Chapter 37

132 24 0
                                    

Pagbaba ni Heaven sa kotse ay humawak lang siyang mahigpit sa kanyang nobyo. Rinig na rinig niya ang pintig ng kanyang puso. Iyong bawat hakbang niya papalapit sa pintuan ng bahay nila Greg eh parang hinihili siya pabalik ng kotse. Ito na ito, wala nang atrasan pa.

Ngumiti siyang pilit kay Greg pagkatapos ay pinagbuksan siya ng pinto nito. Sinalubong naman sila ng daddy ni Greg, tuwang-tuwa ito pagkatapos ay kinamayan pa sila. Nagbeso ang mommy ni Greg kay Heaven pero kitang-kita na seryoso ang mukha nito at pilit lang na nangiti sa dalaga.

"Greg, natatakot talaga ako sa mommy mo. Iba kung tumingin eh, ano bang ginawa ko at ganoon siya sa akin?" bulong ni Heaven

"Don't worry. Kakausapin ko siya mamaya okay? For now ay umupo na tayo sa dining kasi for sure eh kanina pa tayo hinihintay ng pagkain," sabi ni Greg

"Grabe dito sa inyo ano? Ang aga niyong mag-lunch eh sa amin hapon na eh," sabi ni Heaven

Tumingin siya sa paligid at talaga namang napaka-laki ng bahay nina Greg compared sa bahay nila. Simple lang kasi sila pero iyong kina Greg ay elegante.

Umupo na silang apat sa hapagkainan at doon ay hinanap na ni Greg ang nakakabata niyang kapatid na si Giru. Dati kasi ay nauuna pa ang kapatid niya sa pag-upo doon pero parang ngayon eh biglang nowhere to be found na ito.

"Mommy, nasaan po si Giru? Sayang, ipapakilala ko pa naman ang Ate Heaven niya sa kanya," sabi ni Greg

"Ay, wala eh. Nasa ka-klase niya dahil may assignment daw sila, mamaya ay nandito na iyon. Maaabutan niyo pa kung mga hapon pa siya uuwi," sabi ng mommy ni Greg

"Ano? Hihintayin pa ba natin si Giru o huwag na?" tanong niyang pabulong kay Heaven

"Ah eh, we will see. Mabilis naman ang oras kaya okay na hintayin ko siya maya-maya," sabi ni Heaven

Hindi sumagot si Greg, bagkus ay ngumiti lang siya sa kanyang nobya pagkatapos ay pinisil niya ang kamay nito para ipaalala niyang nandito lang siya kahit na anong mangyari.

Dumating na ang mga maids na dala-dala ang pagkain nilang apat. May tig-iisang plato sila kung saan doon nakalagay ang ulam. May kanin, kaldereta at shanghai.

Pagkalapag ng maids sa lamesa ay kitang-kita naman sa mga mata ni Heaven na siya ay manghang-mangha dito dahil wala namang ganito sa kanila.

"Wow, pang-sosyal talaga ang bahay niyo ano. Grabe, hindi ko akalain na ganito pala dito," sabi ni Heaven ngunit mahina lang

"Bakit hija? Wala bang ganito sa inyo? Sabagay, simple ka nga lang pala. Malamang, wala talagang ganito sa inyo," sagot naman ng mommy ni Greg

"Ay sorry po. Narinig niyo po pala ang sinabi ko. Opo, simple lang po kami pero hindi po kami nang-aapak ng ibang tao," matapang na sagot naman ni Heaven

"Mommy naman kasi, huwag kang sumagot ng ganyan kay Heaven. Girlfriend iyan ng anak mo at bisita pa rin natin siya," sabi naman ng asawa nito

"Why? Sinagot ko lang naman ang sinabi niya. Narinig ko eh so I have to answer her," sagot naman ng mommy ni Greg

"Enough of that mom, kaya nga pumayag si Heaven na pumunta dito ay dahil akala namin ay tanggap niyo na siya. It turns out, hindi pa rin pala," sabi ni Greg

"Sorry about your mom, son. Oo nga pala, bago ko makalimutan eh sasabihin ko na nga pala sa inyo ang regalo ko," sabi ng daddy ni Greg

"Yup, what's about it dad? Kanina pa namin gusto malaman eh. Pati sa akin kasi ay hindi mo naman sinabi," sagot ni Greg

"Surprise nga eh. Fotr sure eh hindi mo pwedeng malaman iyon. Isa pa, alam ko na mag-eenjoy ka dito sa regalo ko," sabi ng daddy ni Greg

"So ano nga dad? Si Heaven oh, ang higpit na ng hawak sa kamay ko kasi sobrang tensed na niya dahil sa regalo mo," sabi naman ni Greg

"I booked the two of you a hotel in Tagaytay. You can spend your night there. Kung gusto niyo sa pasko para magkasama kayong sasalubungin iyon," sabi ng daddy ni Greg

Gulat na gulat naman silang tatlo dahil sa anunsyong iyon. Si Greg at Heaven ay sobrang saya dahil magkakaron na sila ng time together.

Habang ang mommy naman ni Greg ay inis na inis dahil sa desisyon ng kanyang asawa. Hindi kasi nito pinaalam iyon sa kanya.

"Dad, bakit naman? Bakit mo naman sila binigyan ng Christmas vacation? Hindi ka naman ganyan kay Angel ano," sabi ng mommy ni Greg

"Mommy, ano ka ba? Magka-iba naman si Angel at Heaven. Nakakahiya ka, mahiya ka naman sa anak mo,"

Ngumiti si Heaven at tumayo. Pinipilit niyang di umiyak sa harapan nila. Kaya nagpaalam muna siya kung pwedeng umihi muna.

"Nasaan ang comfort room niyo? Saglit lang, iihi lang ako." sabi ni Heaven

Tumayo din si Greg para samahan si Heaven sa comfort room at para kausapin na din ang kanyang nobya. Alam niya kasing sobrang nasasaktan ito sa mga narinig kanina.

"Samahan na kita. Baka mawala ka pa eh,"

"Oo nga, baka mawala ako dahil ang laki nitong bahay niyo eh," sagot ni Heaven pagkatapos ay pilit siyang tumawa

Agad na tumakbo si Heaven sa comfort room at saka sinira ang pinto. Doon ay nagsimula na siyang umiyak. Ang hindi niya alam, nandoon si Greg. Nakikinig sa kanya.

"Pagod na pagod na ako Angel! Bakit ba lagi na lang akong talo sayo? Wala ka na, ako na ang girlfriend niya pero nakikipagkumpetensya pa din ako sayo! Hindi kita mapantayan, lagi lang akong pangalawa," sigaw ni Heaven doon sa comfort room

"Heaven, buksan mo naman ito. Mag-usap tayo, ipapaliwanag ko ang lahat sa iyo," sabi ni Greg

Nagulat si Heaven dahil narinig niya si Greg. Na-realize niya na hindi pala ito umalis doon pero ayaw pa din niyang pagbuksan ang kanyang nobyo.

"Huwag na, bumalik ka na doon. Baka hinahanap ka na nila doon. Okay lang ako dito, patapos na ako." sabi ni Heaven pagkatapos ay pinunasan niya ang kanyang mga luha

"No, hindi nila ako kailangan doon. Ikaw, kailangan mo ako. Kaya dito lang ako," sabi ni Greg

Ilang minuto pang hindi binuksan ni Heaven iyon, hinihintay niyang makaalis si Greg. Noong wala na siyang marinig, binuksan na niya ang pintuan.

Ang hindi niya alam, nandoon si Greg. Walang anu-ano ay niyakap na lang ni Heaven ang kanyang kasintahan dahil alam naman niyang iyon ang kailangan niya sa ngayon.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon