Chapter 30

162 29 0
                                    

Makalipas ang dalawang linggo ay mailap pa din si Heaven kay Greg. Naiinis kasi siya dahil hindi sinabi ng kanyang boyfriend ang tungkol kay Angel.

"Oh, nakabusangot ka na naman dyan. Si Greg ang iniisip mo ano? Haynaku!" sabi ni Hunter

"Hmm, oo. Sino pa ba? Girl, nagtataka lang kasi ako eh. Bakit hindi niya agad sinabi sa akin ang tungkol sa ex-girlfriend niya hindi ba?" sagot ni Heaven

"Naku, dalawang linggo na ang nakakalipas pero hindi mo pa iyan natatanong sa kanya. Ano ka ba naman?" sagot ni Hunter

"Eh ayaw ko nga. I'll let him figure ot out. At saka, busy naman iyon sa pag-aalaga kay Angel eh," sagot ni Heaven

"Eh diba kasama ka niya sa pagbabantay kay Angel for two weeks now? Ano bang nase-sense mo? May relasyon ba sila?" tanong ni Hunter

"Mukhang wala naman, saka hindi naman sila magpapahuli siguro kung meron ano. Syempre itatago nila iyon," sagot ni Heaven

"Sa tingin ko, wala naman silang relasyon. Wala iyon sa karakter ni Greg eh. Siguro, baliw ka lang talaga," sagot ni Hunter

"Ewan ko sa iyo. Ikaw ang baliw, kumain ka na nga dyan. Baka gutom ka lang," sagot ni Heaven

Nandito kasi ngayon si Hunter sa bahay ni Heaven. Sunday kasi kaya wala silang trabaho.

Pagpunta ni Hunter sa dining table ay pumunta naman si Heaven sa labas para tawagan si Greg sa cellphone. Kahit alam niyang nagbabantay ito kay Angel ay papupuntahin niya ito sa bahay nila.

Ilang minuto pa lang na nagri-ring ang cellphone ni Greg ay bigla namang nakita ni Heaven ang kotse nito na papunta na sa kanila.

Agad na pinatay ni Heaven ang tawag at sinalubong si Greg sa labas. Parang binagsakan ng langit at lupa ang mukha ni Greg kaya agad na nag-alala si Heaven sa kanya.

"Greg, bakit ganyan ang mukha mo? Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" sunud-sunod na tanong ni Heaven

"Si Angel, wala na siya," sabi ni Greg

Gulat na gulat si Heaven sa kanyang nabalitaan. Napayakap na lang siya sa kanyang nobyo dahil alam niyang ito ang kailangan nito.

"Anong nangyari? Diba sabi mo kagabi ay okay naman siya noong nagbabantay ka?" sabi ni Heaven

"Oo, masayang-masaya pa nga siya eh. Hindi ko alam, bigla na lang siyang nanghina kaninang madaling araw tapos ni-revive naman siya ng mga doktor pero wala na talaga siya," sabi ni Greg

Doon na naisip lahat ni Heaven ang lahat. Hindi dapat siya magselos dahil nangyari din ito sa kanya noong si Save ang nawala. Nagsisisi siya na hindi man lang niya naka-usap sa huling pagkakataon si Angel.

Pagkatapos noon ay pumasok muna sila sa bahay para sabihin ang malungkot na balita. Magpapaalam din sila na kailangan nilang pumunta kay Angel.

"Hunter, si Angel!" sabi ni Heaven

"Ano? Anong nangyari? Nandyan ba siya?" sunud-sunod na tanong ni Hunter

"Wala na si Angel-- namatay siya kaninang madaling araw," sabi ni Heaven

Halos mabulunan si Hunter noong kanyang kinakain dahil sa kanyang nabalitaan. Agad na uminom ito ng tubig bago magsalita.

"Diyos ko, paano naman nangyari iyon? Sabi mo kagabi, nagbabantay lang si Greg sa kanya tapos ngayon wala na siya? Nakakatakot!" sabi ni Hunter

"Ewan ko din, aalamin ko pa. Ikaw na ang bahala kay Mama ha? Kapag tinanong niya kung nasaan ako, mag-isip ka na lang ng alibi ha?" sabi ni Heaven

"Eh sige, ako na ang bahala. Mag-iingat kayo ha? Lalo ka na Papa Greg, Mukhang stressed na ang itsura mo. Condolences nga pala ha?" sabi ni Hunter

"Alam ko bawal magpasalamat kaya God bless you na lang. Sige, mauna na kami ha?" sabi ni Greg

"Ingat kayo ni Mama dito. Maya-maya ay babalik din kami," sabi naman ni Heaven

Pagpasok sa kotse ay kita pa rin ni Heaven ang stress sa itsura ni Greg. Tahimik ito at focused sa daan, hindi katulad dati na puro ito kwento at sweetness. Walang nagawa si Heaven kundi hawakan ito sa kamay habang nagda-drive.

"Sorry lately, kung hindi kita pinapansin. Nagseselos na kasi ako kay Angel. Hindi ko alam kung may relasyon kayo--" hindi na natapos ni Heaven ang kanyang sinasabi dahil biglang sumagot si Greg

"Oo, alam ko. Ramdam daw ni Angel kaya lagi niyang sinasabi sa akin. Kaya nga lagi kita pinupuntahan kapag hindi ko siya binabantayan hindi ba? Kasi alam namin, nagseselos ka na sa kanya." sabi ni Greg

"Na hindi pala ako dapat magselos, kasi pagbabantay lang naman ang binibigay mo sa kanya at hindi pagmamahal.  Sana ay mas naging maintindihin ako, kasi nung ako naman ang nasa sitwasyon mo ay inintindi mo ako. I'm really sorry," sabi ni heaven

"Ano ka ba? Ayos lang iyon, ganoon talaga. Ako din naman ah, nagselos kay Save noon. Kaya ayos lang, natural iyon kasi mahal mo ako eh. Ako nga dapat mag-sorry dahil napa-feel ko sayo na parang mas mahalaga si Angel," sagot naman ni Greg

"Okay lang, kaya nga ako nasama sa iyo kasi hindi naman ako ganoon kaselos. Naisip ko di na parehas lang tayo ng sitwasyon dati kaya dapat lang na damayan kita ngayon na kailangan mo ako," sabi ni Heaven

"Salamat sa pag-intindi. Hayaan mo, madami akong ike-kwento sa iyo soon. Isa pa, may ibinigay si Angel sa iyo bago siya mawala." sagot naman ni Greg

"Ano iyon?" tanong ni Heaven

"Basta, ibibigay ko na lang sa iyo kapag nalibing na siya ah? Ipapakilala kita sa mga magulang ni Angel kasi lagi ka niyang kinikwento sa kanila. Sayang lang, hindi na nakita ito ni Angel," sabi ni Greg

"Sa tingin mo, masaya na siya bago siya mawala?" tanong ni Heaven

"Oo naman, nakilala ka na niya eh. For sure, kontento na siya sa nakita niya. Botong-boto nga sa iyo eh, halos ikaw lagi ang kwento niya sa parents niya. Ang ganda mo daw, bagay na bagay ka sa akin. Mas excited pa nga siya sa kasal natin eh," sabi ni Greg sabay tawa ng mahina

"Sayang, hindi ko na siya nabigyan ng oras pa. Sana mas naging talkative ako noon," sagot ni Heaven

Ilang minuto pa ay nakita ni Heaven na nasa tapat na sila ng bahay nina Angel. Natatakot siya dahil baka magalit ang mga magulang ni Angel sa kanya pero alam naman niyang nasa likod niya si Greg kahit ano pa ang mangyari kaya tumuloy pa din siya.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon