Chapter 44

118 23 0
                                    

After 2 months..

Bihis na bihis si Greg na lumabas ng kanyang kwarto. He is in a good mood dahil ngayon na ang araw na hinihintay niya.

Inaayos niya ang polo nang biglang dumaan ang kanyang daddy. Napansin din nito na ayos na ayos ang anak kaya naman hindi niya naiwasang hindi magtanong.

"Anak, ang aga-aga pa ah? Saan ka naman pupunta ng ganitong oras anak?" tanong ng daddy ni Greg

"Basta daddy, wish me luck. Today is the day," sabi ni Greg

"Bakit anak? Tungkol ba iyan sa trabaho mo?" muling tanong ng daddy ni Greg sa kanya

"Hindi po dad, ako po ay magpo-propose na kay Heaven ngayon," sagot ni Greg na may todong ngiti

"Aba! Ganoon ba? Kung ganoon ay congratulations agad. Alam ko naman na she will say yes to you," sagot ng daddy ni Greg

"Oo nga po daddy. Sana nga po. Sige na po mauna na ako sa inyo," sabi ni Greg

"Oo nga anak. Umalis ka na ngayon din at baka kapag nalaman pa ito ng mommy mo eh tumutol pa siya. Ingat anak!" sagot naman nito

Natawa na lang si Greg sa daddy niya. Marahil ay tama ito dahil hanggang ngayon ay ayaw pa din ng mommy niya kay Heaven.

Pagdating sa bahay nina Heaven ay nakita niya agad ang tatay ng dalaga. Nagbabasa ito ng dyaryo at nagkakape.

Kumatok si Greg sa pintuang nakabukas kaya nakita siya ng tatay ni Heaven. Pinapasok naman agad siya nito.

Dalawang buwan na rin kasi ang nakakalipas noong nagkakilala sila. Nakuha naman agad ni Greg ang loob nito kaya wala sanang maging problema.

"Tito, ano po kasi," hindi pa rin masabi ni Greg ang gusto niyang mangyari

"Ano nga hijo? Pwede namang magsabi ka sa akin. Lalabas ba kayo ng anak ko?" tanong ng tatay ni Heaven

"Hindi po eh,"

"Eh bakit pusturang-pustura ka? Saan ka pupunta?" tanong ulit nito

"Ano po kasi, gusto ko na po sanang hingin sa inyo ang kamay ni Heaven," sabi ni Greg

Hindi niya alam ang gagawin. Para bang gusto na lang niyang magpakain sa lupa. Ganoon pala ang pakiramdam noon, nagpapawis ang kamay at ang batok niya.

"Hijo, sigurado ka na ba dyan? Parang ang aga pa para magpakasal kayo, ngayon lang kita nakilala ah?" sabi naman ng tatay ni Greg

"Engagement pa lang naman po eh. Mahaba pa po ang proseso, madami pa po kaming aasikasuhin ni Heaven. Ang gusto ko lang po ay masiguro na ayos po sa inyo ito," sabi ni Greg

"Ayos naman sa akin hijo. Kaso lang, ayos din kaya sa mommy mo? Alam kong hindi pa din siya boto sa anak ko," sabi ng tatay ni Heaven

"Hayaan niyo po, sisiguraduhin ko naman na payag na po siya sa pag-iibigan namin bago kami ikasal," sagot ni Greg

Sa di inaasahan ay narinig iyon ng Mama ni Heaven. Agad siyang pumunta sa kwarto ng dalaga para sabihin ang nalaman niya.

"Anak, may naghihintay sa iyo sa labas! Mukhang ito na ang araw na hinihintay mo," sabi ng Mama ni Heaven

Hindi nakasagot si Heaven, tanging ungol lang ang ginawa niya. Antok na antok pa kasi at parang nakamagnet ang katawan niya sa kama.

"Anak, bumangon ka na dyan! Nandyan si Greg, kausap niya ang papa mo at hinihingi na nga yata niya ang permiso para pakasalan ka!" sabi ng Mama ni Heaven

Hindi na nakasagot si Heaven, agad siyang pumunta sa comfort room doon sa kwarto niya at doon ay sumuka.

Agad naman siyang pinuntahan ng Mama niya para kamustahin ito. Halata kasi na hindi okay si Heaven dahil sa matamlay itong kumilos.

"Anak? Ayos ka lang ba? Anong masakit sa iyo? Sabihin mo sa akin para madala ka namin agad sa clinic," sabi ng Mama ni Heaven

"Hindi ko po alam Mama. Ilang araw na po akong ganito. Tuwing umaga na lang po ay nasuka ako at masakit din ang ulo," sabi ni Heaven

"Eh ikukuha muna kita ng gamot sa baba. Hintayin mo ako dyan, okay? Saglit lang ito," sabi ng Mama ni Heaven

"Naku, huwag na po. Ipapahinga ko na lang po ito mamaya. Sabi niyo po, nasa baba si Greg? Ano po ang pinag-uusapan nila ni Papa?" sagot ni Heaven

"Eh halika na sa baba para ikaw na mismo ang makaalam ng mabuting balita. Ano ka na naman anak, iba ang nararamdaman ko sa iyo eh," sagot ng Mama ni Heaven

"Paano pong iba?" tanong ng dalaga

"Basta anak, tara na at bumama ka na doon," sagot naman ng Mama niya

Pagkababa nila ay nagtatawananan na sina Greg at ang Papa ni Heaven. Hindi nila alam kung bakit pero naki-usosyo na din sila.

"B-bakit ka nandito? Sana hindi ka na pumunta. May sakit kasi ako eh," kita sa kilos ni Heaven na hindi siya okay

"Bakit? Anong nangyari? Oo nga, sobrang stressed na ang mukha mo. Dahil ba iyan sa trabaho?" sagot ni Greg

"Hindi naman siguro, ayos lang ako. May nakain lang sigurong hindi dapat," sabi ni Heaven

Paupo na sana si Heaven nang biglang mapapasuka na naman siya kaya agad na pumunta siya sa lababo.

Agad siyang sinundan ni Greg ang nobya. Hinagod-hagod pa niya ang likod nito para makasuka ng maayos.

"Ano ba ang nangyayari sa anak mo? Haynaku, alam ko na! Ang dami kasing kinain kagabi kaya iyan panay ang suka," sabi ng Papa ni Heaven sa asawa

"Hindi ko nga malaman dyan eh. Ilang araw na daw siyang nagsusuka tuwing umaga tapos nasakit daw ang ulo niya. Pangamba ko, baka buntis ang anak mo eh,"

"Buntis ka, Heaven?!" sigaw ng Papa ng dalaga

Dahil sa gulat ay napatingin na lang si  Heaven at Greg sa matanda. Napaisip bigla si Greg, paano na ang mga plano niya? Nauna ang bata kaysa sa kasal. Ano na ngayon ang mangyayari sa kanila?

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon