Chapter 57

1K 29 0
                                    

Sabay kaming na-bangko ni Hoven during the practice match dahil pareho kaming naglaro noong first set kaya ibang batch of players naman ang ginamit ngayon.

Imbis na samahan ang mga ka-team nya ay tinabihan niya ako habang nanonood ng laro.

"Kumusta ka?" Bati ko rito. Hindi kami nakapag-usap kanina dahil sa sobrang kadaldalan ni Hero sa byahe pero aaminin kong na-miss ko na rin namang ganoon kami.

"I miss you." Hindi ganoong sagot ang inasahan ko dahil akala ko'y magkkwento siya tungkol sa nangyari sa kanya noong mga panahong hindi kami nagkikita. "I love Harvey but I can't change the fact that I also fell for you. Ang hirap kasi I really want to pursue you pero alam kong masasaktan si Harvey." Bakas sa boses nya ang pagkainis sa sitwasyong meron kami ngayon. "I hope I am not yet too late, Ivan."

"Trust me, mas nahihirapan ako sa sitwasyon natin ngayon." Pag-amin ko. "I feel guilty towards a crime that I didn't even commit. Parang nararamdaman kong I have to choose and hurt someone even if I don't have to. Ang hirap, Hoven. Sana hindi na lang ako." Dagdag ko. I can't look at him right now kasi alam kong makikita ko lang na nasasaktan siya sa sinabi ko.

"You know what's funny? I tried to convince myself not to like you anymore. Everyday, I tell myself not to think of you but I constantly fail. So, even before you wished na sana hindi na lang ikaw, I already hoped na sana hindi na lang at all." None of us deserve this kind of struggle. Grabe naman kasi kung maglaro ang pag-ibig. Walang pinipiling lugar at tao kaya hindi mo alam kung kailan ka tatamaan.

"I can only say sorry, Hoven."

"Don't be sorry kasi wala ka namang kasalanan. It's our choice to pursue you. Please. You gave Harvey his chance of proving himself. I'm asking for that same opportunity. Allow me to show you how much I love you and how much I can still do." Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng konsensya kung sakaling hindi ko siya bigyan ng pagkakataon dahil tama naman siya. If I can give Harvey his chance of proving himself, why would I stop Hoven? "Sorry. Maybe I am asking for too much."

"No, Hovs. You're right."

"Does that mean you're giving me a chance?" Rinig ko na ang saya sa boses nya nang itanong iyon kaya tinignan ko na siya at nakitang nakangiti ito sa akin.

"I would be unfair if I say no, so yeah."

"I can never express how happy I am because of this." Nginitian ko na lang siya bilang sagot.

Pinagpatuloy lang namin ang panonood ng laban at pansin kong iba-iba rin ang ginagawa ni Hero.

"So, setter siya kapag nasa back line tapos opposite kapag nasa unahan na?" Pagkukumpirma ko sa napansin ko.

"Actually, outside spiker siya sa iba naming practice. Ginagaya ka yatang multiple roles ang laro." Pagbibiro nito.

"Gusto ring maging MVP, 'no?" Pagsakay ko sa biro nito at nagtawanan kaming dalawa dahil doon

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Kde žijí příběhy. Začni objevovat