Chapter 11

243 51 31
                                    

Pagkatapos ng kantahan ay uuwi na dapat sila Greg at Heaven pero humiling pa si Heaven na sana ay makamayan ulit niya ang JLU. No choice naman si Greg kaya pinagbigyan niya na ito. Nung makita na ni Heaven si RK ay kumaway agad ito. Ngumiti naman si RK at lumapit kay Heaven. Sobrang saya ng dalaga dahil parang napaka-importante na niya para sa bandang JLU. 

"Huy Heaven, salamat sa pagpunta ah? Sana sa mga susunod pa na gig namin ay makapunta ka. Isama mo lagi si Greg para libre ka." sabi pa ni RK 

"Naku, salamat po talaga at nakita ko kayong tumugtog ngayong gabi. Sure po, pupuntahan ko kayo sa next gigs niyo!" sabi ni Heaven pagkatapos ay bumeso siya kay RK at kumamay siya dito 

"Sige na, mauna na kami ah? May pupuntahan pa kasi kaming isa pang event. Sayang nga at hindi pa tayo makakapagkwentuhan ng matagal. Hayaan mo, next time!" sabi ni RK at umalis na  

Napatanga tuloy si Heaven ng halos isang minuto. Hindi pa din kasi mag-sink in sa kanya na nakita niya at nakausap si RK. Nagpapapansin na nga si Greg pero dedma pa din siya dito. 

"Huy, ano ka ba naman? Kanina pa nga tayo uuwi eh. Tara na, umalis na ang JLU, baka gusto mo na din umuwi diba?" sabi ni Greg 

"Ito na nga eh, uuwi na po. Sorry na ha? Salamat pala sa libre. Hayaan mo, ililibre din kita sa susunod para naman may pambayad ako dito! Tara na, uwi na tayo." sabi ni Heaven 

"Naku, hindi na! Hindi gawain ng babae iyon. Ako ang lalaki kaya ako gagastos. Okay?" sabi ni Greg

"Naku, stop that mindset! Hindi naman porket lalaki ka eh ikaw na lahat. Kung kaya ng babae, why not? Give and take kumbaga, saka bati na tayo diba?" sagot naman ni Heaven 

Hindi na sumagot si Greg, pumasok na lang sila sa kanyang kotse. Gabi na din kasi at kailangan na din niyang iuwi safely si Heaven sa bahay nito. 

"Oh, masaya ka ba sa nangyari ngayong gabi? Okay na ah, peace na tayo. Huwag ka na magtataray sa akin bigla ah!" sabi ni Greg noong malapit na sila sa bahay ni Heaven 

"Oo nga, masaya nga ako. Kanina ko pa sinabi ah? Huwag mo ko masyadong i-spoiled, kaya ko naman. Pero salamat pa din. This is one of the most memorable nights of my life!" sabi ni Heaven sabay niyakap niyang mahigpit si Greg 

"Halata kong sobrang saya mo nga, napayakap ka na eh. Sige na ah, uwi na ako. See you when I see you na lang. Thank you for tonight, memorable din naman para sa akin ito," sabi ni Greg pagkatapos ay sumakay na ulit ng kotse at umalis 

Hindi na nga nakapagsalita si Heaven dahil sa realization na nayakap niya pala si Greg dahil sa sobrang saya niya. Napahawak na lang siya sa kanyang mga pisngi dahil alam niyang namumula ito sa sobrang hiya at kilig na din at the same time. Pagkapasok niya sa loob ay nagulat siya dahil sa taong nakita niya sa sofa, si Save. 

"Mukhang ang saya-saya mo ah, saan ka na naman niya dinala at ngayon ka lang umuwi? Ikaw, panay na ang sama mo doon eh hindi mo pa naman lubusang kilala iyon." sabi ni Save 

"Pake mo ba eh hindi ko naman kailangan ng permiso mo. Masaya ako dahil dinala ako ni Greg sa gig ng bandang JLU. Isa sa mga bagay na hindi ko nagawa nung tayo pa dahil corny para sa iyo ang mga kantang pinapakinggan ko!" sabi ni Heaven 

"Dahil lang doon eh sumama ka na? Paano kung pain lang pala iyon para sumama ka sa kanya at ang ending niyo eh re-rape-in ka pala niya? Naisip mo ba iyon ha?" sabi ni Save  

"Don't act like you care because the last time I checked, you don't! Umuwi ka na nga sa inyo, matutulog na ako. Baka mamaya niyan eh bangungutin pa ako dahil sa iyo!" sabi ni Heaven 

"No, hindi ako uuwi dahil dito ako tutulog. Maniwala ka man o sa hindi ay pumayag na si tita. Okay? Babantayan kita dahil may mga masasamang taong nasa paligid mo." sabi ni Save  

"Oh no, don't call yourself. Dapat pala bantayan mo ako mula sa sarili mo. Kung ganoon, you have to stay away from me pala ano?" asar pa ni Heaven pagkatapos ay pinuntahan niya ang kanyang nanay 

"Mama, bakit naman dito mo pa pinatulog ang lalaking iyan. Pauwiin mo na kaya, parang ewan lang dito iyan sa bahay natin eh." sabi ni Heaven 

"Nag-usap na kami niyan ni Save. Bakit naman hindi pwede? Eh ginagawa naman niya iyon dati nung kayo pa ah. Hayaan mo na, ngayong gabi lang naman daw." sabi ng nanay ni Heaven 

"Iyon na nga ang problema ko Mama eh, hindi na kami niyan. Hindi ba parang ang creepy na niya na sunod na siya nang sunod sa akin kahit ayaw ko na sa kanya? Mama, he's obsessed with me!" sabi ni Heaven 

"Obsessed agad? Hindi ba pwedeng mahal ka lang talaga niya at gusto niya lang na maging maayos kayo? Sino naman ang gusto mong kasama? Yung Grek?" sabi ng nanay ni Heaven  

"Mama naman! Anong Grek? Greg iyon! Buti pa nga iyon, tinutupad ang pangarap ko," sabi ni Heaven 

"Anong pangarap naman iyon? Saan nga ba kayo galing nung Greg? Haynaku, kung saan-saan ka na lang dinadala noon!" sabi ng nanay ni Heaven 

"Sa Sounds Of Your Of Your Heart, nanuod kami ng tugtog ng JLU. Grabe, ang galing talaga nila! Sana napanuod mo, Ma." sabi ni Heaven 

"Pumunta ka na naman sa gig nila? Diyos ko, sinasayang mo lang oras at pera mo dyan," sabi ng nanay ni Heaven 

"Naku, parehas kayo ni Save nang sinasabi. Kayo na lang kaya? Mas bagay kayo eh, parehas ng ugali. Makapasok na nga sa kwarto," sabi ni Heaven 

"Heaven, uy! Bumalik ka nga—" hindi na natapos ng nanay ni Heaven ang kanyang sasabihin dahil umalis na ang kanyang anak 

Sumilip muna si Heaven kay Save, pagkatapos ay pumasok na  siya sa kwarto dahil excited na siyang i-upload sa I-Face ang kanyang pictures with JLU. Nanalangin din siya na sana eh mapansin iyon ng mga myembro ng banda, lalo na ni RK. Pagka-upload niya ay minention niya din sa post si Greg at RK. Kilig na kilig siyang nakatingin sa pictures, lalo na sa selfie nila ni RK. 

Greg: Welcome! Sa gig ulit ng Saving Shonie! Promise, mapupuntahan din natin iyon, para sayo! 

RK: Thank you sa pagpunta sa gig namin. Sa mga susunod pa! Ingat ka palagi. 

Ilang minuto pa ay nag-send si RK ng friend request kay Heaven. Halos isang minuto din niya yung tiningnan. Sobrang ayos na sa kanya ang nakasama at nakausap niya iyon sa gig, tapos nag-friend request pa? Heaven ang feeling! Bagay na bagay sa pangalan niya. 

RK Villaflor sent a message. 

"Uy, thank you! It's nice to meet you, sa susunod ulit!" 

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon