Chapter 20

3K 90 1
                                    

"Are you okay?" tanong ni River sa akin nang mapansing iika-ika akong maglakad.


"I'm fine. My legs are just sore from the training." paliwanag ko dito. Hindi ko maitago ang ngiti ko dahil ang cute tignan nila Heaven, Henz at Hoven dahil sabay-sabay silang naglalakad nang ika-ika. 


"Those three are really cute, aren't they?" tanong niya nang makitang nakangiti ako dahil sa tatlo na parang naiisip ang nasa isip ko.


"People who will see them right now will be amazed too. Imagine, three people with the same faces walking like that at the same time. That's really cute." hindi ko mapigilang mapahagikgik. Mukhang narinig naman nila ako dahil sabay-sabay silang napatingin sa akin at nagulat ako nang akbayan ako ni River na tumatawa rin ngayon. Sabay-sabay rin silang lumingon palayo kaya mas natawa kami. 


Nang makarating kami ng dorm ay pasalampak akong umupo sa sofa dahil sobrang sakit talaga ng mga hita ko. Minasahe ko ito upang kahit papaano'y mabawasan ang sakit. Patuloy ko lang iyong ginagawa hanggang sa lumapit sa akin si River na may dalang ice pack.


"Put it there. It may ease the pain, somehow." sabi nito sabay abot ng ice pack sa akin. Nginitian ko ito at tumango na lang bilang pagpapasalamat.


Dinampi ko na ang yelo sa hita ko para mabawasan ang sakit. Hindi naman ako iniwan ni River habang ginagawa ko iyon. Nasa tabi ko lang siyang kumakain ng chips at nanonood ng TV.


"Chips are bad for your health." sita ko dito kahit na madalas din naman kaming kumain ng chips.


"Well, I exercise well and I am active so it is okay for me to eat chips." sagot nito sa akin sabay subong muli. May punto naman siya doon kaya hindi ko na siya sinita pa.


Nabigla ako nang makita kong nasa Cinema One siya at nakita ko sina Toni, Bea, Angel at Shaina.


"Four Sisters and a Wedding!" masaya kong sigaw dahil iyon ang favorite movie ko of all times.


"You like this?" tanong niya.


"That is my all time favorite movie. I have watched it for like ten times already but I don't mind watching it over and over again." sagot ko naman sa kanya. Ilang beses ko nang napanood 'yon at paulit-ulit na akong umiyak pero hindi talaga ako magsasawa kahit na ilang beses ko pang panoorin ulit 'yon dahil sobrang ganda talaga.


"Well then, let us watch this." ibinaba niya na ang remote at itinuon ang atensiyon sa panonood. Sinabi naman sa amin ni River na nakakaintindi siya ng Tagalog kahit na hindi niya madalas ginagamit kaya alam kong maiintindihan niya ang palabas.


Nang matapat sa parteng nagsisigawan na sila ay hindi ko na naman napigilang umiyak.


"Are you crying?" hindi makapaniwalang tanong ni River sabay hagikgik nang makitang umiiyak nga ako.


"Don't judge me. It's really heavy." sagot ko dito sabay punas ng luha ko. Nagulat naman ako nang akbayan ako nito at isinandal ang ulo niya sa ulo ko.


"You know what, this one's really good. There are lots of lessons to learn and really, the actors are really good for delivering. No wonder you cried." tinignan ko ito nang masama at hinampas sa braso dahil dinagdag pa nitong biruin ako. "Seems like your legs are not swollen anymore." pag-iiba nito. Sinubukan kong igalaw ngunit masakit pa rin.


"It's still hurting." 


"Okay. I'll buy you medicine for muscle cramps. Wait for me."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now