Chapter 15

215 38 16
                                    

After 2 weeks..

7:30 PM.

Dumating sa bahay ni Heaven si Greg. Dala-dala niya ang tickets ng Saving Shonie sa 8th District. Nagulat na lang si Heaven dahil sinabihan siya ng nanay niya na nasa dining area daw si Greg. Agad siyang napangiti dahil nakita niya si Greg.

"Bakit daw siya nandito, Mama? May sinabi ba sayo?" tanong ni Heaven

"Ha? Wala, hindi ko alam. Wala naman siyang sinabi sa akin, basta ang sabi magbihis ka na daw kasi aalis daw kayo." sagot naman ng nanay ni Heaven

Nagtaka tuloy si Heaven, saan na naman kaya siya dadalhin ni Greg ngayon? Well, kahit na nagtataka siya ay medyo excited din. The last time kasi na ginawa ni Greg iyon sa kanya, pumunta sila sa gig ng JLU.

Agad siyang naligo at nagbihis. Hindi din niya alam kung bakit ang saya niya noong nakita niya si Greg eh. Basta ang alam lang niya ngayon, kapag kasama niya si Greg ay sure siya na adventure na naman ito para sa kanilang dalawa.

"Huy, tara na! Ready na ako!" excited na sabi ni Heaven pagbaba mula sa kanyang kwarto

"Uy, mukhang happy ka ngayon ah? Bakit?" tanong ni Greg

Ano bang klaseng tanong iyan Greg? Masaya ako ngayon dahil nandito ka. Kailangan pa bang e-explain iyon?

"Wala, masama maging masaya? Gusto mo bang mainis na naman ako sa iyo?" sabi ni Heaven

"Nagtatanong lang naman eh, tara na nga. Baka mamaya niyan eh mainis ka nga nang tuluyan sa akin. Hindi pwede, may ibibigay ako sa iyo eh." sagot naman ni Greg

Napangiti na naman si Heaven, alam na niya iyon. May surpresa na naman sa kanya si Greg. Ano naman kayang banda ang papanuorin nila? O baka naman, isang mahalagang bagay ang ibibigay niya? Necklace? Singsing? Bracelet? Ano kaya?

"Ano naman ang ibibigay mo?" tanong ni Heaven

"Mamaya ko na sasabihin, sumama ka muna sa akin."

Nagpaalam na silang dalawa sa nanay ni Heaven. Kahit hindi siya boto kay Greg eh pinayagan na niya ito dahil nakita naman niyang masaya si Heaven. Ayaw niyang maging dahilan siya kung bakit malungkot ang anak niya.

"Oh, saan naman tayo ngayon?" excited na tanong ni Heaven

"Pupunta tayo ngayon sa 8th District." sabi ni Greg

Nagulat naman si Heaven dahil naalala niya ang nangyari sa kanila ni Save doon sa resto bar na iyon. Oo nga pala, hindi alam ni Greg na sumama siya kay Save two weeks ago. Ano na ang sasabihin niya ngayon? Ipapaalam ba niya na pumunta sila ng ex-boyfriend niya doon?

"Ha? Bakit naman tayo pupunta doon? Hindi ba pwedeng sa Songs Of Your Heart na lang tayo makinig ng mga banda? Mas maganda naman doon kaysa sa 8th District." sabi ni Heaven

"Hindi naman pwede, hindi naman doon ang gig ng Saving Shonie diba?" sabi ni Greg

Noon niya naalala na may gig nga pala ngayon ang Saving Shonie sa 8th District. Sobrang busy kasi niya sa office kaya nakalimutan na niya, pero alam niya iyon dahil updated naman siya lagi sa pinopost ni Nover Echon, ang vocalist ng Saving Shonie.

"Oo nga pala, sige. Tara na, bumili ka ba ng tickets para sa gig nila?" tanong ni Heaven

"Oo naman. 2 weeks ago pa. VIP ito kasi maaga akong bumili. Noong nasa mall tayo, bumili na ako. Sasabihin ko sana sa iyo noon kaso hindi naman kita makausap dahil nakita mo nga si Save sa mall." sabi ni Greg

"Naku, pasensya ka na sa akin noon. Hindi ko naman kasi akalain na makikita ko siya doon eh. Nagkatotoo ang sinabi mo na nandoon nga siya." sabi ni Heaven

"Enough of him. Huwag na natin siyang pag-usapan. Such a waste of time, mag-focus ka na lang dito kasi alam ko naman na gusto mo itong mapanuod." sabi ni Greg sabay ngiti kay Heaven

Ilang minuto pa ay nasa 8th District na sila. Kinakabahan si Heaven, paano kung nandoon sa loob si Save? Todo tingin tuloy sa paligid si Heaven, baka kasi magkaroon ng away kapag nandoon din si Save.

"Huy, ano ka ba? Hindi ka naman mapalagay, kaba ba iyan dahil excited kang makita ang Saving Shonie?" tanong ni Greg

"Ahh oo, kinakabahan ako kasi makikita ko na sila sa malapitan." sagot ni Heaven

"Hayaan mo, hindi lang naman iyon ang mangyayari." sabi ni Greg

"Ha? Anong hindi lang iyon ang mangyayari?" tanong ni Heaven

Nagulat na lang si Heaven dahil nandoon din sa event si Kio, nilapitan ito ni Greg dahil may sasabihin siya. Si Heaven naman, sunod lang nang sunod kay Greg. May kaba pa din siyang nararamdaman.

"Pare, nandyan na ba sila Nover? Para makita na ni Heaven." sabi ni Greg

"Oo, nag-aayos na pare. Deretso ka lang tapos may maliit na kwarto sa kaliwa, nandoon sila." sabi ni Kio

Ngumiti naman si Greg kay Heaven pagkatapos ay lumapit ito sa kanya para hilahin siya papunta doon sa kwarto. Gulat na gulat si Heaven sa ginawa ni Greg pero wala naman siyang magawa dahil sa higpit nang hawak ni Greg sa kanya.

"Uy, sandali! Ano, saan mo ako dadalhin ngayon? Akala ko ba--" hindi na natapos ni Heaven ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Greg sa kanya

"Matutuwa ka dito, sama ka na lang sa akin. Sige ka, kapag nag-umpisa na ang event at hindi natin ito nagawa, maiinis ka sa akin." sagot ni Greg

Nakita na lang ni Heaven na papasok sila sa isang maliit na kwarto, kung saan doon nagpa-practice ang Saving Shonie. Kumatok si Greg sa pintuan na nakabukas, doon na napatingin sina Nover at Vernard.

"Boss, kaibigan po kami ni Kio. Bale, gusto lang po kasi kayong makita nang malapitan nitong kasama ko. Pwede po ba?" tanong ni Greg

"Oo naman, pwedeng-pwede. Actually, nasabi na ni Kio sa amin iyan eh. Ikaw si Greg at siya si Heaven diba?" sabi ni Nover

"Opo, kami nga. " sabi ni Greg sabay lapit sa Saving Shonie kasama si Heaven

Doon na parang na-estatwa si Heaven, hindi niya akalain na mangyayari ito eh. Dati kasi, okay na siya na makita ang bandang Saving Shonie sa mga gigs nito kahit sa malayo lang. Pero ngayon, nasa harapan na niya tapos VIP pa siya mamaya. Gustuhin man niyang tumili doon sa kwarto ay hindi niya magawa dahil nakakahiya.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon