Chapter 26

172 29 0
                                    

After 2 months..

Dalawang buwan na ang nakalipas nang mamatay si Save, simula din noon ay hindi na nalabas ng bahay si Heaven. Panay lang siya sa trabaho, kung minsan ay nalabas sila ni Greg pero hindi na sa Sounds Of Your Heart.

Kahit mahirap tanggapin kay Greg ang lahat ay ayos lang sa kanya. Tinanggap niya na sa kanyang sarili na parte naman talaga ng buhay ni Heaven si Save. Hindi niya mabubura iyon kahit ano paang gawin niya.

"Salamat sa pagsama sa akin na pumunta dito. Alam kong mahirap para sa iyo, pero masaya ako kasi tinanggap mo iyon. Don't worry, hindi ko naman inaalis sa isip ko na mahal kita," sabi ni Heaven

"Oo naman. alam ko naman iyon eh. Kaya nga nandito ako para suportahan ka, maaaring mapa-isip ako kung minsan pero iniisip ko na lang na patay naman na iyon at nasa nakaraan na lang," sabi ni Greg

"Oo, ikaw na ang present at future ko. Kaya huwag ka na magselos ah? Huwag ka na magselos sa patay na. Buti na nga lang talaga, nakausap mo siya bago siya nawala. Sayang lang at wala na siya sa kasal natin," sagot naman ni Heaven

"Kinikilig naman ako, sure ka na talagang ikakasal tayo ah? Ako kasi, sure na ako sa iyo eh. Wala na uruangan ah," sabi ni Greg

"Sige ba, saksi si Save sa atin. Alam ko naman na rinig niya tayo, kapag hiniwalayan mo ako ay mumultuhin ka niya. Gusto mo ba iyon?" biro ni Heaven

"Ayaw ko nga, kung si Hunter pa ang tanungin mo dyan eh magiging excited pa iyon," sabi ni Greg

"Kalalaki mong tao, takot ka sa multo. Nakakatawa ka din minsan eh," sagot ni Heaven

"Aba, kahit naman lalaki ako ay may kinakatakutan din ako ano? Haynaku, tara na nga! Kumain muna tayo sa restaurant tapos saka kita i-uuwi," sabi ni Greg

"Sige, sasabihan ko na din si Hunter na sumama sa atin. Wala namang ginagawa iyon sa kanila," sabi ni Heaven at tumayo na silang dalawa ni Greg

"Sige sige, hintayin mo ako at kukunin ko lang ang kotse," sabi ni Greg 

Pagpasok nila sa ktse ay laking pagtataka nila na bigla na lang umulan. Hindi naman makulimlim kanina noong pumasok sila, ang init pa nga ng panahon kaya nakapag-payong sila nang wala sa oras.

"Feeling ko nandito si Save eh, ayaw niya ako maulanan kaya umulan lang noong nakapasok tayo," sabi ni heaven sabay tawa

"Eh? Baka nga, tara na nga at gutom na ako eh. Baka mamaya niyan eh nandoon na si Hunter," sagot ni Greg

Hindi na nagsalita si Heaven, alam kasi niya na nasa selos mode na si Greg ngayon dahil si Save na naman ang nabanggit niya. Kahit naman patay na ito ay hindi din maiiwasan ni Greg na hindi magselos dahil una sa lahat, bago pa lang ang relasyon nila.

Buti na nga din ay natanggap na ng nanay ni Heaven ang relasyon nila. Hindi na nila kailangang magtago o umasta na magkaibigan pa din sila. Sa two months na relasyon, masasabi naman ni Heaven na tama ang kanyang desisyon na sagutin si Greg. Hindi kasi ito pala-away sa kanya, si Heaven pa nga itong gumagawa ng paraan para lang mag-away sila.

Pagpasok nila ay nandoon na nga sa restaurant si Hunter, nasa bukana ito at busy sa kanyang cellphone. Hindi na nga niya napansin na nandyan na pala sina Greg at Heaven. Nagulat tuloy siya at nabitawan ang kanyang cellphone.

"Diyos ko, ano ba naman kayo! Bakit hindi man lang kayo nagsalita? Nagulat tuloy ako, akala ko'y multo na eh," sabi ni Hunter sa amin

"Ano ka ba? KAmi lang ito, ano kami si Save para magmulto? Teka, umorder ka na ba?" sagot ni Heaven

"Oo, umorder na ako. Memorize ko naman na ang inoorder niyo sa restaurant na ito kaya ako na ang umorder para sa inyo," sagot ni Hunter

"Edi kung inorder mo kami, ikaw na lang din ang magbabayad ng kakainin namin? Ganoon ba?" biro ni Greg

"Haynaku, ako'y pinagloloko niyo. Ako lang ang umorder pero hindi ako ang magbabayad. Teka, saan nga pala kayo galing?" sabi ni Hunter

"Ah, dinalaw namin si Save sa puntod niya," sagot naman ni Heaven

Gulat na gulat naman si Hunter dahil hindi siya nakasama. Simula kasi noong mamatay si Save ay na-realize ni bakla na crush niya pala ito. Minsan, hinahanap niya ang presensya ni Save dahil sanay siyang nangungulit ito sa kaibigang si Heaven noon.

"Haynaku! Bakit hindi naman kayo nagsabi na pupunta kayo sa crush ko? Sayang, nakapagdala sana ako ng bulaklak man lang. Di bale, ako na lang ang pupunta mag-isa sa puntod niya next week," sabi ni Hunter

"Sige, ihahatid kita next week. Sabihan mo lang ako," sabi ni Greg

Pagkatapos kumain ay lumabas muna si Greg para magpahangin. Naiwan naman sina Heaven at Hunter doon sa loob ng restaurant kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na mag-usap kahit maikli lang.

"Uy girl, buti naman at napayag iyan na puntahan mo si Save? Hindi ba nagse-selos? Diba ayaw niya doon dati?" sabi ni Hunter

"Medyo nagseselos paminsan, pero iniintindi niya ako kasi alam naman niya na kahit papaano ay naging parte naman ng mundo ko si Save. Lagi ko namang sinasabi sa kanya na siya na ang pinipili ko eh," sabi ni Heaven

"Dapat lang, ayaw ko ngang may kahati ako kay Save kahit na patay na siya. Nakakainis, hindi ko man lang naparamdam na importante siya sa akin, na-realize ko na lang kasi ito noong wala na siya. Totoo nga ang sabi nila, makikita mo lang ang importansya ng tao lalo na kapag ito ay wala na," sabi ni Hunter

"Hayaan mo at hahanapan ka na lang namin ni Greg ng bago. Napakadami namang iba dyan eh, humanap ka kaya sa 8th District o Sounds Of Your Heart. For sure, madaming kakilala doon si Greg," sagot naman ni Heaven

"Baliw ka na talaga, halika na nga at malamang ay kanina pa tayo hinihintay ni Greg. Sige ka, baka layasan na tayo noon at umuwing mag-isa sa inyo," sabi ni Hunter kaya pumunta na sila sa counter para magbayad

"Tara na, tapos naman na akong magpahangin," sabi ni Greg

Pagpasok nila sa kotse ay pilit na iniisip ni Greg kung tama ba ang desisyon niya. Ang desisyon na ipakilala na ni Greg si Angel kay Heaven. Two months na din kasi ang nakalipas at konting oras na lang din ang natitira kay Angel.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon