Chapter 27 {Greg's POV}

206 29 0
                                    

Bago kami umuwi sa bahay nina Heaven ay kinausap ko muna siya sa loob ng kotse. Ayaw ko namang mabigla siya mamaya pero ayaw ko din na magselos siya kaya sasabihan ko na siya ngayon about sa plano ko.

"Babybubu, may ipapakilala nga pala ako sa iyo mamaya. Okay lang ba? Sa Sounds Of Your Heart nga lang daw magkikita. Pwede ka ba doon? Ayos lang ba?" sabi ko

"Oo naman, sinamahan mo nga ako kay Save eh. Sino ba ang ipapakilala mo sa akin?" sagot naman ni Heaven sa akin

"Ah basta. Ako na ang bahala, susunduin na lang kita mamaya sa inyo ah. Hunter, pakibantayan ang kaibigan mong ito," sabi ko

"Haynaku, oo naman! Kailan ko ba hindi inalagaan 'to? Ikaw naman, kung anu-ano na naman ang pakulo mo sa kaibigan ko ha," sabi ni Hunter sa akin

"Oo naman, alam mo namang ang gusto ko lang ay pasayahin siya eh. Sige na, pupunta pa ako sa Sounds Of Your Heart kasi may aayusin pa ako eh," sabi ko 

"Sure ka ah? Sige, mamaya na tayong gabi magkita. See you, salamat sa pagpayag na puntahan ko si Save at sa paghatid safely sa akin dito sa bahay. I love you babybubu," sabi sa akin ni Heaven at hinalikan niya ako sa pisngi

Hinalikan ko naman siya sa labi bilang ganti. Natawa na lang kaming dalawa noong narinig namin na nagsalita si Hunter sa likod. Ngawa ito nang ngawa dahil siya ay single tapos wala pang nanliligaw sa kanya. Crush nga niya si Save pero ito ay wala na.

"Hoy, nandito naman ako! Paalala ko lang ha? Gusto ko din ipaalala na single ako at malaki ang chance na mainggit ako hindi ba? Sana naman i-consider niyo iyon ano? Baka lang naman," sabi niya pa

"Ay oo nga naman, single nga pala itong kasama natin kaya mamaya na lang ang landian ah? See you sa Songs Of Your Heart, okay? I love you so much," sabi ko 

Napatawa na lang si Heaven dahil sa sinabi ko and then she said I love you back. Aminado naman ako na minsan ay nagseselos ako kay Save. Kaso lang, kapag naiisip ko na parehas naman kami ng sitwasyon ni Heaven ay nawawala ang selos kong iyon.

Lalo na at hindi pa niya kilala si Angel, edi lalong magseselos si Heaven kapag nalaman niyang nakikipag-usap pa ako sa ex-girlfriend ko, mas lalong masakit iyon hindi ba? Kaya lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko na sino ako para magselos? Eh may tinatago din naman ako na may kinalaman sa ex-girlfriend ko. Isa pa, patay na iyong pinagseselosan ko. Wala nang laban.

Oo, nagsinungaling ako kay Heaven dahil ngayon ay pupunta talaga ako kay Angel dahil nasabihan ko na din siyang ngayon ang araw na makikilala na niya si Heaven. Sana lang talaga ay maging okay ang lahat. 

Excited pa naman iyon na makilala ang babaeng pinakamamahal ko, ayaw ko naman na sa huling sandali ni Angel ay hindi niya makilala ang taong gusto ko nang makasama habang buhay. Huling wish na niya iyon sa akin kaya tutupadin ko na iyon.

Ilang minuto pa ay nasa tapat na ako ng hospital. Dumeretso na ako sa room 216, pagtingin ko doon ay wala siya. Kinabahan na ako kaya tatawag na sana ako ng nurse para itanong kung nasaan siya pero biglang may nagtakip ng mata ko. Doon pa lang, alam kong siya na iyon.

"Angel, alam kong ikaw iyan. Huwag mo na takpan pa ang mga mata ko, para naman tayong bata nito," sabi ko

"Ang daya naman nito, bakit alam mo kaagad na ako iyon? Haynaku, kunwari na lang ay hindi mo alam. Please?" pagmamakaawa pa ni Angel sa akin

"Paanong hindi ko malalaman eh gawain mo iyan noong tayo pa? Baliw ka talaga eh, no? Humiga ka na nga sa kama at magpahinga. Lalabas na tayo mamaya," sabi ko

"Eh, talaga? Pumayag si Heaven na makilala ko siya? Paano? Anong sinabi mo?" tuluy-tuloy na tanong niya

"Hindi niya alam,sinabi ko na surprise kung sino ang ipapakilala ko sa kanya kaya siya pumayag na makilala ka," sabi ko naman

"Eh paano iyon? Baka magulat na lang siya at magalit sa akin kapag nalaman niyang ako ang gustong makakilala sa kanya," sagot naman ni Angel, ramdam ko ang takot sa kanyang boses

"Hindi namang ganoong klaseng tao si Heaven, kilala ko siya. Maintindihin siya at mapagmahal sa kapwa. Saka, gusto kong magawa ang last wish mo sa akin," sagot ko

"Maraming salamat ha? Ilang buwan na kasi kitang kinukulit. Finally, matutupad mo na ang wish ko para sa iyo," sabi ni Angel sa akin at niyakap niya ako

Wala akong nagawa kundi yakapin siyang pabalik. Doon ko nakita ang kanyang itsura, dahil sa bawat pagpunta ko dito bawat linggo ay nakikita ko ang changes niya physically. Payat na siya at maputla, pero dahil sa kanyang mga ngiti ay maganda pa din siya. 

"Oo na sige na, ikaw ay magpahinga dahil mamaya ay lalabas na tayo. Mauuna kitang sunduin kaysa kay Heaven ha? Mag-ayos ka na, buti na lang talaga ay napapayag ko ang parents mo at ang doktor," sabi ko

"Aba, dapat lang na pumayag sila. Ilang buwan na kaya ako dito sa loob, gustong-gusto ko na ngang lumabas eh," sagot naman ni Angel

"Kung gusto mong lumabas na dito, magpagaling ka na. Gagala tayo nina Heaven. Okay? Masarap kasama iyon, maingay din katulad mo. Kaya magpagaling ka na ah?" sabi ko

"Niloloko mo naman yata ako eh, alam mo naman na hindi ako magtatagal ah. Alam ko naman na iyon, kaya nga minamadali na kitang ipakilala sa akin si Heaven eh," sagot naman niya sa akin

"Baliw ka talaga, huwag kang magsabi nang ganyan. Bawal iyan ah!" sabi ko

"Ikaw ang baliw, bakit mo pinaniniwala ang sarili mo na gagaling pa ako eh alam naman nating dalawa na hindi na?" sabi ni Angel sa akin

Doon ko nasabi sa aking sarili na talaga ngang handa na siya sa kung ano ang mangyayari sa kanya. Ngayon, parang ayos lang ang lahat. Parang okay lang sa kanya na mawala na siya dahil kita kong nakangiti siya. Pero kilala ko siya, she's acting like a strong person but she's not.

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon