Chapter 4

617 90 192
                                    

Paggising ni Heaven ay masaya siya sa hindi niya malamang dahilan. Nakangiti siyang nakatingin sa salamin sa kanyang kwarto habang pinapatugtog niya ang kantang Out of My League by Stephen Speaks. 

"Haynaku, bakit ka naman nakangiti dyan? May nagyaya lang sa iyong makipag-date eh sobra na ang ngitian mo. Tuwang-tuwa ka ano? May nakakita na naman kasi ng kagandahan mo," sabi ni Heaven sa sarili habang nakatingin sa salamin 

Tumawa siya ng mahina pagkatapos ay tinapik-tapik ang sarili para magising sa katotohanan. Pagkatapos noon ay bumaba na siya ng kanyang kwarto para kumain na. 

Nagulat na lang siya nang makita na nandoon si Save sa sala. Napailing na lang siya dahil nabilog na naman ng kanyang ex-boyfriend ang nanay niya. Inis na inis tuloy siyang umupo sa hapagkainan. 

"Ma, bakit naman nandito iyan? Sobrang aga, diba sinabi ko na hindi na pwede si Save sa bahay natin? Anong nangyari?" sabi ni Heaven sa kanyang nanay 

"Eh, hayaan mo na anak. Hindi ka man lang ba magsasabi ng good morning kay Save? Kanina pa iyan dito, nakita ko ngang tulog siya sa kanyang kotse kaya pinapasok ko na."  

Napasapo na lang siya sa kanyang noo dahil sa kanyang nalaman. Lalo pa siyang nainis noong nakita niyang may flowers na dala itong si Save para sa kanya. Kailan ba ito titigil sa kakasuyo sa kanya eh ayaw na nga ni Heaven? 

"Heaven, para sa iyo nga pala. Pasensya ka na sa akin ah, hindi na ako nakapagsabi sa iyo na pupunta ako dito sa inyo kasi alam ko naman na hihindian mo ako," sabi ni Save 

"Oo naman, Savior Laurel Chua. Ayaw ko na sa iyo kaya kahit ano pa iyang dala mo eh wala akong pakialam. Pakitapon na iyan, ha?" mataray na sagot ni Heaven 

"Anak, anong sinasabi mo dyan? Parang hindi mo naman minahal si Save! Umayos ka nga, buti nga at nakikipag-ayos sa iyo yung tao. Kumain ka na, sabay kayong aalis ngayong umaga. Siya ang maghahatid sa iyo," sabi ng nanay ni Heaven 

"Mama, are you kidding me? Hindi naman ako papayag na sumama na lang dyan sa lalaking iyan! He's my most hated human being on earth!" sabi ni Heaven at tumayo bigla sa kanyang upuan 

"Heaven! Umupo ka, don't make a scene! Para kang ewan, si Save lang naman ito. Bakit ba ganyan ang reaksyon mo?" tanong ng nanay ni Heaven 

Oo nga pala, hindi alam ng nanay ni Heaven ang ginawa noong lalaking ito sa kanyang anak. Dahil ayaw masira ni Heaven ang pangalan at pagkatao ni Save sa kanyang magulang ay hindi na siya nagsalita laban dito. 

"Okay, okay. Pasalamat ka na lang sa nanay ko Save ha? Kung hindi dahil sa kanya ay wala ka dapat dito. Wala na kong ganang kumain, sa office na lang ako kakain, Ma." sagot ni Heaven  

Pagkatapos noon ay pumunta na siya sa comfort room para maligo na. Wala na din naman siyang magagawa dahil botong-boto pa rin ang magulang niya kay Save. Lalo tuloy nagkakaroon ng lakas ng loob ang ulupong na iyon na suyuin siya ulit. Todo isip siya habang naliligo kung paano niya mapapatigil si Save. 

Pagkatapos maligo ay nagbihis na si Heaven para pumasok sa trabaho. Habang pababa siya galing kwarto ay inis na inis siya kay Save dahil sa mapang-asar na mukha nito. Paano'y nanalo na naman siya sa alitan nilang dalawa. 

Tumingin naman si Heaven na para bang titirisin niya ng buhay si Save kaya natawa na lang ang binata sa kanya. Nag-wink pa para lalong mainis si Heaven. 

"Sige po tita, tapos na po yatang magbihis si Heaven. Ihahatid ko na po siya sa trabaho, salamat din po at pinayagan niyo akong makadalaw dito ah? Sa susunod po ulit," sabi ni Save sa nanay ni Heaven 

"Oo naman, ano ka ba? Parang anak na kaya ang turin ko sa iyo kaya kahit wala na kayo ni Heaven ay ayos lang sa akin. Pagpasensyahan mo na din at nagtaray ang anak ko sa iyo, baka may dalaw iyan ngayon," sagot ng nanay ni Heaven 

The Playlist (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon