Chapter 6

5.4K 186 0
                                    

Sobrang ganda ng dagat. Malinis ang tubig at ang sarap pakinggan ng bawat pag-alon nito. Mainit din ang buhangin na napakasarap sa pakiramdam kapag inaapakan dahil mamasa-masa ito.


"Ivan, Hero, sali kayo sa amin." pagtawag sa amin ni Mike. Sa kasalukuyan silang naglalaro ng volleyball at agad din naman kaming lumapit sa kanila. Sumali si Hero sa kabilang team at ako naman ay sumali sa team nila Mike.


"Ivan, ikaw na muna magserve." hinagis ni Henz ang bola papunta sa akin at nasalo ko naman iyon. Pumunta na ako sa service area at sinerve na ang bola. Parang nagulat sila dahil malakas ang naging serve ko kaya't walang sumalo ng bola.


"Ivan, chill." pabirong sabi ni Brian sabay hagis pabalik ng bola sa akin. Napailing na lang ako habang tumatawa dahil sa sinabi nito.


Muli ay sinerve ko ang bola. Nasalo na ito ni Hero at nagtuloy-tuloy na ang laro. Hinampas ni Harvey ang bola papunta sa direksiyon ko kaya't sinalo ko ito. Sinet naman ni Mike ang bola at hinampas nang malakas ni Hoven papunta sa kabila kaya't walang nakasalo noon. 


Naging masaya ang paglalaro namin ng volleyball. Sobra akong pinagpawisan pero ayos lang dahil umaga pa naman. Matapos maglaro ay sumama na kami sa mga naglalangoy sa beach. Medyo malakas ang alon ngayon kaya't natuwa ako at pumunta sa parteng hanggang ibabaw ng dibdib ko.


"Ang solid mo palang maglaro ng volleyball." sabi ni Sophia out of nowhere. "Alam mo, pwede kang magvarsity sa college." dagdag pa nito.


"Nako. Hindi na. Magfofocus na lang siguro ako sa pag-aaral. Besides, sa Redskull naman ako mag-aaral so hindi na talaga kailangang magvarsity." sagot ko rito. Our grandparents own the university na ipinamana naman nila sa mga magulang namin kaya't hindi na kailangang maging scholar pa.


"Pero kanina, it seems like you really love the sports. You have the heart for volleyball. You can do it not just for the scholarship but because you love it." pangkukumbinsi pa nito sa akin kaya't napaisip ako. Actually, tama siya. I have the heart for volleyball. I love watching and playing volleyball games. "Mas maeenjoy mo ang college life kung mahal mo ang ginagawa mo." 


"You're really good at convincing people. Sige, pag-iisipan ko." sagot ko rito. "Anyway, bakit naman out of nowhere 'yang pagpipilit mo sa akin?" pabiro kong tanong dito. 


"Well, gusto ko rin kasing magvarsity tapos maglaro for the national team. I believe you can do it as well." nagulat ako sa sinabi niya. Sa tono ng boses niya, mukhang hindi siya nagbibiro nang sabihin niya iyon.


"National team kaagad?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.


"If ever lang naman. You know, you have to begin with an end in mind. Dapat alam mo kung ano 'yung gusto mong mangyari para hindi ka lang come what may." Napatango ako sa sinabi niya. Tama naman siya roon. Minsan kasi, may mga ginagawa tayo na hindi pinagplanuhan kaya sa huli, balewala lang din lahat ng mga 'yun. 


"Ang serious naman ng dalawang 'to." sabi ni Samantha sabay saboy ng tubig sa amin. Nagkatinginan kami ni Sophia at ngumiti na parang nagkakaintindihan talaga kami. Maya-maya lang ay sabay na naming sinabuyan ng tubig si Samantha.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora