Chapter 45

129 25 0
                                    

After a week..

Kahit na galit na galit ang mga magulang nila Heaven at Greg sa kanila ay wala na itong magagawa. Napatunayan na buntis si Heaven, dalawang buwan na ang tyan niya. Ang problema lang nila ngayon ay ang galit ng mga magulang nila.

“Sa tingin mo, anong magandang gawin para mawala ang galit nila sa atin? Ah, ano kaya kung ilaglag na lang natin—” hindi na natapos ni Heaven ang sasabihin dahil sumagot agad si Greg sa kanya

“Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Keep the baby. Saka nagalit lang naman iyon dahil sa nabigla sila sa pangyayari pero wala na din tayong problema kasi  nasa edad naman na tayo ah,” sabi ni Greg

“May mali eh, hindi dapat ako buntis ngayon. Handa na ba tayo? Hindi pa naman hindi ba?” sabi ni Heaven

“Naku, akala mo lang iyan dahil sanay ka na ikaw ang baby ng Mama mo pero oras na lumabas ang anak natin ay mawawala lahat ng agam-agam mo. Okay? I love you,” sabi ni Greg at hinalikan ang noo ni Heaven

Nandito sila ngayon sa Batangas, dito kasi gaganapin ang kasal one month from now kaya naman tumitingin na sila ng venue. Dahil nga gusto ni Heaven na sa Batangas siya ikakasal ay iyon ang ibinigay ni Greg sa kanya.

Isang buwan na lang ang preparasyon dahil iyon na lang ang nalalabing oras ng Papa ni Heaven. Magta-trabaho na kasi ulit ito sa malayo kaya kailangan na nilang bilisan. Kahit galit ang Papa niya sa kanya ay syempre gusto pa rin nitong mailakad si Heaven sa aisle.

Beach wedding ang gusto nilang dalawa. Konti lang ang bisita dahil nga sa mabilisan lang ang preparasyon nila para dito. Nasa singkwenta lang ang dadalo, hindi pa sure ang ibang imbitado. Kaya mas lalong kabado si Heaven dahil parang hindi tumutugma ang lahat sa gusto niya.

“Girl, go ka na dito oh. Ang ganda na, buti at naisipan mo nga akong isama dito sa paghahanap niyo ng beach ni Greg,” sabi ni Hunter

“Oo naman girl, ikaw kaya ang nakasaksi sa lahat. Alam mo kung gaano namin kamahal ang isa't isa ni Greg diba?” sagot naman ni Heaven na may mapait na mga ngiti

“Oo kaya ikaw, alagaan mo ang sarili mo para sa baby mo ha? Alam kong biglang dumating iyan pero dapat ay mahalin mo siya,” sabi ni Hunter

“Haynaku, mare. Kausapin mo nga iyang kaibigan mo para matauhan. Hindi yata alam ang pinagsasabi eh. Nag-iisip ba namang ilaglag ang anak namin! Aba, hindi ako makakapayag ano!” sabi ni Greg, may inis sa kanyang boses

“Aba, kung hindi ka ba naman kalahating loka-loka? Sige Greg, iwanan mo muna kami. Mag-uusap kami ng masinsinan ng babaeng ito,” sagot ni Hunter

At doon ay umalis muna nga si Greg. Pumunta siya sa kanilang mga magulang na pawang tinitingnan din ang kabuuang lugar. Amazed na amazed ito sa ganda at pansamantalang nakalimutan ang galit o tampo sa kanilang mga anak.

“Baliw ka ba? Hindi ba't kay Save pa lang ay gusto mo na magka-anak? Tapos ngayong nandyan na, ayaw mo na at parang ituturin mo pang basura! Kaloka ka girl,” sabi ni Hunter

“Gusto kong maging ina noon pa man. Ngunit hindi ko alam kung paano kaya nasabi ko iyon kay Greg,” sabi ni Heaven

“Ang pagiging ina ay hindi mo agad matututunan. Malalaman mo lang iyon kapag nandyan na ang inaanak ko. Okay? So wait ka lang,” sabi ni Hunter

“Paano kung hindi ko pala kaya maging isang ina? Alam mo naman na dependent ako sa nanay ko at hindi ko yata kaya ang mga sakripisyo niya para sa akin. Hindi ko kayang gawin sa sarili kong anak,” sabi ni Heaven

“Naku, sabi mo lang iyan dahil wala pa siya pero kapag nandyan na ay mag-iiba na ang pananaw mo sa buhay. Iyong pagmamahal na binigay sa iyo ng mga magulang mo eh ganoon din dapat ang ibigay mo sa kanya. Kung pwede nga ay higitan mo pa,” sabi ni Hunter

Inaalala din ni Heaven na wala nga pala siyang kapatid kaya wala siyang naalagaan na baby noon. Paano na? Siguro nga ay kailangan niya ng proper training kung paano maging ina.

“Wala naman akong kapatid eh. Hindi ko na-practice ang alaga skills ko sa bata. Siguro, afrer ng kasal ay magte-training akong maging ina. What do you think, bakla?” sabi ni Heaven

"Anong walang proper training eh diba nga kapag gusto mong pumunta tayo sa orphanage ay sinasamahan kita. Ayos naman ang pag-aalaga mo sa kanila. Gusto nga nilang magka-anak ka na kasi ang galing mo daw mag-alaga,” sabi ni Hunter

Napangiti bigla si Heaven doon. Oo nga pala, kada taon kapag tapos na ang pasko ay pumupunta siya sa orphanage na malapit sa kanila. Bakit nga ba hindi siya nakapunta ni Greg ngayong taon? Ah, kasi nag-Tagaytay sila at doon nabuo ang pagmamahalan nilang dalawa.

“Gusto kong isama si Greg doon, gusto kong makita niya ang mga bata. Malay mo, may hidden skill pala si Greg sa mga bata. Sabi kasi sa mga nababasa ko eh mas malapit nga daw ang mga lalaki sa babies,” sabi ni Heaven

“Eh saka mo na siya dalhin kapag napanganak mo na ang bata.  Hindi pa pwede ngayon kasi first trimester mo pa lang,” sabi ni Hunter

“Opo doc, hindi muna ako lalabas ng bahay dahil iyon ang sabi mo,”  then she giggled

“Basta ha, huwag ka magpapaka-stress. Bawal iyan sa baby, lalo na sa beauty natin! Huwag ka na mag-iisip ng negative thoughts ha? You will keep the baby,” sabi ni Hunter

“Oo naman, basta nandyan lang kayo sa likod ko eh. Ayos na ako, alam ko naman na hindi niyo ako iiwan eh,” sagot ni Heaven

Hindi na niya namalayang  naiyak na pala siya. Kaya naman lumapit si Hunter para punasan ang mga luha niya. Pagkatapos noon ay niyakap nila ang isa't isa.

“Tara na, explore pa natin itong lugar. Tiyak na ang ganda kung dito ka ikakasal,” sabi ni Hunter

“Ikaw ang bridesmaid ko ha? Okay ba iyon?” sabi ni Heaven

“Oo naman sissy! Gora ka dyan!” sagot ni Hunter


The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon