Chapter 14

216 43 22
                                    

After a week..

Nagulat na lang si Heaven nang biglang pumasok ang nanay niya sa kanyang kwarto. Nakangiti ito at tila ba may gustong sabihin sa kanyang anak.

"Nak, may sasabihin sana ako. Ito na ang huling hihiling ako sa'yo tungkol dito. Mapagbibigyan mo ba ako?" sabi ng nanay niya

"Oo naman Mama, basta kaya ko. Ano po ba iyon?" sagot naman ni Heaven

"Pwede bang sumama ka kay Save ngayon? Don't worry, ito na ang huli. Kapag ayaw mo na talaga, hindi na siya mag-try. Promise!" sagot naman ng nanay niya

"Mama, alam mo naman na ayaw--" hindi na natapos ni Heaven ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad ang kanyang nanay

"Sige na, kung maaari ay gawin mo na lang ito para sa akin. Huwag na para kay Save." sagot naman nito

Kahit ayaw niya ay ngumiti na lang siya ng mapait at tumayo mula sa kanyang kama. Wala naman kasi siyang choice kundi sundin ang kanyang nanay, lagi naman nitong ginagawa iyon eh. Ang pilitin siya sa bagay na hindi naman niya gusto.

"Okay po, Mama. Pakisabi na lang po kay Save na lalabas ako after thirty minutes, salamat po." sabi ni Heaven

"Salamat anak! Hayaan mo at sasabihin ko agad kay Save, Nandyan lang naman siya sa ibaba. Hihintayin ka namin, ah?" sabi ng nanay ni Heaven

Paglabas ng nanay niya ay huminga siya nang malalim. Wala naman siyang ibang gusto kundi ang makaalis na dito sa ganitong sitwasyon. Sana nga lang talaga ay last na ito.

After thirty minutes ay lumabas na ng kwarto si Heaven, ngumiti ito ng mapait kay Save at sa kanyang nanay. Kinuha na niya ang kanyang gamit, walang anu-ano ay niyaya na niya si Save.

"Tara na, saan ba tayo pupunta?" tanong niya

"Sa lugar kung saan matagal mo na gustong puntahan. Hayaan mo, magtiwala ka na lang sa akin. Kahit ngayon lang." sabi ni Save

Di na nagsalita si Heaven, nagtiwala na lang siya sa sinasabi ni Save. Sabi naman nila, last na daw ito kaya pagbibigyan niya na.

Pagpasok nila ng kotse ay tahimik lang sila pareho. Hindi na kinulit ni Save si Heaven dahil alam naman niyang wala din magagawa iyon, baka lalo pang mainis si Heaven dahil sa gagawin niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Heaven na kinagulat naman ni Save, dahilan para mawala ang awkwardness nila pareho

"Basta, may tiwala ka naman sa akin kahit papaano diba? Magtiwala ka na lang." sagot ni Save

"Bababa ako ng kotse mo kapag hindi mo sinabi sa akin kung saan mo ako dadalhin. Ano? Sasagutin mo ba ang tanong ko o hindi?" sabi ni Heaven

"Sa lugar kung saan dapat matagal na kitang dinala. Nung tayo pa, lagi mo akong kinukulit na puntahan ito." sabi ni Heaven

Napa-isip naman si Heaven, wala naman siyang ibang kinukulit kay ave noon kundi ang pumunta sila sa gig ng mga gusto niyang artists. Nagulat na lang siya nang makita na nasa harapan na sila ng isang restaurant bar, 8th District. Para din siyang Songs Of Your Heart.

"Anong ginagawa natin dito? Don't tell me, makikinig ka ng mga bandang corny para lang makuha ang loob ko?" sabi ni Heaven

"Bakit? Wala namang masama kung makinig ako ah? Wala namang mawawala, let's try. Baka magustuhan ko na." sabi ni Save

"Hmm, don't push yourself sa isang bagay na hindi mo talaga gusto. Parang ikaw lang iyan eh, huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin." sabi ni Heaven

"Please? Kung hindi talaga mag-work ito, titigilan na talaga kita. Promise iyan." sabi ni Save

Dahil alam ni Heaven na hindi naman makakatagal si Save doon eh pumayag siya. Bumaba siya ng kotse at pumasok na sa 8th District. Maraming tao, ang pinagtataka niya lang ngayon eh kung bakit kahit wala naman si Greg ay iyon ang iniisip niya.

Nag-umpisa na siyang makinig doon sa mga banda, samantalang si Save ay nag-order na para sa kanila. Kahit papaano ay napangiti siya, dahil nakapakinig siya ng banda. Wala na din siyang pake kung kasama niya si Save, ang importante naman sa kanya ay nakapakinig siya.

"Mukhang ang ganda ng ngiti mo ah, masaya ka? Buti naman na hindi mo na ako inaaway ngayon." sabi ni Save

"Oo, thank you at sinama mo ako dito ah?" sabi ni Heaven sabay subo ng pagkain

"So kamusta ka naman? Sorry doon sa mga nakaraan nating pagkikita ah? Nakalimutan ko na ayaw mo nga pala na pinipilit ka." sabi ni Save

"Hmm, okay na iyon. Kung mapapangako mong huli na nating pagkikita ito, okay na iyon." sagot naman ni Heaven

"Oo, promise. Huli na ito." sabi ni Save

Ilang minuto pa ay nagulat na lang si Heaven dahil nakita niya sa crowd si Greg. Dahil takang-taka siya, lumapit siya dito. Sinundan naman siya ni Save.

"Greg? Bakit ka nandito?" tanong ni Heaven

Nagulat siya noong pagharap sa kanya noong lalaki, hindi naman pala si Greg iyon. Para tuloy gusto niyang lamunin na lang siya ng lupa dahil sa kahihiyan.

"Greg? I'm not Greg. I'm Inigo. Sino ka, miss?" sabi noong lalaki

"I'm sorry po, kamukha mo kasi sa malayo ang kaibigan ko. Pasensya na po ulit." sabi ni Heaven

"Miss, ipa-check mo ulit ang mata mo. Inigo ang pangalan ko at hindi Greg." sagot naman nung lalaki

Dahil sa hiya ay napalabas siya ng 8th District. Hindi talaga niya maintindihan ang sarili, bakit ba pilit niyang hinahanap si Greg eh wala naman ito? Naluluha na lang tuloy siyang lumabas mula doon sa resto bar.

"Hmm, siya pala talaga. Don't worry, alam ko na. Hindi na ako ang laman ng puso mo. Malinaw na Heaven." sabi ni Save

"Save, I'm sorry. Hindi ko alam kung bakit ako ganito." sabi ni Heaven

"Okay lang, kukunin ko lang ang mga gamit natin sa loob. Ipapa-take out ko na din ang kakainin dapat natin. Thank you ngayong gabi." sagot naman ni Save

Naiwan tuloy si Heaven doon sa labas, hiyang-hiya siya sa kanyang sarili at kay Save. Para bang nasaktan talaga niya ito ng lubos, pero wala naman siyang magagawa dahil nangyari na. Hindi naman niya ito ginusto.

Pag-uwi ay tahimik na hinatid ni Save si Heaven. Hindi na nga nakapagtanong ang nanay nig dalaga sa kung anong nangyari sa lakad nila.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon