ako kaya't tumawa si River. Sobrang kulit talaga ng dalawang 'to kapag nagsama.

"May award din naman kayo kahapon. Nakagold pa kayo so mas proud ako sa inyo." Balik ko sa kanila. Si Hero ang naging MVP at si Hoven naman ang best open spiker at finals MVP sa U-19. Nakuha pa nila ang gold medal kaya sobrang nakakaproud talaga.

"Sure naman akong you'll get that gold later." Kumpiyansang sabi ni Hero.

"I agree. Now that you have your award, I'm sure you'll do better." Dagdag ni River dito.

"We'll do our best. Kahit Thailand pa kalaban namin, ilalaban namin 'to."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now