Chapter 49

161 23 2
                                    

After one month..

Naging maayos na sina Greg at Heaven. Nag-usap sila nang mahinahon at nagkasundo. Kakalimutan na nila ang sakit at magsisimulang muli.

Araw ng kasal nila ngayon. Busy na ang lahat dahil ito na ang matagal na nilang hinihintay. Excited si Greg and Heaven at medyo kinakabahan din.

"Ayos ka na ba anak? This is it. Akala ko talaga ay hindi na mangyayari ito," sabi ng daddy ni Greg

"Oo nga po eh. Hindi ko din akalain na matutuloy pa po ito. Sobrang sayo kong masaksihan na kinakasal si Heaven sa akin," sabi ni Greg

Habang sa kabilang banda naman ay kausap ni Heaven ang mommy ni Greg. Hindi niya akalain na tatanggapin pa rin siya nito kahit ganoon na ang nangyari sa kanila.

"Heaven, gusto ko sananghumingi ng tawad sa iyo. Ang dami kong hindi nakita noon na nakita ko lang noong nawala ka sa anak ko. Mahal na mahal ka niya kaya mamahalin na rin kita. Pasensya na kung natagalan ha?" sabi ng mommy ni Greg

"Okay lang po iyon tita. Alam ko naman po kung bakit at nirerespeto ko po iyon. Sana po kung ano man po ang meron tayo noon ay iwanan na lang po natin," sabi ni Heaven

"Oo naman anak. We will start a new beginning and please huwag mo na akong tawaging tita okay? Mommy na din ang itawag mo sa akin," sabi ng mommy ni Greg

Tuwang-tuwa naman si Heaven dahil doon. For the first time ay may ganitong talk sila ng kanyang biyenan to be.

"Sure po kayo? Can I call you mommy from now on?" dahil nga hindi makapaniwala ay inulit niya ulit ito

"Oo naman. Ito nga pala, may regalo ako sa iyo anak. Sana ay magustuhan mo at sana kasya din sayo," sabi ng mommy ni Greg sabay labas noong regalo

Isang box na necklace ang laman. May dyamante ito sa gitna kaya halata mong mamahalin at inalagan talaga itong mabuti.

"Bigay ito sa akin ng Papa ko noong kinasal kami ng daddy ni Greg. Pinangako ko noon sa sarili ko na kung sino man ang matipuhan ni Greg na pakasalan ay iyon ang bibigyan ko nito," sabi ng mommy ni Greg pagkatapos ay sinuot na ang necklace kay Heaven

"Thank you po, thank you!" sabi ni Heaven sabay yakap at halik sa mommy ni Greg

"Thank you din sa pagmamahal mo sa anak ko. Huwag mo na siya iiwan ha?Heaven, welcome to our family!" sagot ng mommy ni Greg sabay yakap din kay Heaven

Nag-umpisa na ang kasal, halos lahat ng kaibigan nila ay nandoon. Pati ang mga bandang pinuntahan nila ay nandoon din.

Ang band members ng JLU, Saving Shonie, Keeping Symphonies, SkrappyKoko and Anna's Playlist ay nandoon din para makisaya sa kanila.

Ang ganda ni Heaven sa white gown niya. Simple lang ito pero naging elegante dahil siya ang may suot. Lalo tuloy nabighani si Greg dahil doon.

Ilang saglit pa ay oras na para sabihin ang kanilang vows para sa isa't isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ilang saglit pa ay oras na para sabihin ang kanilang vows para sa isa't isa. Nauna si Heaven na magsalita.

"Nagpapasalamat ako dahil ikaw ang nakatuluyan ko. Imagine, ikaw lang ang nakapulot ng ID ko noon pero ikaw na ang magiging tatay ng mga anak ko soon. I may not be a perfect wife for you but I promise to be a better me sa pagsasama nating ito. Thank you dahil napatawad mo ako. Sorry ulit sa mga pagkukulang ko,"

Dahil sa sinabi ni Heaven ay napaluha si Greg. Kaya noong siya naman ang magsasalita ay pinunasan niya muna ang kanyang mga luha.

"Can you believe na noong nakita ko ang ID mo sa daan noon ay alam ko na sa sarili kong mapapa-sakin ka? You were an angel to me. You changed my life. You made it better. Sobrang salamat dahil dumating ka sa buhay ko, hindi ko yata alam kung ano ako ngayon kung wala ka,"

Tuwang-tuwa ang lahat, lalo na noong hahalikan na ni Greg si Heaven. Kilog na kilig at naghihiyawan sila na para bang nanunuod sila ng movie.

Pagkatapos ng ceremony ay pinuntahan na ni Heaven at Greg ang mga bisita para pasalamatan sa pagpunta ng mga ito.

"Uy pare, congrats ha! Alagaan mo si Heaven. Kapag sinaktan mo iyan ay ipapa-Tulfo kita!" sabi ni Timothy pero biro lang

"Congratulations Heaven. Kasal na kayo ni Greg. Parang kailan lang ay nanuod pa kayo ng gig namin na magkasama," sabi naman ni Renz Kenneth

"Sana naman ay makita namin kayo ulit sa Sounds Of Your Heart ngayong kasal na kayo. Miss na namin kayo doon eh," sabi ni Kio

"Congratulations girl. Ikaw na ang mahaba ang hair! Ang ganda-ganda mo lalo. Ang wish ko lang talaga para sa inyo ni Papa Greg ay magkaanak na kayo soon," sabi naman ni Hunter

Sa lahat ng bisita ay nagpasalamat sila. Hindi din naman nila nakalimutan sina Angel at Save na parehong wala na.

Gustong-gusto kasi ng dalawang iyon na makitang ikinakasal sila. Sayang nga lang at hindi na nila ito naabutan pa.

"Babybu, after ng kasal natin ay dalawin naman natin sina Save at Angel. Pwede ba?" sabi ni Greg

"Oo nga eh. Iyon din ang naiisip ko kanina pa. Siguro nga ay mag-asawa na talaga tayo dahil parehas na tayo ng iniisip eh," sabi ni Heaven

"Ibigsabihin noon ay tayo ay tayo talaga para sa isa't isa. I love you so much," sabi ni Greg

"I love you too. This is forever," sagot naman ni Heaven

Sa reception ay nagkantahan sila. Naghandog ng awitin sina Greg at Heaven para sa lahat. Pinatugtog din lahat ng kanta sa playlist ni Heaven dahil doon mas nakilala ni Greg ang asawa niya.

Masaya ang lahat para sa kanila. Ang tanging hiling lang nila ngayon ay makagawa na talaga sila ng pamilya. Kahit gaano katagal ay hihintayin nila ang araw na iyon kung saan magkakaroon na sila ng supling. Iyong hindi na mawawala at maaalagaan nila ng tama.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon