Chapter 8

354 67 59
                                    

Dumaan ang tatlong araw simula noong iniwan ni Hunter sina Heaven at Greg sa kanyang condo. Ngayong Tuesday lang pumasok si Heaven dahil may sakit pa nga siya. Kahit medyo inuubo at nahihilo eh pumasok na siya.

10 o'clock ng umaga nang biglang may tumawag na guard kay Heaven at sinasabing may naghahanap daw sa kanya. Pinuntahan naman niya iyon at gulat na gulat siyang makita sina Greg at Save sa labas ng opisina nila.

"Oh, bakit kayo nandito? Agang-aga, iinisin niyo ko. For your information, kagagaling ko lang sa sakit kaya wala akong panahon na makipaglokohan sa inyo. Okay?" paalis na sana siya nang biglang nagsalita si Greg

"Sabi kasi ni Hunter sa akin na okay ka na daw kaya nagbalak na akong pumunta dito. Hindi ko naman akalain na may alien pala na dadating dito ngayon," sabi ni Greg sabay tingin kay Save

Dahil sa nalaman ni Heaven na si Hunter pala ang nagsabi kay Greg na nakabalik na siya sa trabaho eh tiningnan niya ito ng masama. Nag-peace sign si bakla at bumulong ng sorry kay Heaven.

"Ah, pinuntahan lang naman kita dito kasi gusto ko sanang mag-sorry sa ginawa ko sa resto bar. Hindi ko alam na nagkasakit ka, at hindi ko din alam na may bisita ka pala na giraffe dito sa office," sagot naman ni Save

"Ewan ko sa inyo, hindi muna ako tatanggap ng kung ano mula sa inyo. Okay? Nakaka-stress lang kayo eh, baka mamaya niyan eh mag-away na naman kayo sa harapan ko," sabi ni Heaven

"Paano naman kasi, mukhang may balak ka na palitan na ako sa buhay mo. Hindi ba't sabi ko give me a chance? Paano naman tayo? Magbabago naman ako eh, please?" sabi ni Save pagkatapos ay lumuhod sa harapan ni Heaven habang hawak-hawak niya ang flowers at bulaklak

"Pare, mukha kang ewan dyan. Tumayo ka nga, hindi ka na nga gusto hindi ba? Kaya nga nandito na ako eh, kasi nag-entertain na siya ng bagong manliligaw. Ako iyon!" sabi ni Greg

"Nanliligaw ka pa lang, ako sinagot na. Inaayos na lang namin ang relasyon namin kasi may hindi kami pagkakaunawaan pero magiging kami ulit," sabi ni Save

"Uy, hindi ko alam iyon ah. Ang alam ko kasi, wala na talaga kayo at kahit kailan ay-" hindi na natapos ni Greg ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Heaven

"Tigilan niyo na ako! Ayaw ko muna kayong makita! Lumayas na kayo dito bago pa ako mawalan ng trabaho!" sabi ni Heaven

Kinuha niya ang bulaklak at chocolates na dala-dala noong dalawa at sinira niya ito habang tinapon naman niyq sa basurahan ang chocolates. Gulat na gulat naman yung tatlo dahil sa ginawa ni Heaven.

"Okay na ba sa inyo iyan? Sinira ko na ang mga pinamigay niyo sa akin. May dahilan pa ba kayo para puntahan pa ako dito?" pagtataray ni Heaven sa kanila

"Wala na, sige na aalis na ako. Sorry sa pagbisita ko," sabi ni Greg at tumalikod na para umalis

"Wait lang, huwag mo naman akong talikuran Heaven! Kahit na sinira mo na ang ibibigay ko dapat sa iyo, nandito pa rin ako. Gusto ko lang namang mag-sorry-" hindi na natapos ni Save ang sasabihin niya dahil pumasok na ng opisina si Heaven at Hunter

"Sir, bawal na po kayo dito. Kung gusto niyo pong maka-usap ulit si Miss Heaven, pwede po after work hours. Basta po, huwag niyo lang guluhin si Miss Heaven sa trabaho," sabi noong guard nila sa opisina

Walang nagawa si Save kundi titigan ang opisina ni Heaven hanggang sa papalayo siya nang papalayo. Hindi na nga niya halos matanaw si Heaven at si Hunter.

"Huy, bakit mo naman pinagtulukan yung dalawa ha? Ang haba-haba na nga nung hair mo dzai, pinutol mo pa! Haynaku naman! Sayang kaya, kung ako iyon-hindi na natapos ni Hunter ang kanyang sasabihin dahil nagsalita na si Heaven

"At bakit mo naman sinabi kay Greg na nandito na ako ulit? Diba sabi ko nga, ayaw ko siyang makita muna? Hindi mo kasi naiintindihan eh," sabi ni Heaven

"Oo nga, ipaintindi mo kasi sa akin kung bakit ayaw mo siyang makita. Si Save maiintindihan ko pa, pero si Greg? Diba plano niyo nga na pagselosin si Save? Anong nangyari?" sabi ni Hunter

"Hindi ko alam bakla, basta ang alam ko lang sa ngayon eh ayaw ko muna silang makita. Sila ang nagbibigay stress sa akin," sabi ni Heaven pagkatapos ay bumalik na ulit sa kanilang working station

Sa totoo niyan, kaya ayaw na ni Heaven na makita si Greg dahil labis ang pagkahiya niya dito dahil sa pag-aalaga nito noong may sakit siya. Alam niyang mas mabuti ang magpasalamat pero mas pinagana niya ang pagiging mataray niya.

Pagdaan ng ilang oras, tapos na naman ang trabaho nila. Medyo nabibiro na ni Hunter si Heaven at mukhang nakalimutan nitong may tampo siya kay bakla.

"Oh, uwi na ako ah. Sorry ulit doon sa kanina. Hindi na mauulit iyon, akala ko naman kasi talaga eh sasaya ka dahil sa bibisita si Greg, hindi naman pala," sabi ni Hunter

"Ah, hayaan mo na iyon. Basta huwag na lang uulitin ha? Masasabunutan na talaga kita next time," biro ni Heaven kay Hunter pagkatapos ay nagbeso-beso sila

Pag-uwi ay diretso agad si Heaven sa kanyang kwarto. Yung kwarto niya ay puno ng mga music artists at kung sinu-sino pang banda. Hindi mo talaga mapagkakaila na mahilig si Heaven sa music.

Ang hindi alam ni Heaven ay nakasunod sa bahay nila si Greg. Nakita nito ang kwarto ni Heaven sa pamamagitan ng ilaw mula sa kwarto at ang bintana kung saan kita mo yung tao sa loob.

Napangiti si Greg dahil doon, agad siyang bumalik sa bahay nila at chineck ang I-Face account ni Heaven. Nakita niya ang napakadaming music artists at iba't ibang banda na hilig ng dalaga.

Isa sa mga nakalista doon ang Jobless United o ang JLU. Nung nakita niya iyon ay agad siyang nagka-idea. Ang JLU kasi ay tutugtog sa Songs Of Your Heart kaya agad niyang tinawagan si Kio.

"Pare, kilala mo ba ang JLU? Hindi ba't kaibigan mo iyon? At saka, may gig din sila sa SOYH diba? Next week, tama ba?" sabi ni Greg

"Oo, kilala ko sila. Bakit? Manunuod ka ba next week ng gig nila sa SOYH?" tanong ni Kio

"Oo manunuod ako. Kasama ko si Heaven kaya ipagtabi mo na ako ng dalawang tickets para sa amin. At saka, kung pwede lang na ma-meet ni Heaven si RK at ang buong banda. Pupunta kami habang nagre-rehearse pa lang sila," sabi ni Greg

"Naku, mukhang iba na yata ang tama mo sa kaibigan nating si Heaven ah. Anong meron? May hindi ba ako alam tungkol sa inyong dalawa?" sabi ni Kio

"Naku, nagalit lang sa akin kaya sinusuyo ko sa pamamagitan nito. Baka maging maayos kami," sabi ni Greg

"Mukhang LQ pa kayo ah! Sige, tutulungan kita dyan sa problema mo kay Heaven. Ako na ang bahala sa tickets niyo for next week," sabi ni Kio

"Sige, pare. Salamat, see you next week," sabi ni Greg pagkatapos ay pinatay niya na ang tawag.

Hindi man niya alam kung bakit biglang nagalit sa kanya si Heaven ay gagawa pa din siya ng paraan para mawala iyon. Sana nga lang ay gumana.


The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon