Chapter 36

137 24 0
                                    

 Author's Note:  The Prisoner's Heart by Anna's Playlist. Haha. Pakinggan niyo habang nagbabasa! Thank you!

Pagpasok nina Greg at Heaven sa kotse ay napansin ng binata na hindi okay ang kanyang nobya. Kaya naman agad niya itong kinausap.

"Oh, anong meron dyan sa mukha mo? Bakit parang hindi ka makahinga dyan? Ngumiti ka nga," sabi ni Greg

"Paano naman kasi, hindi ako ready sa mga ganito eh. Paano kung ayaw pa rin nila sa akin hanggang ngayon?" sabi naman ni Heaven

"Ano ka ba? Si daddy nga ang nagsabi sa akin na isama daw kita ngayon sa family lunch namin kasi may ibibigay daw siyang regalo sa atin," sagot ni Greg

"Regalo? Ano naman iyon?" tanong ni Heaven

"Hmm, hindi ko alam. Regalo nga eh edi surprise iyon. Ikaw talaga, kung anu-ano kasi ang iniisip mo eh. Chill ka lang," sabi ni Greg

"Haynaku, mabuksan na nga lang itong radyo para makapakinig ako ng mga kanta. Baka makatulong pa sa akin," sagot naman ni Heaven

"Mabuti pa nga para makalma mo na ang sarili mo dyan," sabi ni Greg pagkatapos ay binuksan naman ni Heaven ang radyo ng sasakyan

"For our next song, ito maganda ito! The Prisoner's Heart  by Anna's Playlist. Enjoy the song and we will be right back," sabi noong radio DJ

"Big time naman pala ng Anna's Playlist eh, nape-play na sa radyo ang kanta nila! Sana all," sabi ni Greg

"Oo nga eh, hindi ko alam iyon ah. Hindi nabanggit ni Timothy last week," sabi naman ni Heaven

I want you
I want your heart
I need you
I need your hug
I miss you
I miss your voice
I love you
I know my heart is true

Can I hold your hand?
Can I wrap my arms around you?
Can I kiss your lips?
Can I sing you a song like this

"Ang galing talaga ng mga kanta ng Anna's Playlist. Para sa ating dalawa talaga bawat kanta nila eh. Konti na lang talaga idol ko na sila eh," sabi ni Greg

"Oo nga eh, kakarinig ko nga lang kanina noong isa pa nilang kanta. Iyong Dear You maganda din ang meaning noong kantang iyon," sagot naman ni Heaven

"Sige, kapag nagka-oras ako eh papakinggan ko din iyon. Papakinggan natin ng sabay ang mga kanta nila, okay?" sabi naman ni Greg

"Oo naman, alam mo ba gusto ko ngang bumili ng album nila eh. Ang huli kasing sabi ni Timothy sa akin last week ay magkakaroon nga daw sila ng album pero hindi nga lang alam kung kailan," sagot naman ni Heaven

"Oo ba, bibili tayo ng album nila. Sabihan mo lang ako kung kailan sila maglalabas at bibili talaga tayo," masayang sagot ni Greg

If freedom puts my heart in prison
Patience will set us free for good reason
This is the last thing I want to do
I will wait for you

Doon ay napaisip bigla si Heaven, paano nga ba nakalaya si Greg sa pagmamahal ni Angel? Hindi niya pa iyon kasi alam.

Paano siya nakilala ng pamilya ni Greg? Eh noong huling pagkikita nila eh malamig pa din ang mga ito sa kanya.

"Oo nga pala babybu. Paano nalaman ng paremts mo ang tungkol sa atin? Hindi ko pa alam iyon ah," sabi ni Heaven

"Ha? Wala, basta sinabi ko sa kanila na may bago na akong mahal. Okay naman sa kanila kasi matanda naman na ako, malaya na akong pumili kung sino ang mamahalin ko," sagot naman ni Greg

"Talaga ba? Eh ang lamig ng ng mommy mo sa akin ah. Ramdam ko naman iyon at naiintindihan ko sila. Matagal na kasi nilang nakasama si Angel kaysa sa akin eh," sabi naman ni Heaven

"Alam mo, noong nalaman nila ang ginawa sa akin ni Angel ay nagalit din naman sila sa kanya. Syempre, sobrang tiwala na sila kay Angel eh tapos masisira lang ng ganoon," sagot naman ni Greg

"Pero bakit tinanggap ulit nila?" 

"Eh kasi,  naki-usap noon ang pamilya ni Angel sa parents ko na baka naman daw pwede na namin siyang patawarin dahil nga nagkasakit na siya," sagot naman ni Greg

"Sino ba naman kami para hindi ibigay iyon. Saka alam mo, noong naging kami ni Angel ay immature pa ako noon kaya kahit papano ay nakalimutan ko na ang galit ko sa kanya noong nagsimula ang sakit niya," patuloy pa ni Greg

"Kung hindi mo kaya ako nakilala, si Angel pa rin kaya ang mamahalin mo hanggang ngayon? Kumbaga, magkakabalikan pa kaya kayo?" sagot ni Heaven

Take my hand
You are my key
To set us free
Just put your trust in me
We'll follow our dreams
Just wait and see
And keep your eyes on me
Trust me my girl

"Grabe ang mga iniisip mo ano? Hindi ko naman siya babalikan kung hindi kita kilala. Kung hindi pa kita kilala noon, eh hahanapin kita at kikilalanin." hirit naman ni Greg pagkatapos ay hinalikan sa kamay si Heaven

"Haynaku, nagtatanong ng maayos eh. Hihirit ka pa dyan, I love you too! Oo na, pipiliin naman kita araw-araw eh. Okay na?" sagot ni Heaven

"Aba dapat lang naman ano, kapag hindi mo pa naman ako pinili eh baka magsisi ka. Oo nga pala, malapit na tayo sa bahay namin," sabi ni Greg

"Alalayan mo ako ha, hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa parents mo eh. Lalo na sa mommy mo, iba tumingin sa akin iyon noon pa man eh." sabi ni Heaven

"Ano ka ba? You should be confident. Ikaw na ang mahal ko, kahit lumuha pa sila sa harapan ko ay ipaglalaban kita sa kanila. Saka, hindi ka naman bad influence sa akin ah? Anong kinakatakot mo dyan?" sagot ni Greg

"Sige na nga, bahala na. Basta nasa tabi kita ay okay na ako. I love you," sabi ni Heaven

"I love you too. Tamang-tama, nandito na tayo sa bahay namin. Makikilala mo na sila nang lubusan," sagot ni Greg

Pagbaba ni Heaven sa kotse ay humawak lang siyang mahigpit sa kanyang nobyo. Rinig na rinig niya ang pintig ng kanyang puso. Iyong bawat hakbang niya papalapit sa pintuan ng bahay nila Greg eh parang hinihila siya pabalik ng kotse. Ito na ito, wala nang atrasan pa.

Ngumiti siyang pilit kay Greg pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto nito. Sinalubong naman sila ng daddy ni Greg, tuwang-tuwa ito pagkatapos ay kinamayan pa sila. Nagbeso ang mommy ni Greg kay Heaven pero kitang-kita na seryoso ang mukha nito at pilit lang na nangiti sa dalaga.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon