Chapter 11

4.2K 137 0
                                    

Hindi ko inasahang madaming manonood sa amin ngayon. May mga coaching staffs na nakaupo kasama ng mga volleyball players ng Redskull noon. Alam kong mga graduate na sila ng university dahil napanood ko ang mga laro nila noon. Siguro'y kasama sila sa mga titingin kung sino ang mga dapat makapasok sa team.


Una naming ginawa ay magfill-out sa listahan ng mga magtatry-outs. Nakakatuwang makita na lagpas 20 kaming magtatry-outs ngayon pero hindi rin maiwasang kabahan dahil ganito pala kami karami.


"I know what you're thinking right now." bulong ni Hero nang mapansing nakatuon ang atensiyon ko sa mga coaching staffs at mga alumni ng varsity.


"You can't blame me. This is my first time tapos ganito pala karami ang mga manonood." sagot ko dito. 


"Just imagine kung gaano pa karami ang manonood once na nakapasok ka." bigla akong napaisip sa sinabi niya. "Kung dito pa lang ay kakabahan ka na, paano pa kung nasa malaking arena ka na? You know, kailangan mo nang masanay na madaming tao dahil parte iyon ng gusto mong pasukin." dagdag pa nito. May punto nga naman siya doon. Libo-libo pang mga tao ang manonood sa amin kung sakaling makapasok ako.


Napahinga ako nang malakas at muling tumingin sa mga coaching staffs at alumni ng varsity team. I need to show them na kakayanin ko at kaya ko talagang makapasok ngayon.


"Players, I need you to gather in front of me." maawtoridad na sabi ng head coach ng team. Mabilis kaming lumapit sa harap niya at naghintay ng sasabihin niya. "We are so glad to see all of you here. As you all know, our team is always at the bottom when it comes to ranking so we are really looking for individuals who can make the team great again and I hope that it will come from this batch." simula nito. Napangiti ako nang maisip kong magiging parte ako ng mission ng aming head coach ngayon at sinisiguro kong hindi ko siya bibiguin. "So, to start the try-outs, I need you to warm-up on your own for 10 minutes while we group you accordingly. Start now!" pagkasabi ng coach ay agad kaming naghiwa-hiwalay at kanya-kanyang nagwarm-up.


"Tara Ivan. Jogging tayo." yaya ni Henz sa akin. Tumango ako dito bilang sagot at nagsimula na naming ikutin ang buong court.


"Alam mo, malaki ang tiwala kong makukuha ka ngayon." sabi nito habang tumatakbo kami.


"Kayo rin naman. Anong position sinalihan mo?" tanong ko rito.


"Hindi ako magaling magreceive kaya nagmiddle blocker na lang ako." sagot naman nito sa akin.


"Anong 'lang'? Malaking factor ang mga middle blocker kaya 'wag mong sasabihing middle blocker lang." sita ko dito dahil sa sinabi niya. Sobrang taas ng tingin ko sa mga middle blocker dahil napakahirap ng trabahong ginagawa nila para lang sa team.


"Okay. Sorry." sagot naman nito nang marealize ang sinabi ko. "Alam mo bang nandito 'yung sikat na volleyball player galing sa Michigan?" tanong nito sa akin na ikinagulat ko.


"Si River?" hindi makapaniwalang tanong ko rito. 


"The great setter, River Ignacio." pagkumpirma nito. Bakit naisipan niyang sa Pilipinas na lang maglaro? His career is really great at Michigan. Kilala na siya sa Pilipinas dahil alam ng mga taong Pilipino siya at sobrang dami niyang taga-hanga rito. 


Knowing na kasama ko siya sa try-outs ngayon makes everything exciting.

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now