Chapter 33

151 25 3
                                    

 Author's Note: Pahina by Anna's Playlist attached above. Support natin sila. Maraming salamat! You can listen to the song habang binabasa ang chapter na ito. Hehe

Nag-umpisa nang tumugtog ang Anna's Playlist. Nagsalita na si Jay Ar, ang vocalist ng banda. Rinig na rinig naman ang mga hiyawan ng tao sa Plaza de Musika.

"Kami nga po pala ang bandang Anna's Playlist. Kinagagalak po namin na kayo ay matugtugan! Ang una pong kanta namin ay Pahina. Original composition po namin ito. Para sa mga lovers na nag-aaway pero hinding-hindi maghihiwalay," sabi ni Jay Ar

"Narinig mo iyon? Tayo iyon eh, mag-aaway pero hindi maghihiwalay diba? Forever na tayo," sabi ni Greg

"Haynaku, binobola mo na naman ako ah. Forever ka dyan, kumain na nga lang tayo habang nakikinig," sabi ni Heaven

Pinatong ni Heaven ang kanyang cellphone sa table habang nakatapat pa din ito sa Anna's Playlist para kahit nakain sila ay na-vivideohan pa din niya ang performance nila.

"May mga kilala ba kayong  laging hinahalungkat ang nakaraan? Yung basa nang basa ng mga old messages sa ex-partner ninyo at doon na nagsisimula ang away? Para sa inyo ito!" sabi ulit ni Jay Ar

Doon naman nagsimulang maghiyawan ang mga tao, malamang ay madaming nakaka-relate dito. Mostly kasi ng couples ngayon ay iyon na ang pinagmumulan ng away. Lalo na sa mga babae, wala namang problema pero pinapalala lang nila ang sitwasyon kung minsan.

Sa hindi inaasahan
Ay iyong nabuksan
Ang mga lumang pahina
Nang aking nakaraan

Ayoko na sanang balikan
Pero ikaw ay sasamahan
At ng iyong maunawaan
Kung paano ako pinaglaruan

"Naalala ko tuloy iyong mga oras na todo selos ako kay Save noon. Tinitingnan ko sa cellphone mo kung nagcha-chat pa ba siya sa iyo sa I-Face o hindi na.  Syempre, hindi mo alam iyon kasi patago kong ginagawa iyon," sabi ni Greg sabay tawa 

"Hayaan mo na, guilty din naman ako eh. Dati, noong lagi mong pinupuntahan si Angel para bantayan siya eh sinusundan kita. Nagseselos din ako noon pero hindi ko pinapakita," sagot naman ni Heaven

"Naku, halata ko kaya iyon. Inis na inis ang mukha mo kapag nabisita ako sa bahay niyo after ko alagaan si Angel. Inintindi na lang kita kasi mahal kita eh," sagot naman ni Greg

"Talaga? Halata pala. Eh bakit hindi mo sinabi sa akin? Umarte pa sana ako ng bongga para di mo gaanong halata," sagot naman ni Heaven

"Jolly ka kapag hindi ako napunta kay Angel pero kapag doon ako galing sa kanya eh tahimik ka bigla," sagot naman ni Greg

"Eh, hayaan mo na iyon. At least, bago namatay si Angel eh nalaman ko ang katotohanan sa inyong nakaraan," sagot ni Heaven pagkatapos ay ngumiti kay Greg

Yakapin mo ako
Hanggang sa huling pahina
Ng buhay ko
Magunaw man ang mundo
Ikaw ang pipiliin ko

"Kanta na nagsabi para sa akin ah, piliin mo daw ako. Okay? Wala nang bawian, hindi na tayo mag-iiwanan," sabi ni Greg

"Kahit anong mangyari, hindi na natin bibitawan ang isa't isa. Lalo pang lalakas, lalong titibay," sagot ni Heaven

"Aha! Nirecord ko iyang sinabi mo, wala nang bawian. Kapag hiniwalayan mo ako, ipe-play ko ito hanggang sa maniwala ka ulit sa walang hanggang pagmamahalan natin!" sabi ni Greg sabay pakita ng cellphone niyang nakatago pala kanina pa

"Napaka-daya mo! Bakit hindi mo sinabi na nagre-record ka pala? Edi sana, nag-record din ako," sagot ni Heaven

"Aba, mahirap na. Kapag sinabi kong naka-record ka, may chance na ibahin mo ang sasabihin mo. Isa pa, hindi mo naman magagamit ang cellphone mo kasi nire-record mo ang performance ni Timothy," sagot naman ni Greg

"Aha, selos ka kay Timothy kanina ano?" tanong ni Heaven

"Hindi ah, nagtanong lang naman ako kung sino siya eh. Masama na ba iyon?" sabi naman ni Greg

Pilasin ang nakaraan
Huwag na nating balikan
Mga lumang pahina
Bahagi ng nakaraan

"Sabi sa iyo, kanta na rin ang nagsabi na huwag na natin balikan ang nakaraan. Tama nga lang na hindi na tayo pumunta sa Sounds Of Your Heart," sabi ni Heaven

"Pwede nating hindi balikan, pero hindi naman natin iyon makakalimutan. At some point, iyon din ang bumuo sa atin noon eh. Diba?" sabi naman ni Greg

"Yup, but we have  to tell ourselves na nagbabago tayo. Lagi tayong may matatagpuang bago. Tingnan mo itong Anna's Playlist, wala ito sa mga list of bands na gusto ko pero ngayon habang iniintindi ko ang bawat lyric sa  kanta ay nagugustuhan ko na sila," sagot naman ni Heaven

"Eh? Nagustuhan mo lang siguro sila kasi nandoon ang highschool friend mong si Timothy. Naku," sabi pa ni Greg

"Grabe ha, ramdam na ramdam ko ang pagseselos mo sa kaibigan ko. Iba ka din rh ano?" sabi ni Heaven

"Joke lang, sige na nga kumain na lang tayo. Baka pag-awayan pa natin mamaya iyang kaibigan mo from highschool," sabi ni Greg sabay tawa

Huwag ka ng mag alala
Hindi ako mawawala
Sa ating huling pahina
Ikaw lang aking sinta

Dahil sa huling stanza na iyon ay naghiyawan ang mga tao. Kilig na kilig ang iba at tinitingnan ang kanilang partner sa buhay. Isa sa mga gumawa noon ay si Greg at Heaven. 

"Ikaw na ang huling pahina ko," sabi ni Greg

"Eh! Kung anu-ano na naman ang paandar mo. Ginamit mo pa ang kanta nila ah," sabi ni Heaven

"Aba, eh ang ganda kaya noong kanta nila. Relate na relate ako! Bakit ba?! Ikaw na nga ang sinabihan dyan eh. Ayaw mo pa?" sabi ni Greg

"Baliw ka, I love you too!" sagot ni Heaven

"Iyan, ganyan dapat! I love you! Promise ko sa iyo, ikaw na ang huling pahina ko," sagot ni Greg

Pagkatapos noon ay nagsalita ulit si Jay Ar para ipakilala naman ang kanilang susunod na kanta. Dahil nga maraming naka-relate doon sa Pahina eh excited ang lahat dahil for sure ay maganda din ang susunod. Marami na naman ang makaka-relate dito.

"Our next song is Walang Tayo, ito ay para sa mga taong nagpapasalamat sa mga mahal nila. Kung hindi nga siguro kayo nagkakilala ay walang kayo," sabi ni Jay Ar

Naghiyawan ulit ang lahat. Lalo na ang mga inlove at doon sa mga nagliligawan pa lang. Doon napagtanto nina Greg at Heaven na para nga sa kanila ang gabing ito. Nangungusap na ang kanta, para bang nagpapahiwatig na sila nga talaga ang para sa isa't isa.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon