Chapter 25

173 31 2
                                    

Ilang minuto pa ay nag-ring naman ang cellphone ni Heaven. Kinuha niya iyon at umupo sa sofa.

"Wait lang, natawag si Hunter. Sagutin ko lang," sabi ni Heaven

"Sige, walang problema, babybubu ko!" sabi ni Greg at umupo din

"Bakla, ano iyon?" sabi ni Heaven

Noong malaman ni Heaven ang balita ay hindi siya agad makagalaw. Para bang binuhusan siya ng malamig na tubig noong marinig niya iyon.

"Oh, bakit daw babybubu? Anong problema? Para kang nakakita ng multo ah, okay ka lang?" sabi ni Greg

"Si Save," sagot ni Heaven pagkatapos ay binaba niya ang cellphone

"Anong meron? May nakalimutan ba siya dito at--" hindi na natapos ni Greg ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Heaven sa kanya

"Wala na daw siya sabi ni Hunter," sagot ni Heaven

"Ha? Paanong wala eh kaka-alis niya nga lang?" sagot ni Greg

"Hindi ko din alam, pwede ba tayong pumunta sa ospital? Gusto ko lang makita si Save,"sabi ni Heaven

Hindi na nagsalita si Greg, agad na silang pumunta sa ospital kung nasaan si Save. Noong nasa byahe sila, hindi maiwasan ni Heaven na hindi mag-isip. Sinisisi niya ang kanyang sarili dahil sa pag-hindi niya kay Save.

"Oh, huwag ganyan ang mukha. Hindi maganda iyan, alam ko ang naiisip mo," sabi ni Greg 

"Hindi ko maiwasan mag-isip, malamang ay sisisihin ako ng mga magulang niya ngayon na wala na siya," sagot ni Heaven

"Malamang, iyan talaga ang gagawin nila pero alam naman nating dalawa na hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanya. Walang may gusto na mabangga siya," sagot ni Greg

"Paano kung may galit pala sa akin si Save bago siya namatay? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya," sabi ni Heaven

"Ano ka ba naman, hindi ka naman mumultuhin noon at saka, alam naman niya ang lahat eh. Bago siya mawala, malinaw na sa kanyang wala na kayong pag-asa," sagot ni Greg

"Masama ba akong tao? Feeling ko talaga ako ang pumatay sa kanya," sagot ni Heaven

"Hindi ka masama, wala ka namang kasalanan doon. Huwag mo na isipin iyon, lalo na ngayon na malapit na tayo," sabi ni Greg

Ilang minuto pa ay nakita na nga ni Heaven ang kanyang sarili sa loob ng ospital. Ang bawat hakbang niya papasok ay para siyang papasok sa isang malaking refrigerator. Hindi niya alam ang gagawin, tanging malalamig na kamay lang ang kanyang nararamdaman.

"Huminga ka munang malalim, ihahatid kita kung nasaan ang bangkay ni Save pagkatapos ay lalabas na muna ako ah. Hindi kita masasamahan doon at paniguradong mainit sa atin ang mga magulang ni Save," sabi ni Greg

"Kaya ko ba silang harapin? Kaya ko bang harapin ang bangkay ni Save? Hindi yata, parang hindi ko nga maigalaw ang katawan ko.," sagot ni Heaven

"Kaya mo iyan, ilang minuto na lang din at nandito na si Hunter para samahan ka. Don't worry, okay? You know that I love you," sagot ni Greg

"I love you too," sabi ni Heaven

Tinanong na nila sa nurse kung anong nangyari kay Save, agad naman silang sinamahan nito sa morgue kung nasaan ang bangkay ni Save at ang pamilya nito. Noong una ay hindi napansin ng pamilya ni Save sina Greg at Heaven pero nakita rin sila ng nanay ni Save.

"Wow, iba ka naman talagang babae ka ano? Matapos mong patayin ang anak ko, may gana ka pa na pumunta dito. Sinama mo pa talaga iyang lalaki na iyan," sabi ng nanay ni Save

Kahit gustong iwanan ni Greg si Heaven ay hindi na niya nagawa dahil inaaway na ito ng nanay ni Save. Kahit ayaw niyang sumagot ay napasagot siya dahil gusto niyang ipagtanggol ang kanyang nobya.

"Malaki po ang respeto ko sa mga matatanda pero bakit po kayo ganyan? Alam naman po natin na aksidente ang nangyari pero bakit sinisisi niyo kay Heaven ang lahat?" sabi ni Greg

"Hindi naman mawawala ang anak ko kung hindi dahil dyan sa babaeng iyan! Ang sabi niya sa akin bago umalis ay makikipag-ayos siya, tapos ito na ang nangyari!" sigaw ng nanay ni Save, nag-umpisa na silang umiyak lahat

"Kung ganoon, marami pa po kayong hindi alam, kaya huwag niyo pong isisi sa amin lahat ang nangyari sa anak niyo. Heaven, tara na! Umalis na tayo dito," sabi ni Greg pagkatapos ay hinila ni Greg ang kamay ni Heaven

Gustuhin man niya na magpaalam nang malumanay kay Save ay hindi na nito nagawa. Tumingin na lang siya sa huling pagkakataon, pagkatapos ay lumabas na ng ospital. Nandoon si Hunter sa labas, naghihintay.

"Girl, nakita mo ba siya? Haynaku, buti na lang nakita ko sa news ang nangyari sa kanya at na-chika ko agad sa iyo," sabi ni Hunter

"Wala na siya at kasalanan ko ang lahat ng ito," sabi ni Heaven

"No! Wala kang kasalanan, aksidente lang ang lahat at alam ko din na hindi ka sinisisi ni Save ngayon. Alam kong masakit pero kailangan nating tanggapin na wala na siya," sabi ni Greg

"Oo nga girl, hindi mo kasalanan iyon kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo. Wala eh, ganoon talaga ang buhay may katapusan," sabi ni Hunter

"Kaya pala iba ang tingin niya sa akin kanina, kasi iyon na ang paalam niya. Kung alam ko lang, hindi ko sana siya tinaboy," sabi ni Heaven

"Siya naman ang lapit nang lapit sa iyo, hindi ba? Kaya hindi mo kasalanan iyon, walang may kasalanan dahil wala namang may alam na mamamatay na siya," sabi ni Greg

Hindi na sumagot si Heaven, umiiyak lang siya at nakatingin sa langit. Nakatingin lang siya sa mga bituin habang nagdadasal sa Diyos, hindi niya na kasi alam kung paano tatanggapin ang nangyari.

Diyos ko, Ikaw na po ang bahala kay Save. Hindi ko po alam kung bakit nangyari, pero alam kong may dahilan Ka kung bakit Mo siya kinuha sa amin. Save, kung nasaan ka man ay sana masaya ka na. Pasensya ka na sa sinabi ko kanina, ikaw na ang bahala sa amin dito sa lupa. Bantayan mo kami ha?

Ilang minuto pa ay sinabi ni Greg na si Hunter na lang ang maghatid kay Heaven. Noong una ay takang-taka pa sila pero hindi din nagtagal ay hinayaan na lang din nila. Pupunta daw kasi si Greg sa Songs Of Your Heart para magpalamig muna.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon