Chapter 78

867 25 0
                                    

Nagising ako dahil naramdaman kong niyuyugyog ako ng kasama ko ngayon. Pagkadilat ko ay nakita ko ang mommy kong umiiyak at ang daddy kong alalang-alala ang hitsura ngayon.

"Eto na yata ang sinasabi ng doktor." Sabi ni daddy habang hinihimas-himas ang ulo ko.

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong.

"He warned us of a possible trauma dahil sa nangyari sa 'yo and while you were sleeping, humihikbi ka na hanggang sa sumigaw ka." Paliwanag niya at bakas pa rin sa boses niya ang pag-aalala sa nangyari.

"You'll have a hard time healing kapag dito ka sa Pilipinas nakatira. We'll send you abroad para ibang environment naman ang makita mo at hindi mo na maalala ang nangyari sa 'yo." Nag-aalalang dagdag naman ni mommy. "Nag-usap na rin kami ng Ninong Hans mo. The quadruplets will be with you habang nasa ibang bansa kayo. If you want, doon na lang din kayo mag-aral because healing will take time."

Sa totoo lang, tama siya. Kung sa normal na araw nangyari ito, marahil ay iniisip ko na naman na kontrabida siya sa buhay ko pero ngayon, hindi ko kukwestiyunin ang desisyon niya. Natatakot na ako sa mga posibleng mangyari sa akin dito dahil hindi namin sigurado kung tapos na ba si Isaac sa amin.

"Ayaw naming malayo sa 'yo but we have to make sure na ayos ka lang. As much as we want to join you, hindi naman namin pwedeng hayaan na lang na maiwan ang business natin dito." Pagpapaliwanag ni daddy sa akin. "Kampante ang loob ko sa quadruplets. Magkakasama na kayo mula pagkabata kaya alam kong hindi ka nila papabayaan."

"Daddy, naiintindihan ko po. And payag po ako."

"Alam kong matagal mo nang gustong maging independent. This is it, Ivan. I'm giving you the chance to enjoy your life while healing." Naluluhang sabi ni mommy kahit kakatapos niya lang umiyak. "I need you to heal."

"Yes, mommy. I will. I'll try my best to get over this."

"I'm sure that you'll be safe with those four around you. They risked their lives to save you. Ganyang-ganyan kami noon para sa Ninong Hans mo." Alam ko rin naman 'yon. Bata pa lang kami, naramdaman ko nang ligtas ako basta't kasama ko sila because they were all so protective of me. Kahit si Harvey. "Naalala ko tuloy bigla noong gangsters pa kami." Pagpapatawa ni daddy upang gumaan ang mood ng usapan namin kaya't naisipan kong sakyan ang biro niya.

"So, am I also living with the four gangsters gaya ni ninong?" Pagbibiro rin.

"Four gangsters na magkakamukha." Sagot nito kaya't nagtawanan kaming dalawa. Halatang hindi natutuwa si mommy sa biruan namin dahil ang sama ng tingin niya kay daddy ngayon.

"Tigilan niyo 'yang gangster gangster na 'yan. Hindi nakakatawa." Pigil nito sa amin sabay bigay uli ng masamang tingin kay daddy.

"Sus. Sungit na naman nito." Pinisil ni daddy ang ilong ni mommy dahil doon at nagsimula na silang maglambingan. Kitang-kita kay daddy kung gaano niya kamahal si mommy kahit sobrang controlling nito sa amin.

Habang naglalambingan sila ay naalala ko ang pagrecruit sa akin ng Daemen College. Sa tingin ko, tama na rin yatang kunin ko ang oportunidad na iyon.

"Can I make a request?" Singit ko sa lambingan nilang dalawa kaya't napatigil sila at binalik ang atensiyon sa akin.

"Anything, anak." Sagot ni daddy.

"Pwede bang sa New York na lang po ako magpapsych?" I requested. I wanted to heal while doing something that I love. This country suddenly becomes scary for me kaya mas maganda na yatang magsettle sa ibang bansa.

"Pwede rin naman. You'll live with your grandparents and the gangsters. Paniguradong matutuwa ang lolo't lola mo kapag may nakasama sila doon." Sagot ni daddy sa akin na ikinatuwa ko. Kung kaya ko lang tumayo ngayon, marahil ay nayakap ko na si daddy sa sobrang saya.

"Sabing tigilan 'yang gangster na 'yan. Hindi nakakatuwa." Muling suway ni mommy kay daddy. "So, doon ka na rin mag-aaral? I've heard na merong college na kumukuha sa 'yo to play for them." Nagtaka ako kung paano nalaman ni mommy ang tungkol doon kung hindi ko pa naman sinasabi.

"Sino po nagsabi?"

"Narinig ko ang usapan niyo. Initially, it was a no for me. Hindi sana ako papayag but because of what happened, maganda na nga yatang sa ibang bansa ka na mag-aral." Gustong-gusto kong tumalon dahil pinayagan niya ako ngunit hindi ako makabangon ngayon sa kama dahil ang sakit pa rin ng tiyan kong tinamaan ng bala.

"Salamat, mommy."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now