Chapter 5

548 88 192
                                    

Naghahanda na si Heaven para sa date kuno nila ni Greg. Ito na ang gabi kung saan matatapos na si Save sa kalokohan niya sa dalaga. Sana lang talaga ay gumana itong plano niya. 

*flashback* 

"Guys, hihingi ako ng tulong sa inyo. Okay? Greg, matutuloy na ang date natin this Saturday. Gagamitin ko ito para matapos na ang kalokohan ni Save sa akin. Payag ka ba na gamitin kita laban sa kanya?" sabi ni Heaven 

"Kanino? Doon sa lalaki kanina? Kaano-ano mo ba iyon? Manliligaw mo na ayaw mo?" tanong ni Greg kay Heaven 

"Apprently, he is my ex-boyfriend. Kahit na ayaw ko na sa kanya ay pinipilit pa din niya ang sarili niya sa akin kaya ito ako ngayon, inis na inis sa kanya," sabi ni Heaven kay Greg 

"Loko pala iyon eh. Eh ano gusto mo, bugbugin ko na? Sabihin mo lang sa akin ah, kaya ko naman. Inis na inis pa naman ako sa mga taong ganoon," sabi ni Greg 

"No, hindi ko gustong mangyari iyon. Kahit naman ayaw ko sa kanya ay hinding-hindi ko siya sasaktan physically. Ang gusto ko lang ay magselos siya, para naman makapag-move on na siya sa akin," sagot ni Heaven 

"Eh girl, sa tingin mo naman kaya ay umubra ang plano mo? Kilala nating dalawa si Save, hindi basta-basta sumusuko sa laban iyon. Ayaw ko naman na pati feelings ni Greg ay madamay dyan," sabi ni Hunter 

"Kung hindi natin susubukan ay wala tayong matututunan. We'll see. Kilala ko naman si Save eh, kung may plano siya na magkabalikan kami ay may plano na rin ako para hindi matuloy iyon," sabi ni Heaven 

"Naku, sana talaga ay gumana. Ayaw ko naman na masaktan ang feelings ni Papa Greg. Ang yummy na nito at pogi, sasaktan mo pa. Shunga ka, eh kaya mo naman ba Papa Greg?," sabi ni Hunter 

"Kakayanin, kung makakatulong eh. Saka ayaw ko talaga sa mga ganoon eh, parang nakakainis na nga kung ipilit mo pa ang sarili mo sa taong hindi ka na mahal. Hindi na pagmamahal iyon eh, katangahan na," sabi ni Greg 

"Salamat naman kung pumayag ka. Basta Hunter, doon ka lang sa labas ng Songs Of Your Heart kung saan kami magkikita ni Greg. I-tetext kita o tatawagan kapag nagkakagulo na," sabi ni Heaven  

"So magugulo ang face ko? Papangit dahil magkakaroon ng gulo sa Songs Of Your Heart? Oh my goodness, hindi ko yata kinakaya! Kapag pumangit na ako, hindi na ako magugustuhan ni Papa Greg" 

"Tumigil ka, kapag sa suntukan nagiging lalaki ka kaya alam kong hindi mo kami papabayaan ni Greg doon, okay?" sabi ni Heaven 

Sinabi na din niya na sinadya niyang ilaglag ang letter ni Greg sa kanya sa kotse ni Save dahil alam niyang pupuntahan talaga iyon ng binata.
Kahit alam ni Greg na pwede siyang mapahamak sa plano ni Heaven ay parang may bumubulong talaga sa kanya na tulungan ang dalaga sa abot ng kanyang makakaya.   

*end of flashback* 

"Girl, sure ka na ba talaga dito? For sure, mag-aaway ang dalawang iyon dahil sa iyo. Oh my goodness, ini-imagine ko pa lang na bugbog sarado si Greg ay hindi ko na kinakaya. Nakakaloka ka!" sabi ni Hunter sa kabilang linya 

"Girl, kinakabahan din naman ako ano. Anong akala mo naman sa akin? Hindi ko nga malaman kung bakit pumayag si Greg sa plano ko," sagot naman ni Heaven  

"Naku, hindi pa ba halata girl? Gusto ka nung tao, hindi mo ramdam? Pwes ako, ramdam ko! Hindi naman pupunta iyon na parang wala lang sa office natin ano!" sagot ni Hunter 

"Eh bahala ka na nga dyan. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo, mag-aayos na ako ah. Bye, ingat ka mamaya momsh!" sabi ni Heaven sabay patay ng kanyang cellphone 

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon