Chapter 42

118 24 2
                                    

Kinabukasan..

Nagulat na lang si Greg dahil madami na palang views ang video ni Heaven sa I-Face. Marami rin ang nag-comment na maganda daw ang boses ni Heaven.

Agad-agad siyang pumunta sa bahay nina Heaven para ibalita sa dalaga kung ano na ang nangyayari. Kahit alam niyang tulog pa ito ay sinikap pa rin niyang puntahan.

"Wake up my love! I bet magugustuhan mo itong ipapakita ko sa iyo bilis," sabi ni Greg

Pupungas-pungas na umupo sa kanyang kama si Heaven. Wala pa itong suklay o kahit ano.

"Ano ba iyon? Ang aga-aga mo naman eh, natutulog pa ako oh. Patingin nga," sabi ni Heaven

Kinuha niya ang cellphone ni Greg at noong makita niya na napakaraming views noong video ay napahawak na lang siya sa kanyang bibig.

"Paano? Nakakahiya, ang pangit kaya ng boses ko. Bakit mo naman kasi pinost sa I-Face?" sabi ni Heaven

"Sabi ko naman kasi sayo, magaling kang kumanta. Ayaw mo lang maniwala sa akin. Ayan oh, ang daming nagsasabi eh," sabi ni Greg

Binasa naman ni Heaven ang bawat comment ng mga netizens sa kanya. Hindi na niya napigilan, napangiti na lang siya.

"Masayang-masaya ang babybu ko.  Marami na ang nakarinig sa boses niya," sabi ni Greg

"Eh! Nakakahiya pa din, pero salamat sa kanila kasi na-aappreciate nila ang boses ko," sabi ni Heaven

"Sa kanila lang? Paano naman ako? Ako nagpost niyan ah, ako unang naka-appreciate sa boses mong parang anghel," sabi ni Greg, kunwari ay nagtatampo ito sa kanyang nobya

"Haynaku, alam ko naman iyon. Marami ka nang binago sa buhay ko at thankful ako doon," sabi niya and then she pinched his nose

"Joke lang, alam ko naman na sobrang thankful mo na sa akin eh. Sobra mo din namang binago ang buhay ko. Kung alam mo lang," sabi ni Greg

"Naku, naghahanap ka na naman ng lambing. Tara na nga at mag-breakfast na tayo ha? Bilisan natin at ako'y mahuhuli na sa trabaho eh," sabi ni Heaven

"Sige, kain na tayo. Nakita ko ding nagluto si Tita ng umagahan eh," sabi ni Greg

Pagbaba nila ay agad silang sinalubong ng Mama ni Heaven nang isang yakap. Hindi nila alam kung bakit pero napayakap na lang sila pabalik dito.

"Mama, bakit po kayo napayakap? Ano pong meron? May problema po ba kayo?" sunud-sunod na tanong ni Heaven

"Ah, hindi niyo pa ba alam? Trending na ang video mo anak na nakanta ka. Ang dami ngang good comments eh, binasa ko kanina. I'm so proud of you anak," sabi ng Mama ni Heaven

"Sabi sa iyo eh, tingnan mo pati si Tita ay fan mo na. Iyan kasi tita, ayaw maniwala na magaling siya," sagot naman ni Greg

"Ano ka ba naman anak? Ako kaya ang number one fan mo. Dati ko pa sinasabi sa iyo na magaling kang kumanta eh," sabi ng Mama ni Heaven

"Binobola niyo lang ako eh, kain na po tayo. Gutom na din ako eh," sagot ni Heaven

Pagkatapos noon ay sabay na silang kumain. Ilang minuto pa ay narinig nilang may kotse sa labas, si Hunter.

"Bakit nandito ka? Nandito naman si Greg, ihahatid niya ako sa trabaho. Nakakahiya naman, susunduin mo pa ako," sabi ni Heaven

"Naku, hindi naman kita pinuntahan dito para doon. Gusto lang kita i-congratulate kasi trending ka na girl. Sa I-Face at Tweet Me!" sagot ni Hunter

"Oo nga, si Greg kasi pinost iyong practice namin nina Timothy kahapon. Hayaan mo na iyan, hindi naman na iyan mauulit eh. Tara at kumain ka dito," sabi ni Heaven

Umupo sa Hunter sa gitna ni Heaven at Greg. Kumuha ng isang tinapay, bacon and eggs saka nagsalita.

"Ano ka ba girl? Ito na ang sagot ng Diyos sa mga dasal mo. I know how much you want to sing. Ang galing mo kayang bakla ka," sabi ni Hunter

"I know na gusto ko ito. But the question is, deserve ko ba ang lahat ng praises nila?" sabi ni Heaven

"Anak, kung ano man ang talent mo ay dapat ilabas mo iyan. Tulad ng pagsusulat mo, diba magaling ka doon at iyon na ang nagagamit mo sa trabaho mo ngayon,"

Bahagyang napangiti si Heaven sa komento ng kanyang ina. Hindi niya kasi akalain na ganoon na lang ka-proud ang Mama niya sa kanya.

Pagkatapos kumain ay pumasok na si Heaven sa comfort room para maligo. Habang naka-upo siya sa toilet ay tiningnan niya ang kanyang I-Face account.

Nagulat siya dahil ang daming messages at friend requests doon. Balak niya lang sana na tingnan ang comments sa video pero ito ang nadatnan niya.

"Hello ate. Ang galing mo po, cover ka pa ng marami! Grabeng ganda ng boses mo,"

"Thank you sa boses na ibinigay sa iyo ng Diyos. Ang gandang pampakalma,"

"Ate, pinarinig ko sa boyfriend ko ang cover mo at nag-aaway na kami ngayon kasi nagseselos na ako sa iyo,"

"Anghel ka ba? Parang akong nasa langit kanina noong pinakinggan ko ang cover mo,"

"Ay! Worth it sumikat ito. Ito dapat ang pinaparinig sa radyo at TV! Talo ang lahat dito,"

Ilang comments pa ang binasa niya. May mga negative man pero mas madami pa rin ang positive. Sa dami ng comments ay isa ang nakapukaw ng kanyang atensyon.

"Hello. This is Musika Productions, baka gusto mong mag-record ng kanta sa amin? We see potential in you, you can contact us at musikaprod.com,"

Nagulat si Heaven sa kanyang nabasa kaya napahiyaw siya sa tuwa. Hindi na niya naisip na nasa comfort room siya at rinig ang boses niya sa labas.

"Babybu, okay ka lang ba? Anong nangyari sa iyo dyan?" sabi ni Greg

"Anak, okay ka lang? Sabihin mo lang sa akin, papasok ako dyan!" sabi naman ng Mama ni Heaven

"Bakla, nadulas ka ba sa comfort room?!" sabi naman ni Hunter

"Ah wala po, okay lang po ako. Sabihin ko na lang po mamaya pagkatapos kong maligo. Huwag na po kayong mag-alala sa akin," sagot naman ni Heaven




The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon