Chapter 1

2.9K 188 419
                                    


Nagising si Heaven dahil sa sikat ng araw sa kanyang kurtina. Nagulat na lang siya na naka-on pa pala ang kanyang music playlist at naka-earphones pa siya. Pupungas-pungas siyang tumayo para tingnan kung anong oras na. 

"Shit," sambit niya at agad na pumasok sa loob ng comfort room para maligo na 

Halos limang minuto lang siyang naligo. Wala na din siyang balak na kumain dahil sobrang late na din siya sa kanyang trabaho. 

"Oh anak, hindi ka man lang ba mag-uumagahan? Sabayan mo na ako," sabi ng nanay ni Heaven 

"Ma, sorry pero hindi muna kita masasabayan ngayon ha? Sobrang late na kasi ako sa trabaho. Pasensya na, babawi ako next time! Promise iyan," sagot ni Heaven sa kanyang ina pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi 

Humigop siya ng kape at kumuha ng isang perasong tinapay. Halos gulong-gulo pa din ang buhok niya dahil hindi na siya nakapag-ayos kamamadali. 

"Oh, isa na lang! Isa na lang! Kasya pa, kasya pa," sigaw ng barker ng jeep na sasakyan ni Heaven

Shit, mahuhuli na ako sa trabaho ko nito! Ano ba naman kasi iyan, hindi na kasya eh pagpipilitan pa. Parang sa pagmamahal lang iyan eh, hindi ka na mahal pero pinagsisiksikan mo pa din ang sarili mo sa taong di ka na mahal. 

"Kuya, matagal pa ba iyan? Late na late na ako sa trabaho ko eh. Hindi naman na kasya pero gustong-gustong mo pa ding punuin itong jeep. Haynaku naman," napabuntong hinga na lang si Heaven 

"Miss, kung hindi ka makapaghintay na mapuno itong jeep ay pwede namang sa ibang jeep ka sumakay. Madami pa naman na ibang jeep dyan," sagot noong barker ng jeep 

Dahil wala naman siyang magagawa ay hinintay niya na lang na mapuno yung jeep. Halos fifteen minutes din iyon kaya nakinig na lang siya ng Beautiful by James Blunt sa kanyang playlist.
Nagmamadaling bumaba si Heaven noong malapit na siya sa building ng kanyang workplace. 

Isang sakay na lang ng tricycle ay nandoon na siya. Bakit naman kasi can't afford pa niyang bumili ng sasakyan eh, nahihirapan tuloy siyang magcommute. Lalo na sa pag-uwi dahil sa matinding traffic.

Sa kamamadali nga niya eh hindi na niya namalayan na bukas na pala ang bag niya at nahulog na dito ang kanyang office ID.   

"Miss, miss! Yung ID mo," sabi ni Gregory pagkatapos ay tinangka niyang habulin si Heaven pero hindi na niya ito naabutan

Buti na lang ay nakita ito ni Gregory, pinulot niya ito at ibibigay na sana kay Heaven pero mabilis na nawala si Heaven sa kanyang paningin. Napailing-iling  na lang siyang tinago yung ID.
Inayos-ayos ni Heaven ang kanyang sarili bago pumasok sa opisina.

 Naglagay siya ng konting lipstick at nagpabango rin dahil ayaw naman niyang mangamoy siya sa opisina. Amoy usok na may kasamang pawis dahil sa struggle niya sa jeep kanina. 

"Good morning po Ma'am, paki-scan na lang po ang ID niyo," sabi ni Manong Guard kay Heaven 

Agad na binuklat ni Heaven ang bag niya. Nagulat na lang siya when she realized na bukas pala ang bag niya all along. Napapikit siya ng mariin dahil doon. 

"Naku, kanina pa pala bukas na bukas itong bag ko! Kamamadali mo ito, Heaven. Puyat pa!" sabi niya sa sarili 

"Ma'am, okay na po? Na-scan niyo na po ba ang ID niyo?" tanong ni Manong Guard sa kanya 

"Ah eh, hinahanap ko pa kuya. Wait ka lang, mabilis na ito," sagot niya 

Halos limang minuto na siyang naghahanap sa kanyang bag pero wala pa din siyang makita doon. Nagbubulungan na din ang iba pa niyang mga katrabaho dahil sa bagal niyang kumilos. 

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon