Chapter 46

1.2K 35 2
                                    

"Player of the game!" Sigaw ni Hero pagkatabi niya sa akin sa bus pauwi. "6 blocks, 14 spikes and 3 service aces! Opposite hitter, outside hitter and a middle blocker all-in-one!" Wala pa ring tigil na kakasigaw nito sa bus.

"Nakakahiya ka, Hero! Tumigil ka dyan." Saway ko rito dahil napakalakas ng sigaw niya na paniguradong rinig ng lahat ng nasa bus ngayon. Tawa nang tawa sina Henz dahil sa kalokohan ng kapatid nila kaya gusto ko nang tapalan ng scotch tape ang bibig nito.

"I just miss my best friend." Seryosong sabi nito sabay yakap sa akin.

"Araw-araw naman tayong nagkikita para mamiss mo ako." Sabi ko sabay mahinang tulak sa ulo nito upang lumayo na siya.

"Hindi naman tayo madalas nag-uusap." Kontra nito na bakas ang lungkot sa boses pagkasabi noon. "Dati, kapag may achievements ka, ako kaagad 'yung hinahanap mo. Kapag may kwento ka, magchachat ka kaagad sa akin. I used to be your hero, Ivan. But after high school, hindi ko na ramdam na ako pa rin 'yung hero mo." Tinignan ko siya upang malaman kung nagbibiro pa rin ba sya o seryosong nagtatampo na ngunit walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya ngayon. "Pero naiintindihan ko namang marami nang nagmamahal sa 'yo ngayon kaya masaya na rin akong may napagsasabihan kang bago pero nalulungkot lang ako kasi pakiramdam ko, hindi na ako 'yung tinuturing mong best friend mo."

Hinampas ko siya sa noo nang dahil sa sinabi niyang iyon. "Anong drama naman 'yan, sir? Wala naman akong ibang best friend maliban sa 'yo. Tsaka anong ikukwento ko sa 'yo, 'di ba? Lagi tayong magkasama sa training, magkasama tayo sa dorm, sabay naman tayong kumakain. Lahat naman alam mo tungkol sa akin." Paliwanag ko rito. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yung mga sinabi niya ngunit tama naman siya. Hindi na kami gaya noon na lagi ko siyang kailangan.

"Hindi lang ako sanay. Minsan nga, iniisip ko na lang na sana hindi na ako nagtry-outs. Panigurado, ako 'yung una mong hahanapin pagkatapos ng training lalo na kapag pinag-one man ka ni coach." Pinilit nitong tumawa ngunit hindi pa rin naitago ang lungkot sa boses niya. "But don't mind me, Ivan. Hindi lang talaga ako sanay na ganito tayo pero masasanay din ako."

"Hala? Hindi ako sanay na ganyan ka, Hero. Sorry kung hindi na tayo gaya ng dati." Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko talaga alam kung anong sasabihin o kung paano magpapaliwanag sa kanya.

"You don't have to say sorry, Ivan. Baka nga kasalanan ko pa kasi pinilit kong pasukin 'yung mundong gusto mong pasukin kaya wala na tayong mapag-usapan pa gaya ng dati."

Sobra akong nakokonsensya dahil sa nararamdaman ng mga magkakapatid nang dahil sa akin. Bakit nasasaktan ko silang lahat kahit hindi ko naman sinasadya? Bakit kahit anong gawin ko, may maiiwan at maiiwan sa kanila? Ang bigat sa pakiramdam kasi mahal ko silang lahat pero nasasaktan ko 'yung mga taong mahal ko.

"But I want you in my world, Hero. Kung merong isang tao na gusto kong nasa mundo ko, ikaw 'yon."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon