Chapter 34

174 24 27
                                    

Author's Note: Walang tayo by Anna's Playlist. Pakinggan niyo habang binabasa ang chapter na ito. Salamat!

Pagkatapos noon ay nagsalita ulit si Jay Ar para ipakilala naman ang kanilang susunod na kanta. Dahil nga maraming naka-relate doon sa Pahina eh excited ang lahat dahil for sure ay maganda din ang susunod. Marami na naman ang makaka-relate dito.

"Our next song is Walang Tayo, ito ay para sa mga taong nagpapasalamat sa mga mahal nila. Kung hindi nga siguro kayo nagkakilala ay walang kayo," sabi ni Jay Ar

Naghiyawan ulit ang lahat. Lalo na ang mga inlove at doon sa mga nagliligawan pa lang. Doon napagtanto nina Greg at Heaven na para nga sa kanila ang gabing ito. Nangungusap na ang kanta, para bang nagpapahiwatig na sila nga talaga ang para sa isa't isa.

Hindi ko inaasahan to
Na magiging ganito
Ang pagtingin ko sa iyo
Bigla na lang nagbago

"Tama 'tong kanta. Hindi ko inaasahan na magiging ganito tayo. We started off as strangers. Nagpanggap lang ako noon bilang boyfriend mo dahil ginugulo ka ni Save pagkatapos ngayon, girlfriend na talaga kita. Amazing ano?" sabi ni Greg

"Hindi ko nga alam kung tama bang nagpanggap tayo. Mukhang lugi ako eh," asar pa ni Heaven

"Naku naman, sa gwapo kong ito lugi ka pa? Aba, pinipilahan kaya ako ng mga babae!" pang-aasar ding sagot ni Greg

"Aba, at sino naman ang nahabol sa iyo? Tatanggalan ko ng buhok. Makita niya!" inis na sagot ni Heaven

"Tingnan mo 'to, lugi pala ha! Selosa ka naman, joke lang iyon. Alam ko namang iyon ang sasabihin mo kapag sinabi kong madaming nagkandarapa sa akin eh," sagot naman ni Greg

"Aba, marunong ka na mang-asar ngayon ah. Kapag ako naka-isip ng ipang-aasar sa iyo eh yari ka sa akin!" sabi naman ni Heaven

"Huwag mong sabihing gagamitin mong pangselos si Timothy ah. Naku, lagot talaga kayo sa akin! Ayaw ko na maramdaman iyong naramdaman ko kay Save ah," inis na inis na sagot ni Greg

"Haynaku, bagay talaga tayo! Naisip mo na agad ang naisip ko, iba ka talaga. Kaya pinili kita eh," sagot ni Heaven

"Aba dapat lang na ako ang piliin mo. Wala ka na mapipili na ganito sa mundo ano. Ako lang," sagot naman ni Greg

Sa bawa't minuto
Ikaw ang nasa isip ko
Huwag ka sana magbago
Nahuhulog na ang puso ko sayo

"Huy, tamang-tama talaga itong kanta para sa atin eh. Kinausap mo ba si Timothy kanina na iyan ang tugtugin? Swak na swak eh. Grabe," sabi ni Greg

"Huy, hindi ah. Pero alam mo, parang nakatadhana talaga tayo na dito tayo napunta eh," sabi ni Heaven

"Bakit naman?"

"Look, we've been so stressed lately. Tipong magkasama nga tayo pero puro problema ang nangyari sa atin. Tapos, nung pumunta tayo ay eh parang swak na swak ang lahat. Akalain mo iyon, dito ko pa makikita si Timothy diba?" sagot naman ni Heaven

"Ang ibig mo bang sabihin ay nakatakda kayo ni Timothy para sa isa't isa?" 

"Loko ka talaga ano? Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin eh! Ang sinasabi ko lang eh parang gumawa ang Diyos ng para sa atin," sabi ni Heaven

"Explain mo pa. Hindi ko gets eh," sagot naman ni Greg

"God allowed us to be in pain para maranasan kung ano man ang meron tayo ngayon. Sabi nga nila, kung hindi mo mararanasan ang lungkot eh hindi mo din mararanasan ang saya," sabi ni Heaven habang nakangiti kay Greg

"Writer ka nga talaga, grabe kang mag-isip eh. I love you, my writer!" sagot ni Greg

"Alam mo, gusto ko din dati na magsulat ng kanta eh kaso hindi ko kaya. Kaya iba na lang ang isinulat ko," sabi ni Heaven

"That explains kung bakit mahilig ka sa banda. Malay mo, maging female lead ka din ng isang banda in the future. Nandyan naman si Timothy para turuan ka," sagot naman ni Greg

"Ikaw talaga, ang init ng dugo mo kay Timothy eh. Wala namang ginagawa sa iyo iyong tao ah," sabi ni Heaven

"Hindi 'no, ayos lang talaga! Gusto kong matupad mo ang pangarap mo. Try mong magpaturo kay Timothy." sabi ni Greg

"Baliw ka eh hindi maayos ang boses ko. Boses uwak kaya ako," sabi ni Heaven

"Eh ano naman? Galing naman sa puso ang pagkanta mo kaya ayos na iyon!" sabi ni Greg

Hindi na ako sanay
Gusto na kitang makita
Salamat sa araw nating ito
Na tayo ay pinagtagpo
Kung hindi nangyari to
Wala sigurong tayo
Walang tayo


"Kung hindi nalalag ang ID mo, wala sigurong tayo." sabi ni Greg

"Hmm, hindi siguro. Kung hindi ka pumayag na magpanggap noon edi hindi natin mafe-feel sa isa't isa na swak pala tayo," sagot naman ni Heaven

"Eh basta, ang importante ay naging tayo na at wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan nating dalawa ha?" sagot naman ni Greg

Hindi nga tayo
Pero masaya ako
Dahil nandyan ka
At nandito lang ako

Nag iintay ng panahon
Na pwede ng maging tayo
Na meron ng Ikaw at ako

Kung ano man ang misteryo
Na meron tayo
Gusto kong malaman mo
Mag iintay ako

Pagkatapos kumanta ng Anna's Playlist ay sumunod naman ang Banda Ni Machineman sa pagtugtog. Naki-upo naman ang members ng Anna's Playlist kina Greg at Heaven para na din makapagkwentuhan pa sila.


"Huy, Heaven! Dito muna kami uupo ha, kitang-kita kasi dito ang performance eh."sabi ni Timothy

"Oo naman, pwedeng-pwede! Ang laki pa naman ng space eh, upo kayo. Para makapagkwentuha pa lalo tayo," sagot naman ni Heaven

"Ay oo nga pala. Gusto ko ipakilala sa iyo ang aking girlfriend. Si Anna. Anna, si Heaven. Highschool friend ko naman siya," sabi ni Timothy

"Ah, kaya naman pala Anna's Playlist eh. Gawa mo! Oo nga pala, salamat sa pagmamahal mo sa kaibigan kong si Timothy ha? Naku, iba magmahal iyan. Drummer eh, loyal kapag ganyan!" biro pa ni Heaven

"Ay oo naman po. Mahal na mahal ko po ito. Salamat po pala sa panunuod sa kanila ah? Sana po sa mga susunod ay makita ko din po kayo," sabi ni Anna

"Naku, oo naman! Actually, ngayon ko lang nalaman ang mga kanta sa banda nila. Kaya pala noon ay naririnig ko na ang Anna's Playlist eh dahil kay Timothy. Nakikita ko siguro sa I-Face iyon minsan," sabi ni Heaven

Ilang minuto pa ay biglang tumawag ang mommy ni Greg. May kailangan daw sila mula sa binata kaya kahit gusto pa nilang mag-stay sa Plaza de Musika ay hindi na nila nagawa. Hindi na tuloy nila napakinggan ang mga kanta ng Banda Ni Machineman.


The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon