Chapter 61

979 29 2
                                    

"Hindi mo kailangang gawin 'yan, Ivan." Nahihirapang sabi nito. Mas uminit siya kumpara kanina kaya naman pagkarating namin sa hotel ay naghanda ako ng pang hot compress. Mabuti na lang at may heater sa shower room kaya may mainit na tubig nang magagamit agad.

"Simpleng bagay lang naman 'to. Ang mahalaga, gumaan ang pakiramdam mo para makapagtraining ka bukas." Sagot ko rito. Hindi pa rin naman ako inaantok dahil kakarating lang namin.

"May training pa bukas. Kapag mapuyat ka, mahihilo ka pa. 'Wag mo nang gawin, Ivan. Tulog na tayo. Sure naman akong gagaling ako bukas." Pagpupumilit nito.

"Aldrin, please. 'Wag nang matigas ang ulo mo." Pagmamakaawa ko na rito. Kailangan naming magtraining bukas dahil dalawang linggo na lang ay SeaGames na at ayaw naman naming ipahiya ang Pilipinas dahil lang kinulang kami sa ensayo.

"Mukhang wala na akong magagawa para pigilan ka, 'no?" Pagsuko nito.

"Papayag ka rin pala, eh."

Hinubad ko na ang pantaas nitong damit. Sobrang ganda talaga ng hulma ng katawan ni Aldrin. Halos kapareho ng katawan ni Kyle na talaga namang pinipilahan ng mga babae kapag nakikita siya.

"Ang swerte ng magiging boyfriend mo. Sobrang caring mo kaya hindi nakakapagtakang nainlove sa 'yo 'yung dalawa, eh." Bigla nitong sinabi habang pinupunasan ko ang braso niya.

"Nako po. 'Wag kang dadagdag, Aldrin. Hindi ko na nga alam gagawin kapag nadagdagan pa." Biro ko dito. Pero sa totoo lang, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Ayaw kong may nasasaktan akong tao pero hindi maiwasan.

"You're such a precious person. Hindi naman mahirap na magustuhan ka." Napatigil ako dahil seryoso siya sa sinabi niyang iyon. Siya rin kaya? 'Wag naman sana. "But no worries, Ivan. 'Yang love na 'yan? Allergic na ako diyan." Na-curious ako dahil sa sinabi niyang iyon. Ang bata pa namin para sumuko sa pag-ibig. Ano kayang dahilan bakit allergic na siya kaagad?

"Bakit naman? Masyado pang maaga para sumuko ka sa love."

"Ang korni kaya. Getting to know each other, magiging kayo, mag-aaway, magbabati, mag-aaway uli hanggang sa maghiwalayan. On repeat! Nakakasawa kaya na ganoon setup." Sagot nito.

"Kasi hindi mo pa nahahanap 'yung tamang tao para sa 'yo. Kapag nahanap mo na siya, hahanap ka rin ng rason para lumaban kapag alam mong nanganganib na ang relasyon niyo." Hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang sinabi kong iyon.

"Kung darating, go. Kung hindi, okay. Life goes on with or without love." Hinampas ko sya sa noo niya dahil sa sinabi niyang iyon.

"Life goes on better if you love." Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Wow! Kailan ka pa naging love expert? Parang noong nakaraan lang, hindi mo pa alam kung anong gagawin kay Harvey, ha. Na-fall ka na ba kay Hoven?" Muli ay napatigil ako sa pagpupunas sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Nahulog na nga kaya ako kay Hoven?

Hindi naman malabo.

"This time, give him an assurance na siya na talaga. Harvey gave up on you kasi hindi mo siya binigyan ng assurance na pipiliin mo siya."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now