Chapter 28

175 29 3
                                    

Author's Note: Close by SkrappyKoko sa taas. Kindly listen to it and support them.

Kinagabihan, hinatid na ni Greg si Heaven sa Sounds Of Your Heart. Kasama nila si Hunter dahil wala naman daw itong gagawin sa bahay. Tuwang-tuwa siya dahil SkrappyKoko ang tutugtog ngayong gabi. Naisip ni Heaven na baka isa ito sa mga pakana ni Greg. Gustong-gusto kasi ng binata na buuin ang mga paborito niyang banda noon pa.

"Ikaw naman, talagang SkrappyKoko pa ang tutugtog ngayong gabi ah? Pinaghandaan mo na naman ang gabi na ito para sa akin," sabi ni Heaven

"Oo naman, maaga kong kinuha ang tickets nila para makapanuod tayo ngayon. Gusto ko kasi, bawat punta natin dito ay special para sa ating dalawa," sagot naman ni Greg

"Oops, teka lang. Tigilan niyo iyan ha? Nilalanggam na naman kayo eh, tigilan niyo iyan!" sabi ni Hunter

"Ay, may single nga pala tayong kasama. Naku, single na bitter pa." hirit ni Greg sabay tawa

"Excuse me, hindi naman talaga ako sasama eh. Kung may boyfriend lang sana ako ngayon eh siya ang kasama ko! Pasalamat pa nga kayo at sinamahan ko kayo dito eh," sagot ni Hunter

"Alam mo, para hindi ka maging forever single eh huwag ka kasing maging bitter sa lovelife ng iba. Ang pakla mo kasi eh," sagot ni Greg

"Loko ka talaga, pasalamat ka at mahal ka ng kaibigan ko. Isa pa, pogi ka kaya hindi ko kayang saktan iyang mukha mo, tara na at umupo ka na lang dito," sagot ni Hunter

"Naku, hindi na. Susunduin ko pa kasi yung taong makikipagkita sa atin eh," sagot ni Greg sabay ngiti doon sa dalawa

"Ha? Hindi ba pwedeng siya na lang ang pupunta dito? Malayo ba ang tirahan niya?" sabi ni Heaven

"Ah, hindi pwede eh. Malalaman mo din kung bakit hindi pwede kapag nakilala mo na siya. Okay? Alis muna ako, balik na lang ako mamaya ha? I love you," sabi ni Greg pagkatapos ay humalik siya sa pisngi ni Heaven

Kahit sobrang nagtataka si Heaven at Hunter sa kinikilos ni Greg ay wala naman silang magawa. I-enjoyin na lang nila ang bandang SkrappyKoko kaysa mag-isip. Maghihintay na lang sila, mabilis lang naman daw ang byahe sabi ni Greg.

Ilang minuto lang ang nakalipas noong umalis si Greg ay nagulat sina Heaven at Hunter dahil dumaan sa kanilang harapan si Kiev Dy, ang vocalist ng bandang SkrappyKoko. Gustong-gusto nilang tumili pero hindi nila magawa dahil sa sobrang daming tao. nakakahiya naman kung sisigaw sila.

"Oh my gosh, si Kiev Dy iyon hindi ba?! Gosh, ang gwapo naman pala noon. Girl, tawagin mo! Kahit lingon lang, okay na!" sabi ni Hunter

"Girl, hindi ko kaya. Nahihiya ako, ikaw na lang kaya?" sabi ni Heaven

"Ikaw na lang, ikaw naman ang ultimate fan niya at hindi ako. Remember?" sagot ni Hunter

Sinunod na lang ni Heaven ang sinabi ni Hunter, tinawag na nga nila si Kiev Dy pero hindi ito nalingon sa kanila. Medyo nalungkot si Heaven pero inisip niya na lang na sobrang daming tao kaya hindi siya narinig nito.

"Ay, totoo nga yung sabi sa kanila ano? Suplado nga yata at mayabang ang mga iyan kaya hindi namamansin," sabi ni Hunter

"Grabe ka naman, hindi mo ba nakita na sobrang daming tao? Baka kaya hindi tayo narinig, ang ingay din kaya dito ano," sabi ni Heaven

"Okay sabi mo eh, fan na fan ka kasi." sagot naman ni Hunter pagkatapos ay nakinig na lang sa emcee

"So hello guys, good evening! Maraming salamat nga pala sa pagpunta dito. Nandito nga pala ang SkrappyKoko ngayong gabi, sila ang magpeperform para sa inyong lahat," sabi noong emcee pagkatapos ay binigay na kay Kiev Dy ang mic

"Magandang gabi, guys! Maraming salamat sa pagpunta, kami nga pala ang bandang SkrappyKoko at ang unang kanta namin ay Close," sabi ni Kiev

High above beneath the ground
Raising to this amount of pain
You disregard the words i say
To you when you are leaving, when you are leaving

Todo sa pagsabay si Heaven sa kanta, habang si Hunter naman ay busy na nakatutok sa kanyang cellphone. Naghihintay kasi ito sa reply ng bago niyang prospect. Isa pa, nandito lang naman siya para samahan si Heaven at hindi para makinig sa bandang SkrappyKoko.

"Huy, makinig ka naman! Ang ganda kaya ng kanta nila. Palibhasa, hindi mo na-aappreciate mga kanta nila eh," sabi ni Heaven

"Huy, grabe ka naman! Na-aappreciate ko naman, kaso may ka-chat lang ako dito. Alam mo na, bagong boyfriend," sabi ni Hunter pagkatapos ay pangiti-ngiti pa

"Ikaw talaga, dito ka na lang kaya maghanap ng boylet ano?" sabi naman ni Heaven

"Tss, as if naman na may magkagusto sa akin dito. Wala nga yatang gwapo dito eh," sagot ni Hunter

Hindi na sumagot si Heaven, sa halip ay nakinig na lang siya sa kanta ng SkrappyKoko. Minsan lang kasi ang opportunity kaya grab na hanggang may chance. Tutal, wala pa naman si Greg eh.

Don't mind the failures you've been through
Do think of things you have to prove
We'll get you through this
If you'll let me to help you
Let me help you

Forget the things that break you down
Those fails are lessons you have learned.
I'll get you through this
If you let me to help you

Sa mga linyang iyon, naalala niya si Greg. Noong hindi pa kasi sila ay lagi lang itong nasa tabi niya. Para makalimutan ang lahat ng sakit, para makalimutan si Save. Truly enough, naging sila na nga ni Greg at okay na okay na sila.

Tapos na ang unang kanta ng SkrappyKoko ay wala pa din si Greg.Kaya todo text na si Heaven sa kanya, panay na rin ang tanong ni Heaven kay Hunter tungkol sa boyfriend niya.

"Ano ba yan, tapos na ang unang kanta ay wala pa din sila. Ano na kaya ang nangyari doon? Tinatawagan ko naman, hindi nasagot." sabi ni Heaven

"Eh baka na-traffic lang, hayaan mo na. Maya-maya ay nandito na iyon. Huwag ka nga, masyado mo namang nami-miss ka-agad ang boyfriend mo," sabi ni Hunter

"Syempre, nag-aalala na ako ano,"sabi ni Heaven

Ilang minuto lang ang nakalipas noong sinasabi niya iyon ay may nagsalita na sa likod niya. Nakita niya si Greg, kasama ang isang babaeng naka-upo sa wheelchair at may hospital mask ito.

"Nandito na kami, sorry we're late," sabi ni Greg

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon