Chapter 74

775 28 0
                                    

I wanted to get inside. A part of me doesn't want to be with him but another part of me wants to. Ayaw ko siyang kausapin. Pakiramdam ko, wala naman nang puntong pakinggan ko siya pagkatapos niyang iparamdam sa aking mahal niya ako pero sumuko na lang siya. But I also want to know the reason why. Ganoon ba talaga kadaling sukuan na lang ako? Am I not worth fighting for?

Napalingon ako sa loob at nakita ko si Hoven na nakatingin sa akin at mukhang hinihintay na akong pumasok. Sinalo niya ako noong iniwan na lang ako sa ere ni Harvey. This guy deserves all the good things I can offer and hindi niya deserve masaktan.

"Please, Ivan." I heard his desperation.

One last time, Ivan. One last time.

Napahinga ako nang malalim at napagdesisyunang lumapit kay Harvey. Siguro naman, deserve ko rin ng closure kahit hindi naging kami in the first place.

"Saglit lang. Hinihintay na nila tayo doon sa loob." I said in a cold voice. Don't make him feel that you are hurt, Ivan. He doesn't deserve to know your pain.

"Ivan, bakit ganoon?" Iyon pa lang ang sinasabi niya ngunit tumulo agad ang luha niya at bakas sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya. "Am I really that trash na madaling i-dispose just because you want me out of your life?" Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"And you really have the audacity to say that in my face?" Naiinis kong tanong dito. "Don't play the victim here kasi ikaw naman 'tong unang sumuko! Ikaw 'tong unang hindi namansin." Hindi ko napigilan ang sarili kong sigawan siya at mapaluha na rin dahil sa galit.

"Alam kong narinig mo ang sinabi sa akin ng mommy mo, Ivan."

"Nakinig ka naman? Harvey, kung talagang mahal mo ako, sana pinaglaban mo!" Pakiramdam ko'y muling bumalik ang sakit noong unang beses akong hindi pinansin ni Harvey. Muntik na, eh. Muntik ko na sana siyang mahalin.

"I respected your mother. I chose to respect her kasi ayaw kong mamili ka sa aming dalawa. Ayaw kong mahirapan ka!" Pakiramdam ko ngayo'y sinusumbat niya sa akin ang ginawa niya. "You know it's hard for me to let you go that time but I took all my strength to do that. Sabi ko pa, kapag graduate na tayong dalawa, babalikan kita. Sisiguraduhin kong ako ang unang taong susuyo sa 'yo kapag tama na ang oras kasi naiintindihan ko naman si Ninang Ice. I could probably be your biggest distraction." Nanlambot ang puso ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ni hindi kami nag-usap tungkol doon kaya hindi ko nalamang ganoon naman pala ang rason niya. "Umiwas ako kasi alam kong hindi ko mapipigilan ang sarili ko kapag palagi tayong nag-uusap. Umiwas ako pansamantala kasi akala ko, mas magiging masaya tayo kasi magsasama naman tayo balang-araw." Ang kaninang luha dahil sa galit ay napalitan ng luha dahil sa panghihinayang. Nasasaktan ako kasi kinailangan pang umabot kami sa ganito. "Pero bakit ganoon? Noong ako, bawal daw kasi magiging distraction. Bakit noong si Hoven na, ni wala man lang limitasyon?" Doon ko lang napagtantong tama siya. Ni isang beses, hindi ko narinig si mommy na suwayin kami ni Hoven. Kahit noong mga panahong lagi akong pumupunta kila Hero para lang magkita kami ni Hoven, hindi niya pinigilan. "Ganoon ba talaga ako kapatapon para iwasan? Kasi Ivan, naramdaman kong hindi distraction ang ayaw iwasan ni ninang. Pinalayo ka niya sa akin kasi tingin niya, patapon ako."

"Harvey, hindi totoo 'yan." Pagtanggol ko kay mommy.

"Don't even deny it, Ivan. Kung hindi, bakit hindi pwede kapag ako pero kay Hoven, ayos na ayos lang?" Tanong nito na hindi ko rin masagot. Nasasaktan ako kasi hindi ko namalayang ganoon na pala kabigat kay Harvey ang nangyayari pero wala man lang kaming ideya na ganoon na pala.

"Parang kailangan ko yata ng popcorn. Hindi naman ako na-inform na may drama pala akong aabutan dito."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now