Chapter 22

180 31 2
                                    

Laking pagtataka naman ni Heaven kung bakit nagso-sorry sa kanya si Greg. Oo, kahit na sabihin mong may kasalanan nga si Greg eh pwedeng mas may malalim pa itong dahilan kung bakit siya nag-sorry.

"Bakit ka nagso-sorry? Hayaan mo na iyon, alam ko naman na busy kang tao," sabi ni Heaven

"Pero nawala pa din ako bigla, Heaven. Alam ko na hinahanap mo ako, ramdam ko iyon dahil hinahanap din kita araw-araw," sabi ni Greg

"Bakit ka nga ba biglang nawala? Anong nangyari?" tanong ni Heaven tapos umupo siya sa tabi ni Greg

"May family business kasi kaming inasikaso eh, pasensya ka na talaga at hindi ko kaagad nasabi sa iyo ah," sabi ni Greg

"Ah ganoon ba? Okay lang iyon, ang importante ay nasabi mo na sa akin. Nakakain ka na ba?" sagot ni Heaven

"Oo, pinakain na ako ng Mama mo kanina. Ang sarap nga noong binake niya na cake eh," sagot ni Greg 

*flashback*

"Anak, hindi ka ba talaga pwede ngayon? You know how much Angel needs you now," sabi ng nanay ni Greg sa telepono

"Mama, alam mo naman na tapos na kami ni Angel hindi ba? Isa pa, may nililigawan na ako ngayon. Si Heaven, ano na lang ang sasabihin niya kung malaman niyang nakikita ko pa si Angel?" sagot ni Greg

"Alam ko naman iyon anak, ang akin lang ay bigyan mo lang si Angel ng kahit dalawang linggo.  Ilang oras na lang ang ilalagi niya dito sa mundo anak. Kahit para sa akin mo na lang gawin ito at hindi na para sa kanya," sagot ng nanay ni Greg

"Okay, Mama. Two weeks lang ah? After noon, wala na. Hindi na ako ulit magpapakita pa kay Angel," sagot ni Greg

At simula noon, lagi na ngang binabantayan ni Greg si Angel dahil sa utos ng kanyang nanay. Hindi niya ma-update man lang si Heaven dahil kinuha ng nanay niya ang kanyang phone for two weeks.

*end of flashback*

"Greg? Ayos ka lang ba? Kanina pa kita kinakausap, ang sabi ko kung gusto mong manuod tayo ng movies eh kukunin ko ang laptop ko," sabi ni Heaven

"Naku, sorry ha. Lumilipad kasi ang isip ko eh. Alam mo na, nasa negosyo pa rin namin ang utak ko. By the way, hindi mo na pala kailangan na yayain akong manuod ng movies kasi may gagawin naman talaga tayo ngayon kaya kita sinundo," sabi ni Greg

"Eh, ayos ka lang ba? Asikasuhin mo muna kaya ang trabaho mo doon sa negosyo niyo, mukhang kailangan na kailangan ka doon eh," sabi ni Heaven

*flashback*

Pagdating ni Greg doon ay nakita niya si Angel, busy ito sa pagbabasa ng libro. Kasama niya sa kwarto ang parents niya at ang parents ni Greg. May sakit si Angel  at hindi na din siya tatagal na mabuhay. Payat na payat na siya na para bang ilang linggo nang hindi nakain.

"Angel," aniya

Kitang-kita sa mga mata ni Angel na tuwang-tuwa siyang makita si Greg. Alam niya kasi na nagkamali siya nang pinili noon. Pumili ga siya ng mapera pero iniwan din naman siya bigla. Sising-sisi tuloy siya at alam din niya sa sariling bayad na niya sa mga kasalanan ang sakit na nararanasan niya ngayon.

"Greg, it's good to see you again. Huwag mo sabihing pinilit ka ng Mama mo para puntahan ako. Alam mo naman na ayaw kong kinakaawan ako diba?" sabi ni Angel

"Hindi ah, ginusto ko talagang pumunta dito. Matagal na din kasi tayong hindi nagkikita. So when I learned about it, pinuntahan agad kita dito," pagsisinungaling ni Greg

"Talaga ba? Hindi ka pinilit ah? Well, gusto naman talaga kitang makausap ngayon dahil may gusto akong sabihin sa iyo," sabi ni Angel

Pagkatapos sabihin ni Angel iyon ay agad na lumabas ang mga parents nila. Naiwan lang si Greg at Angel sa kwarto. Nakatayo lang sa tabi si Greg kaya agad siyang pina-upo ni Angel.

"Para namang baliw 'to, umupo ka sa tabi ko pwede ba? Alam ko naman na may sakit ako pero hindi naman daw nakakahawa ito," sabi ni Angel

"Uy hindi naman sa ganoon, nahihiya lang kasi ako sa iyo dahil ngayon lang ako nakadalaw. Teka, ano bang pag-uusapan natin??" sabi ni Greg  pagkatapos ay umupo doon sa tabi ni Angel

"Alam ko namang may nagpapatibok na ng puso mo. Sino ba naman ako para pigilan kang magmahal? Ang gusto ko lang, makilala ko sana siya bago ako mawala," sabi ni Angel

"Ano ka ba? Hindi ka naman mawawala eh. Huwag mo na sabihin iyan ha? Ang mabuti pa ay magpagaling ka na lang. Huwag kang maging negative, hindi naman ganyan ang kilala kong Angel eh," sabi ni Greg

"Niloloko mo ba ako, Greg? Sa tingin mo ba ay gagaling pa ako sa kalagayan ko? Hindi na, tanggap ko na iyon noon pa man. Kaya please, gawin mo na lang ang sinasabi ko. Gusto ko siyang makilala habang may panahon pa," sabi ni Angel

Hindi na nagsalita pa si Greg, tumayo na lamang siya sa kinauupuan at saka mahigpit na niyakap si Angel. Niyakap naman nang mahigpit ni Angel si Greg. Todo pasalamat siya sa ex-girlfriend niya dahil sa wakas ay mapapalaya na nila ang isa't isa.

*end of flashback*

"Huy, saan ba tayo pupunta? I-uwi mo na kaya ako, pinapakaba mo lang ako eh," sabi ni Heaven

"Secret! Basta, alam ko na mababawi nito ang mga araw na wala ako sa piling mo," sabi naman ni Greg

"Naku, ano na namang pakulo ito? Ayos lang naman sa akin kahit hindi ka na bumawi. Ang importante naman sa akin ngayon ay ang kasama na kita, hindi na ako mag-iisip ng kung ano pa," sagot ni Heaven

Nakita na lang ni Heaven ang kanyang sarili sa tulay kung saan nagtapat ng nararamdaman si Greg. May table doon sa gitna ng tulay at may mga bulaklak din sa palibot, may pagkain din doon sa table.

"Anong ginagawa natin dito? Hindi ba delikado ito?" tanong ni Heaven

"Diba sabi ko sa iyo, hindi naman delikado dito dahil walang nadaan. Kaya dito ako nagplano ng surprise para sa iyo," sabi ni Greg

"Naku, salamat pero hindi mo naman na ako kailangang surpresahin pa. Ang makita lang kitang maayos, okay na sa akin iyon," sabi ni Heaven

"Ano ka ba? Alam kong kailangan ko bumawi sa iyo, alam kong nagtampo ka," sabi ni Greg pagkatapos ay pinaupo na niya si Heaven

Ang hindi alam ni Heaven ay nasa paligid lamang ang Keeping Symphonies, isa sa mga paboritong banda ng dalaga. Kinausap ni Greg si Kio na kung pwede ay kumanta sila doon. Masaya naman silang pumayag kaya hiling na lang ni Greg sa Diyos na sana ay maging maayos ang lahat.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon