Chapter 18

193 37 1
                                    

One week later..

Lunch time noon, nagbalak sina Heaven at Hunter na pumunta sa mall para doon kumain.

Tuwang-tuwa si Hunter para sa kaibigan dahil finally ay may nanliligaw na talaga dito.

Umupo sila pagkatapos ay pinatong ang tray na may lamang sinigang at kanin. Dahil wala pang sahod, ganito daw muna ang ulam nila.

"Girl, ang swerte mo na talaga! Ikaw na! Biruin mo, araw-araw ka niyang hatid-sundo sa trabaho? Diyos ko, nakakakilig!" sabi ni Hunter

"Baliw ka talaga, ganoon naman na talaga siya ever since ah? Hayaan mo, darating din balang araw ang Greg ng buhay mo," sabi ni Heaven

"Naku, sa kagaya kong bakla eh napaka-rare na ng katulad ni Greg ano. Puro pera na lang ang alam ng mga tao ngayon, wala na talagang nagmamahal ng totoo sa aming mga bakla," sabi ni Hunter

"Ang negative mo, hindi naman siguro lahat. Pero alam mo, naging mas sweet na siya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero may extra effort siyang ginagawa kapag nagkikita kami," sagot ni Heaven

"Anong extra? Super effort talaga, sino naman kasing lalaki ang gagawa noon? Wala, si Greg lang," sabi ni Hunter

Pagkatapos kumain ay nagpaalam muna si Hunter na titingin ng mga bagong damit. Maaga naman silang natapos kumain kaya may oras pa siya para mamasyal. Habang si Heaven naman ay busy sa pakikipag-usap kay Greg sa I-Face.

"Uy, dyan ka muna ah, may titingnan lang akong mga bagong damit. Busy ka naman sa lovelife mo kaya mamamasyal na lang akong single dito," sabi ni Hunter

"Ikaw talaga, kung anu-ano pa ang sinasabi mo. Sige, dito muna ako. Balikan mo na lang ako kapag tapos ka na sa binibili mo," sagot ni Heaven

Naglakad na paalis si Hunter. Halos 15 minutes pa lang siyang tumitingin ng mga damit nang makita niya ang isang pamilyar na mukha. Si Save, may kasamang babae na namimili sa di kalayuan. Agad na nagtago si Hunter dahil baka makita siya ni Save. 

Kailangang malaman ito ni Heaven. Alam kong masasaktan ang kaibigan ko pero hindi ko naman hahayaan na lokohin na lang siya ni Save. Kailangang matigil na ang kalokohan ng lalaking ito.

Bumalik si Hunter kung nasaan si Heaven, nagulat naman ang dalaga dahil ang bilis na nakabalik ng kanyang kaibigan. Isa pa, wala itong dala-dala na napamili niya. Inis ang mukha at parang nagmamadali.

"Halika dali, kailangan mong makita ito! Diyos ko, sinasabi ko na nga ba! Hindi pa rin nagbabago ang lalaking iyon kahit kailan," sabi ni Hunter habang hila-hila niya si Heaven

" Aray ko naman, teka lang! Nasasaktan ako eh. Ano bang sinasabi mo dyan? Sinong lalaki?" sagot ni Heaven

"Sino pa edi si Save! Iyon, may dalang babae dito sa mall! Kitang-kita ng dalawang mata ko, ang kapal ng mukha noon para manligaw pa sa iyo, bwisit siya!" sabi ni Hunter

Pagkakita nila Heaven at Hunter, nandoon pa din nga ang dalawa. Busy na busy ang babae na mamili ng damit. Todo ngiti pa kay Save at parang ahas pa sa sobrang landi.

"Naku, baka naman yung ate niyang si Bridgette iyan. Hayaan mo na, baka mapahiya pa tayo, ate niya lang siguro iyan," sabi ni Heaven

"Naku, ano ka ba?! Kilala ko si Bridgette ano, naka-inuman ko na iyon eh. Kamukha ba ni Bridgette iyan? Hindi, babae niya iyan! Buksan mo ang mata at utak mo, niloloko ka na naman ni Save," sabi ni Hunter

"Eh kung totoo iyan, edi hayaan mo na. May Greg naman na ako eh, okay na iyon. Sanay naman na akong niloloko ako ni Save," sabi ni Heaven

"Naku, kung ako iyan eh sasabunutan ko na iyan at kakalakadkarin sa gitna ng mall. Nakakainis eh, hindi talaga tayo aalis hangga't hindi mo ginagantihan ang babaeng iyan, ano ang gusto mo? Ako pa ang manabunot dyan?" sabi ni Hunter

Agad na pumunta si Hunter doon kina Save at Mira, hindi na nga niya hinintay ang sagot ni Heaven kung payag ba itong gumanti siya. Ang alam lang niya ay nag-iinit ang ulo niya dahil sa panloloko ni Save.

"Oh Save, nandito ka pala. Sinong kasama mo?" sabi ni Hunter habang nakatalikod si Save sa kanya

Noong humarap si Save sa kanya ay gulat na gulat ito dahil nakita niyang nasa likod ni Hunter si Heaven. Para tuloy gusto na lang niyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Ito na nga talaga ang katapusan ng panloloko niya kay Heaven.

"Hunter at Heaven, paano kayo napunta dito? Bakit?" sabi ni Save na hindi pa rin makapaniwala

"Anong bakit? Mall ito hindi ba? Bawal kaming pumunta? Bakit? Kasi malalaman namin ang kalokohan mo? Diyos ko naman Save, hindi ka na talaga nagbago!" sigaw ni Hunter

"Ah, babe. Sino sila? Bakit nasigaw 'tong baklang 'to?" sabi ni Mira

"Ah, Mira ano kasi.. Si Hunter at Heven ay--" hindi na natapos si Save sa kanyang sasabihin dahil sumagot si Hunter

"Ako lang naman ang kaibigan ni Heaven, ang ex-girlfriend ni Save," sagot ni Hunter

"Ex-girlfriend na pala eh, bakit mo pa hinahabol si Save?" pagtataray ni Mira

"Naku, ang dami mo pa sigurong hindi alam. Save, gusto mo bang ako pa ang magsabi dito sa mukhang palakang ito kung anong ginawa mo sa kaibigan ko?!" sabi ni Hunter

"Gusto lang naman niyang makipagbalikan sa akin habang nililigawan ka niya. Alam mo ba iyon? Parehas lang naman niya tayong niloloko, naniniwala ka naman sa mga kalokohan ng lalaking iyan," sabi ni Heaven, hindi na rin siya nakapagtimpi dahil sa nasaksihan niya

"Iyan, si Heaven na mismo ang nagsabi girl. May sasagot ka pa ba dyan? I bet hindi na, kahit anong gawin mo sa lalaking iyan hindi na talaga siya magbabago!" sabi ni Hunter

"Babe, totoo ba iyon? Nakikipagbalikan ka pa din sa babaeng ito kahit na nililigawan mo na ako?" sabi ni Mira

"Ah, Mira ano kasi. Hindi ko naman sinasadyang--" hindi na natapos ni Save ang kanyang sasabihin dahil sinampal agad siya ni Mira

"Save, sabihin mo na lang ang totoo sa akin! Nililigawan mo pa ba itong si Heaven o ano?!" sigaw ni Mira dahilan para mapatingin ang ibang tao sa kanya

"Huwag ka ngang mag-ingay dito, Mira! Nakakahiya ka, ang daming tao," sabi ni Save

"Ako? Nakakahiya? Ano pa kaya ang ginawa mong panloloko sa amin ni Heaven? Hindi ba mas nakakahiya iyon?!" sabi ni Mira

Nagulat naman sina Hunter at Mira dahil lumapit si Heaven at saka sinampal si Save. Nakita iyon ng lahat, vinideo pa nga ng iba para ipost sa I-Face.

"Sinampal lang kita para magising ka na sa katotohanan na talagang manloloko ka. salamat ha?" sabi ni Heaven at hinila na niya palabas ng mall si Hunter

Iniwan na din ni Mira mag-isa si Save sa mall. Binalik nito ang mga pinamili nila at nangakong magbabayad din ito sa mga nagastos ni Save sa paglabas-labas nila nung nanliligaw pa lang siya.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon