Chapter 23

173 30 5
                                    

Author's Note: Sa Akin by Keeping Symphonies above. Pakinggan niyo, salamat!

Pagkatapos kumain nina Greg at Heaven ay agad na sumenyas ang binata sa bandang Keeping Symphonies na pwede na silang tumugtog. 

"Pasensya na Ma'am Heaven, napag-utusan lang po ako ni Sir Greg," sabi ni Jeff Hernandez, vocalist ng Keeping Symphonies

Napatakip naman sa kanyang bibig si Heaven nang makita na nasa likod niya ang bandang Keeping Symphonies. Hindi siya makapaniwala na natupad na naman ni Greg ang isang pangarap niya.

"Paanong nangyari ito? Paano mo sila napapunta dito?" tanong ni Heaven kay Greg

"Syempre, sa gwapo kong ito ay makakahindi ba sila sa akin?" biro ni Greg

"Hindi nga, paano?" amazed pa din si Heaven

"Alam mo namang may connections tayo kaya ko nagawa iyan. Also, I paid them para naman hindi sayang ang oras nila sa atin," sabi ni Greg

"Nakakainis ka! Lagi mo na lang akong sinusupresa eh.  Wala ka na bang magawa sa buhay ah?" sabi ni Heaven

"Meron, ang pasayahin ka lagi para sagutin mo na ako," sabi ni Greg sabay kindat kay Heaven

"Ewan ko sa iyo, nakakainis ka pa din!" sabi ni Heaven pero nakangiti siya

Pagkatapos mag-ayos ng Keeping Symphonies ay sumenyas na si Greg na kumanta na sila. Habang si Heaven naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. 

Huminga ka ng malalimI-relax ang iyong uloLibangin ang iyong mundoMga problema kalimutan mo


"Alam ko naman na madami kang problema. Sana kahit ngayon lang, mawala iyon dahil dito. Sana napasaya kita dahil paunti-unti ay nabubuo ko na ang mga bandang nasa playlist mo," sabi ni Greg

"Oo naman, sobrang saya ko kaya. Hindi mo alam kung paano nito napapawi ang kalungkutan ko noong mga nakaraang araw," sagot ni Heaven

Kita ko sa iyong mga mataBigat ng iyong dalahinParang di mo na kayaHayaan mo at dadamayan kita


"Basta, kasama mo ako ah? Lagi lang akong nandito, sabihin mo lang ako," sabi ni Greg

"Kahit nga yata hindi na kita sabihan, lagi ka namang ganyan sa akin eh," sabi ni Heaven habang nakangiti

Tayo'y aalis at tatakbong mabilisHabang ang ulap ay hindi pa madilim


Isigaw mo lang sa hanginIbulong mo lang sa akinOh please ipasa mo sa akinLuha mo ay papawiin


Nagulat na lang si Greg nang biglang tumayo si Heaven doon sa may tulay at sumigaw siya. Sigurado siyang stressed na nga si Heaven dahil sa mga nangyayari sa kanya lately, lalo pa itong na-stress noong hindi siya nagpakita dahil kay Angel. 

Lalo pa siyang nagulat noong nakita niyang naiyak ito habang nakatayo doon sa tulay. Agad siyang lumapit at pinunasan ang luha ni Heaven. Tinanong na din niya kung anong problema ng dalaga.

"Huy, bakit ka naman na-iyak? Anong problema mo? May hindi ka ba nagustuhan sa surpresa ko?" tanong ni Greg

"Ah, wala ah. Naiiyak lang ako kasi tamang-tama sa akin iyong kanta, sobrang stressed na ako sa lahat. Salamat sa opportunity na binigay mo sa akin para marinig sila nang malapitan. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya," sabi ni Heaven

"Akala ko naman hindi mo nagustuhan ang surpresa ko. Oo naman, okay lang iyon. Ang importante naman sa akin ngayon ay ang makita kang masaya eh, hayaan mo at hindi lang naman iyan ang surpresa ko sa iyo. Madami pa," sabi ni Greg

"Talaga? Madami pa ba?" tanong ni Heaven

"Oo, madami pa," sabi ni Greg pagkatapos ay niyakap niya si Heaven

Dahan-dahan tayong tatakasSa sakit na dulot ng nakalipasIkahon ang luha ng kahaponIka'y matulog at bukas ay babangon


Sakit at lungkot na kasama ng ulanBilisan mo at atin ng iiwanan


"Ngayong nandito na ako. Hindi ka na masasaktan ulit," sabi ni Greg

"I disagree, alam kong masasaktan mo pa din ako kasi sabi nila ay hindi ka naman nagmamahal kung hindi ka nasasaktan," sabi ni Heaven

"Sige, iibahin ko na lang.  Hindi kita sasaktan intentionally. I won't say na magiging perfect boyfriend ako kapag sinagot mo na ako perro I promise to be better para deserving ako sa huli," sabi ni Greg

"Naku naman, paano mo naman nalaman na sasagutin kita? Ang lakas talaga ng fighting spirit mo," sabi ni Heaven

"Kung wala akong halaga sa iyo, edi sana hindi ka nasama sa gigs," sabi ni Greg

"Bakit naman hindi ako sasama eh libre iyon? Minsan lang iyon ano!" sabi ni Heaven pagkatapos ay pinalo si Greg

"So hindi mo pala talaga ako sasagutin? Sumama ka lang dahil libre?" sabi ni Greg sa isang malungkot na tono

"Hindi naman, pero hindi ko kasi alam--" sabi ni Heaven pero hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil nagsalita agad si Greg

"Edi sayang lang ang pera ko sa bawat gig na pinuntahan natin? Pauwiin ko na lang kaya itong Keeping Symphonies?" sabi ni Greg

"Huy, huwag naman! Ang ganda na ng pagkanta nila eh, joke lang iyon! Sasagutin naman talaga kita  eh," sabi ni Heaven

"Sige nga, kailan?" tanong ni Greg

"Eh basta, sasagutin kita pero hindi ko alam kailan. Okay?" sabi ni Heaven

"Okay, handa naman ako maghintay eh," sagot naman ni Greg

Pagkatapos kumanta ng Keeping Symphonies ay nagpasalamat sina Greg at Heaven. Hindi na naman mapakali ang dalaga dahil nasa harapa niya ang isang banda na hinahangaan niya. 

"Mga pare, salamat sa pagkanta ha? Alam kong marami pa kayong ginagawa pero pumayag kayo na kantahan ang prinsesa kong si Heaven. Sa susunod ulit," sabi ni Greg

"Oo naman, sabihan mo lang kami at lagi naman kaming pwede. Kayo pa ba ni Kio ang ayawan namin? Syempre, hindi!" sabi ni Jeff

"Ma'am Heaven, dahil kumanta kami eh sasagutin mo ang kaibigan naming si Greg ah? Ayos ang kaibigan naming 'yan! Promise, hindi ka sasaktan niyan kapag iyan ang sinagot mo," hirit naman ni Jeric

"Loko, sige na at aalis na kami. Baka mamaya ay kung ano pa ang masabi niyo dito, mapurnada pa ang pagsagot niya sa akin." sabi ni Greg

"Salamat pare, abay kami sa kasal!" sabi ni Jeff

"Kasal naman agad, loko talaga kayo. Sige na, aalis na kami. Salamat ulit!" sabi ni Greg

"Paano itong table at ang pinagkainan natin? Ikaw naman kasi, bakit sa tulay mo pa naisip itong pakulo mo," sabi ni Heaven

"May mag-aalis niyan dyan, sinabi ko na sa kanila. Huwag kang mag-alala, malinis ang paligid mamaya kapag naka-alis na tayo," sabi ni Greg

Pag-uwi nila Heaven at Greg ay nagulat silang dalawa dahil naka-upo doon sa sala si Save. May dala itong bulaklak at stressed na stressed ang kanyang mukha.



The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon