Chapter 42

1.3K 43 1
                                    

Imbis na kumain ng luto ni Hoven ay niyaya ako ni Harvey na kumain sa labas. Hindi ako makatanggi dahil hanggang ngayon ay nakokonsensya pa rin akong nagbago siya nang dahil sa akin. Kinumbinsi ako nila Snow na wala naman akong kasalanan dahil choice ni Harvey 'yon pero may parte pa rin sa aking nakokonsensya sa lahat ng nangyari.

Pinauna ko na siyang umalis ng dorm upang hindi na magkaroon ng issue. Isa pa 'yon sa mga hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko masabi sa mga kaibigan kong ayos na kami ni Harvey. Mabuti na lang at hindi tumatanggi si Harvey na ganoon ang setup naming dalawa.

"Anong oras pala practice niyo ngayon?" Tanong nito habang umiinom ng milk tea.

"8:30 call time namin." Sagot ko rito. "May training pa ulit kami mamayang gabi after this one kasi may laban kami bukas." Dagdag ko pang kwento rito.

"So we can't go out later or tomorrow night, huh?" Tinignan niya ako direkta sa mata kaya't alam kong hindi siya nagbibiro nang sabihin niya iyon.

"Pwede naman sana during lunch kaso I'd rather rest after training." Sagot ko rito. Nakakapagod naman kasi talaga ang training namin kaya't mas maganda nang magpahinga pagkatapos kaysa lumabas pa.

"Sunduin na lang kaya kita mamaya then kakain lang talaga tayo tapos you can rest na?" Napataas ang kilay ko nang dahil sa sinabi niyang iyon.

"Harvey, hindi na tayo kumain ngayon sa bahay. Maiissue tayo kapag wala pa rin tayo sa lunch." Pagtanggi ko rito. "Besides, sabay kaming umuuwi nila River after training so magtataka sila kung bakit hindi ako sasabay ngayon." Depensa ko pa.

"Ivan, I get it. You still don't want my presence, yeah?" Ramdam ko ang lungkot sa boses niyang 'yon dahil ganoon din si Hero kapag nalulungkot.

"Hindi naman sa ganoon, Harvey. Believe me or not, I want to make it up to you kaso ang hirap. Hindi ko alam kung paano magsisimula." Pag-amin ko sa kanya. Masyado akong nasanay na ayaw ko sa kanya kaya hindi ko alam kung paano siya kausapin o itrato nang iba pero sinusubukan ko.

"You don't have to fake it, Ivan. If you still don't like me, it's really fine." He forced a smile kahit halata sa mga mata niyang hindi siya masaya.

"If you want, pwede ka namang sumama sa amin. Manood ka habang training then go home with us." Wala na akong ibang maisip na makakapagpagaan ng loob niya. Hindi ko alam kung makakatulong 'yung sinabi ko pero sana oo.

"I'll think about it, Ivan." Muli ay binigyan ako nito ng pilit na ngiti. "Don't think about it na. I'm really good."

"Sorry." I really feel bad because I'm making him feel bad again. Hindi ako sanay na ganito.

"I told you not to think about it." Bahagya syang natawa gaya ng ginagawa ni Hero kapag pinapamukha niyang okay siya kahit na hindi. "You'll play against East University tomorrow, right?" Pag-iiba niya ng usapan.

"The great Ron Hontiveros." Banggit ko sa isang magaling na player ng East University na naging miyembro ng national team kahit na college pa lang. "For sure naman na kayang abangan ni Hero at Henz 'yon." Pagmamalaki ko sa kanilang dalawa.

"Kaya mo ring palagan 'yon, eh. Bihira siyang magcross court hit kasi madalas niyang chinachallenge block ng kalaban niya so dapat nakaabang ka lang sa down-the-line hits niya. Move a little forward para kapag pinatama niya para mag-out, madali mong mahahabol ang bola." I was amazed dahil sa sinabi niya. Aral na aral niya kung paano maglaro si Kuya Ron kaya't napakalaking tulong na sinabi niya iyon.

"Woah?" Hindi makapaniwalang sabi ko rito.

"Don't worry, Ivan. Nararamdaman kong kaya mo siya."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now