Chapter 25

2.8K 91 2
                                    

Sobrang awkward ng pakiramdam ko matapos umamin si Hoven na gusto niya ako. Bawat pagkilos ko ay nararamdaman kong nakatingin siya at nakabantay sa akin kaya sobrang naiilang ako ngayon.


"Are you okay?" tanong ni River nang mapansing kanina pa ako hindi makahampas nang maayos. 


"Don't mind me. I just can't get my rhythm now." palusot ko.


"Are my sets too fast?" tanong nito kahit na normal sets lang ang binabato niya sa akin simula pa kanina nang magsimula kami. Nakita ko si Hoven sa peripheral vision ko na nakatingin sa aming dalawa ni River. Honestly, instead of feeling happy dahil may nagkakagusto sa akin, I feel a little weird dahil medyo stalker ang dating niya para sa akin.


"No, River. Maybe you should just give the ball to our other players so that they can play better, too. I'll just take a break." hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nagmamadali na akong pumunta sa bench. I need to bring back my focus dahil sobrang malapit nang i-announce kung sino mang makakapasok sa team a at team b at baka hindi pa ako mapasama sa team a nang dahil lang sa laro ko ngayon.


Uminom ako ng malamig na tubig upang mahimasmasan at nagpahinga saglit. Napagod yata ako kaya ganito ang nilalaro ko. Idagdag mo pa na nadapa ako kahapon. Mabuti na lang at hindi naman na siya masakit ngayon pero kumikirot pa rin paminsan-minsan.


"Okay ka lang?" tanong ng papalapit na si Hoven. 


"Oo naman." pagsisinungaling ko. Paano ko ba naman kasi sasabihing hindi ako okay dahil sa ginagawa niya? Paano ko sasabihing hindi ako okay kapag lagi niya akong tinitignan.


"Kanina ko pa kasi napapansing parang wala ka sa sarili." nang sa wakas ay makalapit ito sa akin ay tinabihan niya ako. "Ni hindi mo matamaan nang tama kahit 'yong mga normal sets lang ni River which is not so you." nagulat ako nang tumayo ito sa harapan ko at lumuhod. "Sumasakit ba 'yong sugat mo?" tanong nito.


"Hoven, tumayo ka diyan. Ang awkward nating tignan." suway ko dito at hinila siya patayo. Mabuti na lang talaga at busy sa practice ang mga kasama namin dahil kung hindi ay baka pinagpipiyestahan na kami ngayon.


"E, ano naman kung makita nila?" sagot nito na parang wala lang sa kanya kung pagpiyestahan kami at asarin ng mga kasama namin. "Kaya ko namang ipagmalaki sa kanila na gusto kita." pakiramdam ko ay todo ang pamumula ko dahil sa sinabi niya. 


"Hoven, sobrang awkward. Ang awkward na alam kong lagi kang nakatingin sa akin. Ang awkward na alam kong gusto mo ako. Ang awkward kasi hindi naman ako sanay na may nagkakagusto sa akin." pag-amin ko dito nang diretsa ngunit hininaan ko lang upang hindi marinig ng mga kasama namin.


"Ivan, don't mind me. Siguro, naiilang kang nakatingin ako sa 'yo kaya hindi maayos ang laro mo ngayon. Sige, Ivan. 'Wag mo na lang ako pansinin sa mga ginagawa ko but please, don't stop me. 'Wag mo akong pigilan kasi sobrang saya kong nakikita ka."

Four Gangsters and Me (BoyxBoy)Where stories live. Discover now