Chapter 30

1.7K 58 3
                                    

Kasama ko ngayon sina Kyle, Lawrence at Francis dahil nasa training pa sila Hero. Naglalaro silang tatlo ng baraha at tawa ako nang tawa dahil laging natatalo si Kyle.

"Nagkakadayaan na dito, ano po?" Biro ni Kyle nang matalo siyang muli ng dalawa.

"Kung may pustahan lang dito, feel ko makakabili na ako ng milk tea galing sa pera mo." Pang-aasar ni Francis kay Kyle.

"Speaking of, tara milk tea tayo pagkalabas ko dito mamaya." Yaya ko sa kanila dahil pwede na raw akong lumabas pagkabigay ng resulta ng tests sa akin.

"Naks! Manlilibre ka?" Tanong ni Kyle habang nagbabalasa ng baraha nila.

"Sige na. Para happy ka kasi kanina ka pa natatalo diyan." Pangangantiyaw ko rin sa kanya kaya't nagtawanan kaming lahat.

Natigil ang tawanan namin nang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse.

"The results are out. Minor sprain injury lang naman ang nakuha mo but the doctor said you still need to undergo 2 weeks of therapy to make sure na you are fit to resume playing at the v-league." Natuwa ako sa narinig ko dahil hindi naman pala ganoon kalala ang nakuha ko mula sa pagkakabagsak ko.

"So, can we leave now, miss?" Tanong ni Lawrence dito.

"Opo. Ayos naman na po lahat kaya pwede na po kayong makaalis dito." Sagot nito. "Maiwan ko na po kayo."

-----------------------------------------------------------

"Strawberry sa akin." Bilin ko kay Kyle na siyang oorder na daw para sa amin.

Naiwan kaming tatlo nila Lawrence at Francis sa table.

"Are you sure na hindi na sumasakit 'yung paa mo?" Pagkukumpirma ni Francis na ayaw maniwalang ayos na ang pakiramdam ko.

"Siyempre makirot pa rin kapag naglalakad pero as compared naman noong una, sobrang layo na ng nararamdaman ko ngayon." Paliwanag ko sa kanya.

"I'm hoping for your fast recovery. You're just starting your volleyball journey and here you are, facing challenges that are too early to be experienced." Napangiti ako nang sabihin iyon ni Lawrence. Sana talagang gumaling ako kaagad para makabalik kaagad sa v-league.

"Hopefully, last injury na this season." I sighed after saying that. "Nakakaawa talaga si Kuya Isaac. Paniguradong hindi na sya makakalaro sa Collegiate Games dahil doon. Sino kayang gumawa sa kanya noon?" Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit nangyari kay Kuya Isaac 'yon. Nakakapanghinayang talaga ang galing niya pero lalong nakakapagtakang sino namang gagawa sa kanya noon to think na mabait naman siyang tao. Hindi sana ako mabibigla kung nagkainjury siya dahil sa pagkakatapak ko sa paa niya dahil sabay kaming natumba.

"This world is getting scarier as time goes by." Pailing-iling na sabi ni Lawrence.

"Kaya dapat mag-iingat tayo lagi. Hindi naman natin alam kung kailan mangyayari sa atin 'yang ganyan." Dagdag ni Francis.

"Buti na lang I have you guys to protect me kapag may sumubok manakit sa akin sa dorm." Taas kilay ko pang sabi sa kanila. Mabuti na lang din at maagang umuwi sila Francis sa dorm kahit na matagal pa ang pasukan.

Maybe they too are tired individuals of their families' drama.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now