Chapter 9

4.5K 176 2
                                    

"As our future heirs, kailangang business related courses ang kunin ninyo sa college." pagsisimula ni Ninong Hans. Alam naman na namin iyon kaya't hindi na kami nagulat pa. "And you will live in a dorm for 10 people." napansin kong sabay-sabay napakunot ang mga noo ng apat at maging ako ay nagulat nang dahil doon. Akala namin ay kaming lima na ang magsasama kaya't talagang nakakabigla na may iba pa pala kaming makakasama.


"So, sinong makakasama namin?" tanong ni Henz.


"Well, anak sila ng mga ninong ninyong nasa ibang bansa. They have decided na sa Redskull na lang din pag-aralin ang mga anak nila at sigurado naman akong makakasundo niyo kaagad sila dahil mababait ang mga magulang nila." paliwanag ni Ninong Hans.


"You mean, makakasama namin sina Rose at Snow?" tanong ko. Sila ang mga anak nila Ninong Wind at Ninong Leaf pero mga babae sila kaya't nakakagulat na isasama sila sa amin.


"No. Doon din sila mag-aaral pero hindi niyo sila makakasama sa dorm. And makikilala niyo na lang sila kapag nagkasama na kayo sa iisang bubong." sagot nito sa akin. Alam kong may mga kinakapatid nga kaming galing sa ibang bansa. Hindi ko pa sila kilala dahil kung nagkita man kami, mga bata pa kami noon at hindi ko na maaalala.


"I hope you'll be nice with them. Kayo na rin ang mag-adjust dahil hindi pa sila sanay dito." sabi naman ni mommy.


"What? No way. Sila ang dapat mag-adjust." napairap na lang ako nang sumagot na naman si Harvey. Napakawalang sense talaga niya kung sumagot at lagi pang pabalang kaya nakakapikon.


"That's not the attitude, Harvey." sita ni Ninong Hans dito kaya natahimik siya.


Bigla ko namang naalala ang tungkol sa pagiging varsity. Sa totoo lang, nagkaroon talaga ako ng interes nang sabihin iyon sa akin. Siguro ay dapat ko nang sabihin sa kanila ang tungkol rito.


"Anyway, gusto ko pong magtry-outs sa volleyball." sabi ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot nila lalo na ni mommy dahil baka hindi nila ako payagan sa gusto kong gawin. 


"You know what? It's a great idea. May makakasama kayong volleyball player sa dorm niyo kaya maganda na ring sumali ka para may makasama siya sa team na kakilala niya." sagot ni Ninong Hans sa akin na ikinatuwa ko.


"No. Masyadong prone sa injuries." pagtanggi ni mommy rito. Parang pinagbagsakan ako ng mundo dahil gusto ko talagang makasali pero inasahan ko na rin namang tatanggihan ako ni mommy.


"Ice, matanda na ang anak mo. I told you, stop treating him like a baby. Let him learn on his own. Kung lagi mong hindi papayagan 'yan, hindi 'yan mag-eenjoy sa buhay. Besides, you can't always control kung anong mangyayari sa kanya." pagtanggol ni Ninong Hans sa akin. Natahimik naman si mommy dahil doon at siguro'y naintindihan niya kung ano ang ipinaparating ni Ninong Hans.


"Ivan, magtry-outs ka. You will learn so much from it." pagkumbinsi sa akin ni ninong at wala na akong narinig na pagtutol pa mula kay mommy.


"Sige po." sagot ko naman dito at ngumiti.


"Sabihin mo sa akin kung kailan. Papanoorin kita." sabi ni Hero sa akin kaya't pinandilatan ko ito.


"What? No!" pagtanggi ko rito. Ayokong makita niya akong magtry-outs dahil baka hindi ako matanggap at asarin niya lang ako.


"As if namang hindi ka pa namin napapanood maglaro ng volleyball. Sasama ako ah." napaisip ako sa sinabi ni Henz dahil napanood na nga naman nila akong maglaro noong nasa beach kami. Pero, ibang usapan na ang try-outs kaya nag-aalangan ako kung isasama ko sila.


"Ako rin. Manonood din ako." Napasapo na lang ako sa ulo ko nang dumagdag pa si Hoven at alam kong wala na akong magagawa dahil kahit hindi ako pumayag ay manonood at manonood pa rin sila.


"Don't tell me na manonood ka rin?" pangungunang tanong ko na kay Harvey.


"What? Why would I watch you?" pambabara nito sa akin. Kahit kailan talaga'y napakasungit niya.


Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now