Chapter 20 {Iñigo's POV}

221 35 1
                                    

Author's Note: Kalahating Ako by Keeping Symphonies on the link. Support :)

Nagmamadali na akong umuwi ngayon dahil tiyak na papagalitan na naman ako ng soon to be wife ko. Ayaw na ayaw kasi noon na nagbabanda ako, para sa kanya ay walang kwenta ang pagbabanda ko. Wala naman daw kasing pera dito kaya bakit pa ako nag-aaksaya ng oras.

Pero ipinaglalaban ko pa rin ito araw-araw sa kanya, kahit lagi niya akong pinagsasabihan ay ayos lang. Mas mahalaga pa din naman ang pagsasama namin ng mga kabanda ko at pakikipag-kaibigan na rin sa ibang banda.

"Ano pare? Sasama ka ba sa inuman? Sayang din, minsan lang 'to!" sabi ni RK sa akin, nasa Songs Of Your Heart kami ngayon at kakatapos lang ng gig namin

"Naku pare, alam mo namang ekis na agad ako dyan. Anong oras na din kasi, baka hinahanap na ako ni Gracie." sabi ko

"Puro ka Gracie, hindi naman mawawala ang soon to be wife mo dahil nasa bahay niyo lang iyon ah," sabi ni RK

""Pasensya na talaga kayo pare, mahalaga man kayo sa akin ay mas mahalaga pa din si Gracie. Lagi na nga kaming nag-aaway dahil ayaw niya itong pagbabanda ko, wala daw kasing pera dito," sabi ko

"Naiintindihan naman namin, sanay na kami kay Gracie. Ikaw naman kasi, bakit hindi mo dalhin dito sa Songs Of Your Heart? para makita naman niya na masaya tayo dito," sabi ni rK sa akin

"Nagawa ko na iyan, ilang beses na pero hindi naman niya ako pinagbibigyan. Laging dinadahilan na busy siya," sagot ko

"Pero alam naman natin na hindi totoo iyon, sadya lang talaga na ayaw niya na nagbabanda ka," sabi ni RK

"Mga pare, sino ang pinag-uusapan niyo?" sabi ni Jeric, drummer ng bandang Keeping Symphonies

"Sino pa edi si Gracie pare, niyayaya ko sanang uminom itong si Iñigo pero ayaw naman niya dahil magagalit daw ang soon to be wife niya," sabi ni RK

"Naku, alam mo pare bagay na bagay sa iyo ang kanta namin. Yung Kalahating Ako," sagot ni Jeric

"Oo nga, bagay na bagay pare!Relate na relate ka doon, theme song nga yata iyon ng buhay mo ah," sabi ni RK sa akin

"Mga loko, maka-uwi na nga at baka wala akong tutulugan mamaya. Madalhan na din ng peace offering si Gracie," sagot ko

Wag kang magalitSaglit lang akoUuwi naman akoTaglay ang gusto mo

"Wala tayong magagawa, may ganyan talagang babae eh. Kung gusto talaga natin na sila ang makasama natin habang buhay, tatanggapin natin nang buo ang ugali nila. Ayaw nila eh, pero hindi dapat tumigil porket ayaw nila," sabi ni Jeric

"Buti na lang talaga pare, napaka-supportive ng girlfriend ko. Kaya hindi ko maiwan iyon eh," sabi ni RK

Iyon na ang huling narinig ko dahil lumabas na ako ng Songs Of Your Heart. Wala na akong paki sa sasabihin nila dahil ang iniisip ko ngayon eh kung ano na namang palusot ang gagawin ko kay Gracie mamaya. Pagbuksan pa kaya niya ako ng pinto?

Pagdating ko ay nakita ko siyang naka-upo sa sala. Nanunuod ng TV si Gracie. Dahan-dahan na nga akong naglakad papunta sana sa kwarto pero nakita pa din niya ako. Halos nahulog ko na nga ang dala kong fries at sundae.

"Andyan ka na pala, doon ka na naman ba galing? Diba sinabihan na kita? Bawal ka na pumunta doon, bawal ka na magbanda!" sabi ni Gracie

"Eh, minsan na lang naman ako pumunta doon. Niyayaya pa nga nila akong mag-inom pero hindi ko na ginawa kasi sabi ko eh ayaw mong ginagabi ako ng uwi," sagot ko

"Aba, dapat lang! Dapat nga hindi ka na tumugtog eh. Ilang beses na kitang sinabihan diba?" sabi ni Gracie sa akin

Kalahating akoMasaya ako ditoSana ay dinig moAwit para sayo
Di naman palagiGabing umuuwiDi naman lasingSayong nasiping

Matatapos ang gabiSayo pa rin uuwi

"Eh, hayaan mo na iyon sila. Sini-stress mo lang ang sarili mo eh, ito oh may dala akong fries at sundae galing McDonald's para hindi na mainit ang ulo mo," sagot ko naman

Kinuha niya ang fries at sundae pagkatapos ay tumayo. Pumunta siya sa loob ng aming kwarto at iniwan ako sa sala. Loko talaga ang babaeng iyon, galit-galitan pero kinuha naman ang fries at sundae! Sayang sa akin dapat iyon eh.

Dahil alam kong kailangan ng space ni Gracie ay hindi muna ako pumasok sa loob ng kwarto namin, umupo na lang ako sa sala at binuksan ang TV para manuod. Kumuha na din ako ng tubig at makakain sa refrigerator namin.

Ilang minuto pa habang nanunuod ako sa TV ay may lumabas sa kwarto. Noong una ay akala kong si Gracie iyon pero hindi pala. Mama pala ni Gracie, nakapantulog na ito at mukhang inaantok na din.

"Oh Mama, bakit po? May problema po ba? May gusto po ba kayong kainin? Sabihin niyo lang po sa akin at--" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang nagsalita ang Mama ni Gracie

"Hindi, okay lang ako Iñigo. Narinig ko kasing umaatungal si Gracie kaya ako nagising. Ano na naman bang problema ng babaeng iyon, hijo?" tanong sa akin ng Mama ni Gracie

"Ah, wala po iyon Mama. Alam niyo naman po ang anak niyo, ayaw akong magbanda. Nagalit na naman sa akin dahil doon," sabi ko kay Mama

"Pasensya ka na sa anak ko ha? Hanggang ngayon ba hindi pa rin niya sinasabi sa iyo?" sabi ni Mama

Doon ay nagtaka ako, alin kaya ang hindi pa sinasabi sa akin ni Gracie? Wala naman siyang nababanggit sa akin nitong mga nakaraang araw. Basta ayaw niya lang naman ako magbanda eh.

"Ano po ba ang hindi pa niya nasabi? Sabihin niyo na po sa akin para hindi na po ako mag-isip," sabi ni Mama sa akin

"Naku, anak. Mas maigi na siya na ang magsabi sa iyo kaysa ako. Hintayin mo na lang kasi sure naman ako na sasabihin niya iyon sa iyo," sabi ni Mama sabay alis at pumunta na sa kanyang kwarto

Ako naman eh naiwan sa sala, nag-iisip sa kung ano nga ba ang sasabihin sa akin ni Gracie. Kahit gusto kong tabihan siya ay hindi ko nagawa, doon lang ako natulog sa sala.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon