Chapter 32

170 26 3
                                    

After a month..

Nadalaw pa rin sila Greg at Heaven sa puntod ng mga ex-partners nila pero hindi na ganoon kadalas. They have to move on from the past pero syempre, hindi basta-basta iyon.

"Are you ready for tonight? Pupunta tayong Plaza de Musika ngayon, remember?" sabi ni Greg

"Yup! I know, nasa reminders ko iyan sa phone kaya hindi ko makakalimutan. See you later!" sagot ni Heaven pagkatapos ay binaba na ang kanyang cellphone

Nasa office pa kasi siya at sobrang busy nila ni Hunter kaya kahit gusto na niyang umuwi agad para makapaghanda mamayang gabi ay hindi niya magawa.

"Uy, sobra naman yata ang ngiti mo dyan! Ayos ka lang ba? Naku, sana ako din inlove katulad mo," sabi ni Hunter

"Loko ka talaga, lalabas lang kami ni Greg mamaya kasi gusto namin puntahan iyong Plaza de Musika," sagot ni Heaven

"Ah, oo. Iyong madaming food stalls tapos may bandang tutugtog tuwing gabi? Alam ko iyon ah, pwede ba akong sumama?" sabi ni Hunter

"Saka na, para sa amin muna itong gabing ito please? Hayaan mo, may Kio ka naman na, girl!" sabi ni Heaven

"Haynaku, sige na nga. Doon na  ako sa Sounds Of Your Heart kung saan natugtog si Papa Kio!" sabi naman ni Hunter

Halos two weeks na kasi silang nag-tetext at nagkikita ni Kio. Hindi malaman ni Hunter kung nanliligaw na ba ito sa kanya o ano. Well, ang importante naman sa kanya eh may nakamusta sa kanya lagi.

Pagsapit ng 7PM ay excited na sinundo ni Greg si Heaven. Ngayon na lang uli sila lalabas ng kanyang girlfriend. Isang buwan din silang nagpaka-busy para kahit papaano eh makamove-on sila sa mga nangyari.

"Hey! Mukhang hindi lang ako ang excited ngayong gabi ah? Bihis ka na agad," sabi ni Greg

"Syempre, I won't be late for this!" sagot naman ni Heaven

"Oo nga pala, hindi natugtog ang mga bands na gusto mo doon sa Plaza de Musika, ha? Mga bagong banda ang naroon," sabi ni Greg

"Yup! Okay lang, gusto ko nga iyon eh. All new, para na din may madagdag ako sa playlist ko. For sure, magagaling din ang mga banda na tutugtog mamaya doon," sabi ni Heaven

Ngumiti naman si Greg at binigay na kay Heaven ang dalawang tickets. Nandoon ang listahan ng mga magpe-perform sa Plaza de Musika.

Anna's Playlist
Banda Ni Machineman
Sistema
Carb
Infidel

"Alright, ang iba dito ay narinig ko na ang band name pero hindi ko pa napapakinggan ang kanta nila. Ayos! This will be exciting," sabi ni Heaven

"Iyon naman pala eh, let's go na at baka mahuli pa tayo. Anna's Playlist pa naman ang unang tutugtog eh sabi ni Kio sa akin eh magagaling daw iyon," sabi ni Greg

"Anna's Playlist? I think I heard of them before. Hindi ko lang maalala kung saan. Oh well, sa dami ba naman ng banda na alam ko, baka napakinggan ko na sila before." sagot naman ni Heaven

Pagdating nila Greg at Heaven sa Plaza de Musika ay rinig na agad ang ingay mga tao. Madami kasing food stalls doon, habang nasa gitna naman ang stage kung saan nag-aayos na ang bandang Anna's Playlist.

Umupo na si Heaven habang si Greg naman ay bumili ng kanilang makakain. Parang may kakaibang saya na bumalot kay Heaven noong nakita niya ang banda.

Ilang minuto pa ay naaninag niya ang drummer ng Anna's Playlist. He's familiar, hindi nga lang alam ni Heaven kung saan.

Ilang minuto pa ay lumapit na nga ang drummer sa kanya. Tinawag siya nito sa kanyang pangalan at doon na siya nagtaka. Tiningnan niyang mabuti kung sino ito dahil hindi niya maaninag dahil sa mga ilaw na nandoon.

"Heaven! Long time no see ah, kilala mo pa ba ako?" sabi noong drummer

"Excuse me, sino ka po? I'm sorry. You're familiar pero hindi ko na maalala kung saan kita huling nakita," sagot naman ni Heaven

"Iba na talaga kapag na-gwapo ano? Ako 'to, si Timothy! Remember? Ka-klase mo noong highschool. Siguro'y ganoon talaga, madami na ang nagbago. Ang tagal na noon eh," sabi ni Timothy

"Oh, kaya pala familiar ka sa akin. Kilala ko na, naalala ko na. Kamusta ka pala? Ibang klase ka na ah, may banda ka na!" sagot naman ni Heaven

"Alam mo naman tayo noon, mahilig na sa mga banda at instrumento kaya ito. Tinuloy ko na," sagot naman ni Timothy

Dahil wala pa si Greg ay tumabi muna sa upuan ni Heaven si Timothy. Hindi pa din naman nag-uumpisa ang pagtugtog ng banda niya kaya naisipan niya munang makipag-kwentuhan sa dati niyang ka-klase.

"Alam mo, kung maalam lang ako noon pa edi sana kabanda mo pa ako ngayon. Wala eh, hindi ako natuto kaya ito ang ginagawa ko. Makikinig na lang sa inyo, susuporta na lang sa mga bandang napapakinggan ko," sabi ni Heaven

"Madali lang tumugtog, gusto mo turuan pa kita eh. Anytime! Game ako," sagot ni Timothy

"Naku, huwag na. Nakakahiya eh, okay na ako na makitang ang dati kong ka-klase eh drummer na ngayon ng Anna's Playlist," sabi ni Heaven pagkatapos ay ngumiti kay Timothy

Ilang minuto pa silang nagkwentuhan tungkol sa highschool life nila noon nang biglang dumating na si Greg. Agad naman na nagtaka ang binata kung sino ang kasama ni Heaven. Ngayon lang kasi niya nakita ito.

"Babybubu, sino iyan? Bakit ka niya kinakausap?" tanong ni Greg, may selos sa tono ng kanyang boses

"Ah, ka-klase ko noong highschool! Siya pala ang drummer ng bandang Anna's Playlist kaya famliar sa akin ang bandang iyon," sabi ni Heaven

"Ah. Hello pare, kamusta ka na? Pasensya na kung ganoon ang tono ko kanina. Hindi naman kasi kita kilala. Well, nice to meet you bro! Manunuod kami ng tugtog niyo ha," sabi ni Greg

"Okay lang bro, naiintindihan ko naman. Aalis na din ako kasi tinatawag na ako ng vocalist namin. Magsisimula na kaming tumugtog," sabi ni Timothy

"Oh siya sige! Ako na ang bahalang mag-video sa inyo mamaya habang natugtog kayo. God bless you, kaya niyo iyan!" sabi naman ni Heaven

"Sige, salamat! See you later!" sagot ni Timothy

"Kuya Tim, halika na. Magsisimula na tayo," sabi noong vocalist nila

"Oo na, ito na nga! Tara! Tugtog na," sabi naman ni Timothy at pumunta na sa stage para ayusin ang drums

Masayang nakatingin lang si Heaven sa kanila. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone para i-video ang performance ng Anna's Playlist. Todo hiyaw pa siya para i-cheer ang banda ng kanyang highschool friend na si Timothy.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon