Chapter 67

826 27 1
                                    

"Salamat kanina, ah." Pagpapasalamat ko kay Aldrin habang ginagawa ang aking skin care routine.

"Sa saging?" Nagtatakang tanong nito kaya't natawa ako. Binigay kasi niya sa akin kanina ang saging nya sa dinner nang malaman nyang mahilig ako doon.

"Maliban doon, siyempre!" Sagot ko rito.

"Eh 'di saan?" Tanong niyang muli.

"Kasi nagtiwala kang kakayanin ko. Hindi naman aabot nang ganoon score ko kung hindi ka naniwala." Paliwanag ko rito.

"Kasi naramdaman kong gusto mong makabawi talaga. Ang taas ng porsyento mo kanina kaya binabalik ko lagi sa 'yo. Hindi ko naman namalayang naka-54 ka na." Paliwanag din nito sa ginawa niya kanina. Kahit naman ako, hindi ko inasahang aabot sa ganoon ang score ko. Gusto ko lang na ma-convert lahat ng ibibigay niya sa aking bola dahil ako ang nagpatalo noong nakaraan.

"Kailangan kong makabawi talaga. Ako nagpatalo sa game 1 natin, eh." Pagpapaalala ko rito sa ginawa ko noong game 1.

"Sira! Hindi ikaw nagpatalo noon. Sa 'yo nanggaling last point nila pero hindi ibig sabihin, pinatalo mo na. Ganda kaya ng run natin noong nasa front line ka." Kahit ano na nga yatang sabihin sa akin, hindi ko na papakinggan. Sarili ko na ang sinisisi ko kung bakit kami natalo sa unang laban namin.

"Kasi kinailangan kong bumawi." Pagpupumilit ko pa rin dito.

"Kulit mo!" Natatawang sabi nito sa akin. "Nasa living room na pala si River. Kanina ka pa nila hinihintay."

"Sama ka na sa amin." Yaya ko ritong manood ng movie. Alangan namang magkulong lang siya dito sa kwarto habang nag-iingay kami doon, 'di ba?

"Next time na lang. Punta na lang muna ako sa mga kaibigan ko." Sagot naman nito.

"Sayang naman." Nanghihinayang kong sabi rito. Paniguradong makakagaanan ng loob nila Hero 'to kung makabonding lang sana namin.

"Promise, next time." Ulit nito sabay lapit sa akin upang guluhin ang buhok ko.

"Sige na nga. Enjoy kayo doon." Bilin ko rito bago siya tuluyang lumabas. Narinig ko pang niyaya siya ni Hero na manood ngunit tinanggihan niya rin ito.

Nang matapos akong maglagay ng kung ano-ano sa aking mukha ay lumabas na ako para makinood sa kanila.

"Ayan na ang ating kaibigang Guiness record holder na!" Sigaw ni Hero pagkalabas ko at itinutok sa akin ang tablet na hawak nito.

"Sino 'yan?" Tanong ko habang naglalakad. Nang makalapit ako'y doon ko nakilala ang mga kavideo call nila.

"Hala! Miss ko na kayong lahat!" Sigaw ko at walang paalam na inagaw kay Hero ang tablet na hawak nito.

"Ang sakit sa ears!" Reklamo ni Rose dahil sa sigaw ko.

"Miss you, Ivan!" Balik ni Henz sa sinabi ko.

"Congrats sa record! Ang solid mo kanina!" Bati ni Francis sa akin. "Balik na kayo dito kasi apat na talo natin!" Natatawa nitong dagdag.

"Malapit na kami bumalik diyan. Baka sa semis nandyan na kaming lahat." Sagot ko rito. Isa pa 'yong kailangan naming bawian dahil magmula nang umalis kami ay isang beses na lang nanalo ang team.

"Hihintayin namin kayo, ah!" Si Kyle naman ang nagsalita ngayon.

"Give us pasalubong when you come back here!" Sigaw ni Kylene na nasa kusina nila ngayon.

"Basta bumalik lang kayo okay na ako." Hirit naman ni Snow.

"Ayun oh! Ingat kayo dyan!" Bilin ko sa kanila. "Miss na miss na namin kayo!"

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz