Chapter 35

138 24 3
                                    

 Author's Note: Dear You  by Anna's Playlist sa taas. Pakinggan niyo while reading this chapter. Thank you. Support natin sila. :)

After one week..

Alas-dyes ng umaga noon habang naghahanap si Heaven ng mga kanta sa You Listen ay nakita niya ang kanta ng Anna's Playlist.

Ang dami na palang nagawang kanta. Bakit ngayon ko lang nalaman? Pero okay na din ito, atleast madami akong idadagdag sa playlist ko. Ito namang si Timothy, hindi nagsasalita eh, may banda naman pala!

Habang nagsa-scan ng mga kanta ng Anna's Playlist ay biglang sumagi sa isip ni Heaven ang sinabi sa kanya ni Greg noong gabing napakinggan nila sina Timothy.

*flashback*

"Gusto ko, tuparin mo ang pangarap mo ha? Sumulat ka ng kahit isa lang na kanta at maging parte ka ng isang banda."

Halos isang minuto din niyang inisip iyon pero agad niyang iwinaksi dahil para sa kanya ay imposible naman ang pangarap na iyon.

Tama na para sa kanya ang pagkanta sa banyo. Oo, may talent nga siya sa pagkanta pero takot naman siya sa maraming tao kaya wala ding kwenta iyon.

Bumalik na lang siya sa application na  You Listen at doon ay pinakinggan na lang niya ang iba pang kanta ng Anna's Playlist.

She clicked the song Dear You. Natuwa naman siya dahil kahit wala pang lyrics ay catchy na ang tunog nitong kanta.

If you can see
I don't even want to blink
When I'm with you
Cause I don't wanna miss you

I need you to know
That you are my home
And I wanna keep you away
Away from sorrow

Dahil sa lyrics na ito ay naalala niya si Greg, kung paano siya alagaan nito at mahalin kahit na ang hirap niyang pakisamahan minsan.

Sobrang iniintindi siya ni Greg. Parang baby na nga siya, ayaw madapuan ng kahit anong insekto. Lagi siyang pinapasaya at lagi siyang sinasamahan kapag malungkot na siya.

Hindi niya tuloy maiwasang isipin, si Greg na nga kaya ang makakasama niya habambuhay? Ito na ba ang sagot sa matagal nang kulang sa buhay niya?

I can't wait to see you
Standing in front of me
saying "I do"
I can't wait to kiss you
To show them how much I love you

I'll promise to hold you
That whatever you do
I'll give my whole life to you

Take my heart
We'll never be apart
And now let's trust our God
To do His part

Hindi na niya namalayan na nagde-day dream na pala siya ng magiging engagement at kasal nila ni Greg.

Nasa Pico De Loro sila sa Nasugbu Batangas. Isa ito sa mga gustong puntahan ni Heaven. Tahimik kasi at kalmado ang kanyang isip kapag nakakakita ng beach simula bata pa lang siya.

Naglakad-lakad pa sila sa beach hanggang makita ni Heaven ang isang table at nakapalibot doon ay mga rosas na hugis puso.

At doon ay nag-propose na nga si Greg sa kanya. She happily said I do at nagyakapan sila.

Sa araw naman ng kasal nila ay nakita ni Heaven si Greg habang naiyak noong papunta siya sa aisle. Hindi din tuloy niya mapigilan na hindi mapaiyak dahil hanggang sa huli ay siya pa din ang pinili ni Greg na makasama.

Natapos ang pagde-day dream niyang iyon nang biglang naramdaman niyang tinatapik na siya ni Hunter.

"Girl, kanina pa kaya kita tinatawag! Ikaw eh nakatunganga dyan. Ano bang iniisip mo? Si Greg?" sabi ni Hunter

"Hala, nandyan ka pala! Bwisit naman, ikakasal na ako eh. Nandoon na kaya," sabi ni Heaven

"Ano namang ikakasal? Haynaku, nagde-day dream ka na naman dyan! Iyong si Greg nasa baba," sabi ni Hunter

"Ano naman ang ginagawa niya dito? Sabi niya eh may family lunch sila ngayon ah," sabi ni Heaven

"Oo nga daw, kaya ka nga pinuntahan kasi invited ka yata doon sa family lunch. Congratulations girl, parte ka na ng pamilya niya. Tuloy-tuloy na iyan," sabi ni Hunter

Bigla namang nabahala si Heaven, hindi kasi siya sanay na sinasama ni Greg sa kanila. Madalas, si Greg ang napunta sa kanila eh.

"Parte agad ng pamilya eh baka tustahin lang naman ako ng mga tanong noon. Kinakabahan tuloy ako," sabi ni Heaven

"Eh, iyon ay dahil di ka pa sanay na sinasama ka niya doon sa kanila. Malay mo, sila talaga ang nag-insist kay Greg na isama ka doon para makilala ka na nila," sabi ni Hunter

"Ewan ko, iba ang feeling ko eh. Parang hindi pa din nila ako tanggap. Si Angel pa din ang nakikita nila sa akin kasi mas matagal na nakasama ni Greg iyon eh," sabi ni Heaven

"Ano ka ba naman! Makipag-kumpetensya ba naman sa patay na? Naku, iniisip mo lang iyan eh. Malay mo, pagkatapos ng family lunch na ito ay magbago na ang lahat," sabi ni Hunter

Tumango-tango si Heaven bilang sagot pero hindi pa rin siya convinced na buong puso siyang tatanggapin ng pamilya ni Greg.

She stood up, looked herself in the mirror and smiled. Inayos-ayos niya ang kanyang sarili pagkatapos ay tumingin ulit kay Hunter.

"Bahala na, ipagdasal mo na lang ako para mamaya. Darating naman talaga ang araw na ito eh, makikila ko talaga sila," sabi ni Hunter

"Go girl, face your fear! Hindi mo maiiwasan habang buhay iyan dahil baka sila na ang makasama mo habang buhay," sabi ni Hunter

Bumaba na si Heaven para sabihin kay Greg na maliligo muna siya bago pumunta sa kanila.

"Good morning babybu! Ready ka na ba for our family lunch? Ito na ang araw na hinihintay mo," sabi ni Greg

"I know, medyo kinakabahan pa nga ako eh pero okay lang. Alam ko naman kasi na nandyan ka lang sa tabi ko eh," sagot ni Heaven

Nagnakaw pa nga ng halik si Greg kay Heaven kaya nabigla ito at napahiyaw sa kanya.

"Ano ka ba! Hindi pa ako ligo oh. Kadiri pa ako," sabi ni Heaven

"Eh ano naman? Kahit ano pang amoy mo eh mahal naman kita kaya tanggap ko iyon. Sige na maligo ka na para makaalis na tayo agad," sagot ni Greg

Agad naman na pumasok na si Heaven sa banyo para maligo. Ngunit iniisip niya pa din kung paano niya haharapin ang mga magulang ni Greg mamaya.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon