Chapter 10

295 51 40
                                    

Author's Note: UFO by JLU attached above. Pakinggan niyo habang binabasa ang chapter na ito. :)

 Kinagabihan, masayang-masaya si Heaven dahil sila ay nasa unahan na upuan ni Greg. Nag-aayos na ang lahat para sa gig. VIP sila, katabi nila si Kio at ang iba pang tumutugtog sa Songs Of Your Heart.

"Ano? Bati na tayo? Nilibre na kita sa isa sa mga gusto mong banda. Baka naman pwedeng bati na tayo?" sabi ni Greg

"Hindi mo naman sinabi na may bayad naman pala ang libre mo. Haynaku, kung alam ko lang hindi na ako sumama." sabi ni Heaven

"Wala na kasi akong alam na way para maging maayos tayo. Lalo na sa isang kasalanan na hindi ko naman alam. Please?" sabi ni Greg

Nakonsensya naman si Heaven dahil tama nga naman si Greg, wala siyang kasalanan sa nangyari kay Heaven. Dapat pa nga ay magpasalamat pa ito dahil binantayan siya.

"Sige na nga, hindi na ako magagalit. Bati na tayo ah? Basta, ililibre mo ako ulit ng ticket! Sa ibang gig naman," sabi ni Heaven

"Oo sige ba. Saving Shonie naman kasunod nito?" sabi ni Greg

"As if naman na kaya mong kumuha ng tickets nila ano! Sobrang sikat kaya nila, baka hindi nga mamansin ang mga iyon eh. Asa pa ako!" sabi ni Heaven

"Itong JLU nga, nagawan ko ng paraan. Saving Shonie pa kaya? Ang sisiw lang noon! Kapag nabigyan kita ng tickets sa gig nila, sasagutin mo na ako? Game ka?" biro ni Greg

"Siraulo ka ba? Hindi ka naman nanliligaw eh," sabi ni Heaven

"Edi kung manligaw ako, pwede na? Sasagutin mo nga ako?" tanong ni Greg

"Depende sa tanong, kung sa panliligaw eh hihindi ako. Haynaku, dyan ka na nga, mag-uumpisa na silang kumanta eh!" sagot ni Heaven

Sa totoo lang, noong sinasabi ni Greg na manliligaw siya ay hindi mapakali si Heaven. Paano kung totohanin niya iyon, ano na ang magiging reaksyon niya?

7:30 na ng gabi, umpisa na ng kantahan. Umorder na si Greg nang makakain nila, habang si Heaven naman ay tutok na tutok sa busy na busy na si RK. Halos matunaw na si RK sa kakatingin ng dalaga sa kanya.

"Hoy, baka naman matunaw si RK. Kung ako na lang ang tinitingnan mo, ayos pa. Baka kiligin pa ako niyan. Haynaku, sana pala hindi na kita binili ng ticket eh!" sabi ni Greg

"Nakanta ka ba para titigan kita? Hindi naman diba? At saka, hindi naman kita titingnan kahit nakanta ka pa." sagot ni Heaven sabay tingin ulit kay RK

Hindi alam ni Greg kung matutuwa o maiinis siya sa nangyayari. Kumain na lang tuloy siya ng fries at uminom na lang ng iced tea na inorder niya para sa kanila.

Ilang minuto pa ay pumunta na sa stage si Kio para umpisahan ang event. Excited na ang lahat lalo na si Heaven na hanggang ngayon ay nakatingin pa din kay RK.

"Guys, magandang gabi! Alam kong  hindi na kayo mapakali dahil ang gwapo ko este may gwapo pala sa tabi ko. Hindi ko na pahahabain pa, let's welcome RK Villaflor and his band Jobless United or in short JLU!" sabi ni Kio sabay bigay ng microphone kay RK

"Goodevening guys, hindi totoo na gwapo ako ah? Huwag kayo maniwala kay Kio! Kalokohan niya lang iyon, wala pa ding tatalo sa bassist natin na si Rafy! Anyway guys,ang una pala naming tutugtugin ay ang Bakit Part 2 by Mayonnaise." sabi ni RK

Habang kinakanta ni RK iyon ay nakapikit si Heaven na feel na feel yung lyrics ng kanta, lalo na yung chorus. Hindi tuloy maiwasan ni Greg na hindi mapatingin sa kanya.

Sinabi ko sa kanya
na 'di pa rin nililikha
ang tulad kong parang timang
na 'di pa rin maintindihan.

Todo sabay pa si Heaven sa lyrics. Halos maluha na siya dahil natupad na ang isa sa mga pangarap niya, ang makita na tumutugtog si RK sa harapan niya, yung malapitan.

"Para sa susunod na kakantahin namin, para ito sa mga binabalikan ng ex nila pero may bago na. Alam niyo guys, kung may tao na nandyan na para sa inyo, huwag na kayo bumalik doon sa sumira na sa inyo. This is Wag Doon by JLU." sabi ni RK

Nagkatinginan naman sina Greg at Heaven dahil sa sinabi ni RK. Napangiti na lang si Greg dahil alam niyang relate na relate sila ni Heaven doon sa kanta.

"Alam mo na ah, huwag doon! Huwag ka na bumalik doon kasi nandito na ako. Huwag ka na bumalik sa sumira sayo," sabi ni Greg

"Bakit? Babalik ba ako doon eh nandito nga ako? Saka kahit nandyan ka, hindi naman kita pipiliin eh," sabi ni Heaven sabay belat kay Greg

"Sinasabi ko lang, ayaw kong masaktan ka na naman noon eh," sabi ni Greg

Dahil sa sinabi ni Greg, kahit papaano ay kinilig si Heaven. Pero natigil iyon dahil naalala niyang baka hindi pa siya handa sa pag-ibig ulit. Ayaw na naman niyang masaktan dahil sa maling tao.

Oh heto na naman
Ang puso kong hindi mapigilan
Sa langit nakasandal
Teka ikaw ba yan?
Kung pwede wag akong iwanan
Katulad ng kahapong nagdaan
Oh dito ka lang
Oh dito ka lang

Oh heto na naman
Ako'y di na mapipigilan
Sayo lang nakalaan
Oo ikaw na yan
Hindi ka na maalis sa isipan
Wag ng balikan ang nakaraan
Oh dito ka lang

Nang marinig iyon ni Heaven, naisip niyang baka ito na nga ang sagot sa tanong niya. Kung babalikan ba niya si Save o hindi. Hindi rin niya mapigilan na hindi mapatingin kay Greg dahil baka ito na din ang sagot sa kasunod niyang tanong. Kung may magmamahal pa ba sa kanya ng totoo.

"Bakit ka nakatingin? Nakakarelate ka din ano? Sabi ko na sayo, huwag mo na ngang balikan iyon. Nandito na ako eh." sabi ni Greg

"Loko, napatingin lang eh. Bahala ka nga dyan, nakakadiri mga sinasabi mo eh," sabi ni Heaven

"Our last song ay para naman sa mga iniwan dahil pinagpalit sa mas mapera sa atin! Shout out sa mga gold digger, kamusta kayo? Masaya ba kayo sa ginawa niyo sa amin?! This is UFO by JLU." sabi ni RK sabay ngiti kay Heaven

Napangiti naman si Heaven dahil sa lahat ng kanta ng JLU ay UFO ang pinakagusto niya. Isa pa, napatingin pa si RK sa kanya. Tila ba siya ang kinakantahan ni RK.

Pinagpalit mo ko sa di mo kakilala
Tatlong oras lang kayong nagkasama
Mukha lang naman siyang mapera sana maisip mo din

"Ayan, mga bwisit kayo! Bakit napaka gold digger niyo? Masaya na ba kayo dahil sa pera? Mga salot!" sigaw ni Greg, kinagulat naman iyon ni Heaven kaya sumagot sya

"Ano ka? Relate na relate? Parang ang lalim ng pinaghugutan ah. Niloko ka ba at pinagpalit sa may mas pera? Kawawa ka naman," sabi ni Heaven

Hindi nasagot ni Greg iyon, dahil totoo naman ang sinabi ni Heaven na mas pinili ni Angel ang mas mapera sa kanya. Hindi naman niya maikwento iyon dahil feeling niya eh hindi naman kailangan. Bakit ba sasabihin pa? May problema na nga yung tao, dadagdag pa siya.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon