Chapter 17

201 37 12
                                    

Thirty minutes din ang nakalipas nang makarating sila sa isang tulay. Hindi alam ni Heaven kung bakit siya dinala ni Greg doon pero okay din naman sa kanya kasi ayaw pa niyang umuwi sa kanila.

"Bakit dito tayo pumunta? Anong meron?" tanong ni Heaven

"Ah, ayaw mo ba dito? Tahimik, walang masyadong nadaan na mga tao o kotse kasi nakakatakot daw ang tulay na ito eh," sabi ni Greg

"Baliw ka pala eh, bakit mo ako dito dinala kung nakakatakot naman pala?" sagot ni Heaven

"Kasi, hindi naman totoo ang sinasabi nila eh. Wala namang multo dito, ang tahimik nga eh. Mas nakakapag-isip ako nang maayos," sagot ni Greg

Hindi na sumagot si Heaven dahil mukha namang totoo ang sinasabi ni Greg. Nakatayo lang sila parehas sa may tulay, ine-enjoy ang lamig ng simoy ng hangin sa kanilang mga balat. Iniisip ang mga bagay na dapat isipin.

"You know, what? Iniisip ko, kung pwede na talagang manligaw sayo," sabi ni Greg habang nakatingin sa kawalan

Nagulat naman si Heaven dahil sa sinabi ng binata. Napalunok siya bago magsalita.

"Nahihibang ka na yata? Kung anu-ano nasa isip mo ah. Pagpapanggap lang lahat, okay?" sabi ni Heaven

"Hindi ako nahihibang, totoo ang sinasabi ko. Sa mga araw na kasama kita, naiiba na ang gusto ko," sabi ni Greg

Kung alam mo lang, iba na rin ang nararamdaman ko para sayo eh, siguro natatakot lang ako umamin sa aking sarili kasi ayaw ko na masaktan dahil sa nangyari sa akin with Save. Iba kasi yung sakit, ang solid eh.

"Haynaku, alam mo may sasabihin na lang ako sa iyo. Secret lang natin 'to ah?" sabi ni Heaven

"Sige, ano naman iyon?" tanong ni Greg

"Nakipagkita ako kay Save noong nakaraan, sa 8th District nga kami pumunta eh," sabi ni Heaven

"Ha?! Bakit naman kayo pumunta doon? At saka, bakit ka sumama sa kanya? Eh diba plano nga natin na pagselosin siya, anong nangyayari sa iyo?" sabi ni Greg

"Sabi kasi ni Mama, last na daw iyon kaya pumayag na ako. Don't worry, after that ay hindi naman na daw kami magkikita eh," sagot ni Heaven

"Kung last na pagkikita niyo na iyon, edi hindi na din tayo magkikita?" sabi ni Greg

Bigla na lang tuloy nalungkot si Greg. Kung huli na kasi nilang pagkikita iyon, ibigsabihin ay hindi na niya makikita pa si Heaven. Hindi na niya magagawang ligawan ito kasi wala na silang dahilan para magkita pa.

"Hindi, kilala ko naman si Save eh. Alam ko na hindi niya ako titigilan kahit sinabi ko nang hindi na kami magkikita pa,"sagot ni Heaven

"Sure ka ba doon? Baka mamaya kunin ka na niya sa akin," sabi ni greg na may lungkot sa kanyang mukha

"Ano daw? Kukunin niya ako sa iyo eh hindi naman talaga tayo," sabi ni Heaven

"Kaya nga sinasabi ko na sayo ngayon na totohanin na natin ang panliligaw ko sa'yo. Hindi ko kasi alam ang magiging next step niya eh, paano kung may iba siyang gawin sa sobrang pagmamahal niya sa'yo?" sabi ni Greg

Hindi tuloy alam ni Heaven kung matatawa ba siya o maiinis kay Greg. Ayaw naman niyang magdesisyon ngayon kasi kahit papaano ay bago pa lang naman silang magkakilala ni Greg. Para sa kanya, mag-kaibigan pa lang dapat sila.

"Ikaw talaga, kung anu-ano naman ang sinasabi mo sa akin eh. Tara na nga, i-uwi mo na lang ako kasi gusto ko na rin magpahinga," sabi ni Heaven

"Ay, ganun? Bawal talaga akong manligaw?" malungkot na sagot ni Greg

"Hindi naman sa bawal, ang akin lang eh pag-iisipan ko muna kung worth it ba ang pagsagot ko sayo ng oo," sabi ni Heaven

Sa di inaasahan, nasabi iyon ni Heaven kahit hindi naman dapat. Lumaki tuloy ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang mga bibig dahil nahihiya siya sa kanyang nasabi. Hindi naman talaga ganoon ang isasagot niya dapat eh.

Lumaki ang mga mata ni Greg dahil sa kanyang narinig. Ibigsabihin lang noon ay may pag-asa siya kahit konti. Hindi niya napigilan ang sarili, nayakap na lang niya basta si Heaven. Si Heaven naman ay gulat na gulat dahil sa ginawa ng binata. 

"Hala, ano ba? Bakit mo naman ako niyayakap?" takang sagot ni Heaven

"Syempre, ibigsabihin lang noon ay may chance na payagan mo akong manligaw. Iniisip mo nga kung magye-yes ka sa akin eh," sabi ni Greg na sayang-saya naman dahil sa kanyang nalaman

"Uy, ligaw pa lang ha! Bawal pa kita sagutin! Ayaw ko pa! Diyos ko, tara na nga at umuwi na tayo," sabi ni Heaven, gulat pa din sa nangyari 

"Oh sige prinsesa ko, umuwi na tayo at gabi na din nga. Thank you prinsesa ko ah?" sabi ni Greg

"Tigilan mo nga ako sa pagsabi mo dyan ng prinsesa ko. Nakakaloka eh, saka saan ka naman nagte-thank you aber?" sagot ni Heaven

"Ah basta, prinsesa kita ano. Nagte-thank you ako kasi napakabait mo sa akin. Binigyan mo ako ng chance para ligawan ka nang tunay," sagot ni Greg

Natawa na lang si Heaven pero hindi niya iyon pinahalata kay Greg. Natutuwa lang siya dahil parang bata ang binata dahil gusto talaga niyang mapasagot si Heaven.

Pag-uwi ng bahay ay agad na pumunta si Heaven sa kanyang kwarto. Nagtalukbong at humiga pagkatapos ay tinawagan niya si Hunter para ibalita kung anong nangyari.

Habang si Greg naman ay dumaan pa sa Songs Of Your Heart. Masaya niyang binahagi kay Kio na pumayag na si Heaven sa gusto niya.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon