Chapter 48

137 24 5
                                    

Author's Note: Parallel Wings by Anna's Playlist sa taas. Thank you so much. Support natin sila!

After 1 week..

Pagkatapos ng awayan nila sa ospital ay hindi pa ulit nag-uusap sina Greg at Heaven. Pinatay din ng dalaga ang cellphone niya para hindi siya maabala ni Greg.

"Anak, kausapin mo naman si Greg. Hindi mo naman pwedeng basta bitawan na lang siya," sabi ng Mama ni Heaven

"Iyan na naman po kayo eh. Katulad din ito kay Save noon. Pinipilit niyo akong kausapin sila kahit ayaw ko na," sabi ni Heaven

"Eh anak, iba naman ito eh. Mapapangasawa mo na siya. Hindi naman dahil lang sa isang pagkakamali ni Greg ay iiwan mo na siya agad," sagot naman ng Mama ni Heaven

"Iba naman po ang sitwasyon ngayon. Anak ko na po ang usapan kaya galit na galit ako sa kanya," sagot ni Heaven

"Hindi lang ikaw ang nawalan ng anak. Hindi ba't dapat ay magtulungan kayong mag-move on sa nangyari? Hindi eh, iniwan mo siya sa ere," sabi ng Mama ni Heaven

Doon natamaan si Heaven. Totoo naman ang sinabi ng kanyang ina. Dapat nga yata ay magtulungan sila ni Greg na malagpasan ito.

Hindi na nakapagsalita si Heaven. Tahimik na lang siyang nakatingin sa labas ng bahay nila, hinihintay na baka puntahan siya ni Greg.

Ilang minuto pa ay may dumating na kotse sa tapat ng bahay nila. Bago ito kaya hindi agad makilala ni Heaven kung sino ang may ari.

Agad na niluwa ng bagong kotseng iyon si Hunter. Mapait na nakangiti ito sa kaibigang si Heaven. Hindi rin kasi siya nakapunta sa ospital last week.

"Uy girl, bago na pala ang kotse mo? Kailan mo binili?" tanong ni Heavenn

"Tigilan mo ako sa tanong na iyan. Kailangan nating mag-usap," sabi ni Hunter

"Ay, alam mo na pala? Ang bilis namang makarating ng balita sa iyo," sabi ni Heaven

"May ibong nagsabi sa akin kaya kahit na malayo ako ay alam ko ang nangyari sa iyo. Ay, good morning po pala tita. Kakausapin ko lang po itong luka-luka kong kaibigan ha," sabi ni Hunter

"Ay sige nga. Kumbinsihin mong balikan na si Greg. Sobrang stressed na silang dalawa sa nangyayari,"sagot naman ng Mama ni Heaven

"Don't worry tita, kapag nakausap ko na ito at nasampal ko na sa katotohanan ay mag-iiba na ang pananaw nitong babaeng ito," sagot ni Hunter

"Sige ha. Magpapahinga lang ako sa taas. Ikaw na ang bahalang makipag-usap dyan. Ayaw makinig sa akin eh," sabi ng Mama ni Heaven pagkatapos ay pumanik na sa taas

"So ano na girl? Anong drama mo na naman? Bakit ganoon ang nangyari?" tanong ni Hunter

"Eh kasi nagalit ako sa kanya dahil nagsinungaling siya tungkol sa anak namin. Nasabi ko na ayaw ko nang magpakasal sa kanya dahil sa nangyari," sabi ni Heaven

"Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari. Masakit naman para sa lahat pero hindi mo ba naisip na baka isa lang ito sa pagdadaanan niyo as a couple?" sagot ni Hunter

"Hindi ko na naisip iyan dahil sa galit ko. Alam mo iyon? Gustong-gusto mong maging nanay pero wala ka nang magagawa dahil kinuha na agad ni Lord sa iyo ang anak mo," sabi ni Heaven

"Eh baka may dahilan si Lord. Hindi mo man makita ngayon eh sa darating na panahon malalaman mo din iyon," sabi ni Hunter

"Siguro, kung hindi ako nagpagod ay nandito pa ang anak ko. Kasalanan ko din siguro kung bakit siya nawala sa amin ni Greg," sabi ni Heaven

Lumapit na si Hunter sa kaibigan dahil nakita nitong naiyak na si Heaven. Agad niyang pinunasan ang mga luha ni Heaven bago siya nagsalita.

"Huwag mo na sisihin pa ang sarili mo ha? Walang may gusto ng nangyari. Baka sadyang hindi ka pa handa kaya kinuha muna sa iyo si baby," sabi ni Hunter

"Hmm, baka nga. Maniniwala na lang ako Sa Kanya na baka may ibigay pa siya sa aking mas maganda. Hindi nga siguro para sa akin iyong bata," sabi ni Heaven

"Iyan, positive ka na ah? Huwag na iiyak ang mahal kong kaibigan. So, patatawarin mo na ba si Papa Greg niyan? Kakausapin mo na ba?" sagot ni Hunter

"Dapat pa bang kausapin? Nakakahiya na eh. Baka hindi na ako tanggapin noon. Wait, nakakausap mo pa ba iyon?" sagot ni Heaven

"Oo. Sa akin siya nag-open noon. Ano ka ba naman? Parang hindi mo kilala si Greg ah. Ikaw lang naman ang mahal noon," sabi ni Hunter

"Hindi kaya nagalit iyon sa akin dahil sa pagtaboy ko sa kanya? Natatakot na tuloy ako dahil sa ginawa ko," sabi ni Heaven

"Hindi ka naman kayang tiisin noon dahil mahal na mahal ka kaya noon. Ay, what if puntahan kaya natin siya sa kanila?" sabi ni Hunter

"Sige. Eh kanino ba kasi iyang bago mong kotse? Na-ospital lang ako eh naiba na ang kotse mo," sabi ni Heaven

"Ano ka ba kay Kio iyan. Busy ka na kasi sa baby mo noon kaya hindi mo na alam ang happenings sa buhay ko," sabi ni Hunter

"Ay bongga. Kayo na? Haynaku ang dami ko nang hindi alam," sabi ni Heaven pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kotse

"Oo kami na. Mag one month na girl. Sige nga buksan natin ang radyo dito para malibang naman tayo papunta kina Greg.

Pagbukas ng radyo ay agad na tumugtog ang kantang Parallel Wings by Anna's Playlist.

Do you really care?
About the storm in my eyes
Do you really feel?
The most painful time in my life

Do you really care?
If my dreams are gone
Who will listen
To my story when I'm done

I just need someone like you
Yes “You”
I want you
And only you

Are you going to save me?
My parallel wings can’t fly
And the necklace of hope
It kills me up inside
So push me up
Don’t pull me down
Please take me to the higher ground
And if one dream would fall
I’ll make sure that I'd prove it all

Dream stealers
Pleasing my whole life
Falling slowly
Closer to the fire

Wake me up
Feels like I'm so far down
Above the clouds
Where no one is around

I just need someone like you
Yes “You”
I want You
And only You

Noong marinig iyon ni Heaven ay alam niyang si Lord nga ang kailangan niya para malagpasan ang lahat. Mahirap pero kakayanin basta may gabay ng Diyos.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon