Chapter 35

1.4K 49 1
                                    

Pagkarating namin sa dorm ay naabutan naming nag-iinuman sina Kyle, Harvey at Lawrence.

"Ey!" Bungad ni Francis pagkapasok namin.

"Anong meron?" Tanong ko dahil ngayon lang sila nag-inuman sa dorm.

"Random drinking day. Wala kaming magawa dito kasi iniwan niyo kami." Sagot ni Kyle. Harvey remains unbothered by our presence at patuloy lang sa pag-inom.

"Sali kami." Prisinta ni Henz na sa kasalukuyang naglalapag ng bag sa sala.

"Mamaya na, Henz. Mag-usap muna tayo sa kusina." Alam kong naintindihan niya ako sa sinabi kong iyon at sinenyasan ko si Hoven na sumunod din. Pumasok muna ako sa kwarto at nilapag ang bag na dala ko bago dumiretso sa kusina.

Pagkarating ko doon ay nakaabang na si Henz at hinihintay na lang namin si Hoven na lumabas mula sa kwarto niya.

"Sali ako. I want to know what's happening." Sabi ng kakasulpot lang na si Hero. Hindi ako kumontra dahil kasali rin naman siya sa mga nakapansin ng pagsusungit ni Hoven kanina.

Maya-maya lang ay dumating na si Hoven at sinimulan na namin ang usapan.

"Kanina, I was out of my mind. Sorry." Maiksing paliwanag nito sa mga kapatid.

"Hindi ko tatanggapin 'yan kapag hindi ka nagpaliwanag." Mariin na sabi ni Hero. "Kapatid mo kami tapos hindi namin alam bakit bigla ka na lanf nagkaganon. Dinamay mo pa kami sa galit mo kaya sabihin mo sa amin ngayon kung bakit." Ngayon ko na lang ulit narinig si Hero na magsalita nang may awtoridad. Ramdam ko ang inis sa boses niya nang dahil sa ginawa ni Hoven kanina.

"Walang valid reason, Hero. Sorry. Nainis lang ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko, wala akong laro kanina kaya napasa ko sa inyo 'yung inis ko." Napakunot ang noo ko nang magsinungaling siya sa mga kapatid niya.

"Bakit galit ka sa akin kanina kung naiinis ka lang sa sarili mo?" Tanong ni Henz dito.

"Walang acceptable answer, Henz. Sorry talaga. Sobrang harsh ko sa 'yo kanina and you don't deserve it. Kinain ako ng insecurities ko kasi naramdaman kong hindi ko kayang lumaban kanina." Hindi ko maintindihan kung bakit nagsisinungaling siya ngayon ngunit mas nakakapagtaka dahil sobrang convincing ng sagot niya.

"Dude, never ever let the game affect you negatively. Sana ginamit mo 'yung inis para lalong lumakas pero hinayaan mong lamunin ka nang buo kaya pati mga tao sa paligid mo, nadamay. Nakakadisappoint ka, Hoven." Inis pa ring sabi ni Hero.

"Naiintindihan kong nakakainis, Hero. Sobrang mali ako doon."

Imbis na magsalita ay tumayo na lang si Hero mula sa kinauupuan nito at naglakad papalayo. Hindi yata niya matanggap ang rason ni Hoven dahil hindi naman talaga katanggap-tanggap.

"Bakit may pagwalk-out 'yon?" Sinubukan ni Henz na magpatawa kaya't nagtawanan kami kahit sa loob-loob ko'y di ko talaga maintindihan bakit niya ginawa iyon.

"Sorry, Henz." Ulit ni Hoven.

"Wala 'yon. Okay tayo. Sige na. Sundan ko na si Hero doon." Paalam nito at naglakad na rin papaalis ng kusina.

"Bakit ka nagsinungaling?" Tanong ko nang masigurong wala na si Henz.

"I'm respecting your privacy, Ivan. Ayaw ko namang pagpiyestahan ka dito dahil lang umamin akong gusto kita. Paniguradong hindi tayo tatantanan ni Hero sa pang-aasar kung umamin ako." Depensa nito.

"Paano 'yan? Nagalit pa yata si Hero sa paliwanag mo."

"Babawi na lang ako sa kanya."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin